Volume 2 • Chapter 33

2.3K 47 12
                                    

End of War

Samantha's POV

Welcome to the 3 kings Palace

Ito ang unang bumungad saamin bago makarating sa naglalakihang pader at gate ng palasyo. Hindi tulad nung sa illusion world mas mapapansin mong mas maganda at makatotohanan ang mga bagay bagay.

"Bago po muna tayo pumasok d'yan mas mabuting suotin niyo po muna iyan para hindi nila mapapansing hindi tayo taga rito" sabi ni Leyla at inilabas niya ang isang bagay na mapagkakamalan mong simpleng kwintas pero isa itong amulet.

"Ang puso po kasi ng palace ay isang amulet rin. Tandaan niyo po hindi kayo maaring makalapit sa puso ng palace nang suot iyan dahil maaring masira ang amulet na suot niyo at makulong kayo d'yan" paliwanag niya.

"Saan ba matatagpuan ang mga kaibigan namin at ang puso ng palasyo?" Tanong ni Wilson.

"Isa lang ang pwedeng pagtaguan ng mga kaibigan niyo ang dungeon na naka locate sa ilalim na bahagi ng palasyo. Maiingat kayo doon dahil halos lahat ng mga pumapasok doon ay hindi nakakalabas muli. Ang puso naman ng palasyo ay nasa tuktok na parte ng palasyo...." Leyla.

"Maraming salamat sayo Leyla ang laki na nang itinutulong mo saamin." Sabi ko sakanya pero nginitian niya lang kami.

"Sige na po pumasok na kayo habang maaga pa"

Sinunod na namin ang sinabi niya at naglakad patungo sa gate. Kusang bumukas ang gate at muli kong nakita ang mala-impyernong lugar kung saan kami nagkawatak-watak. Miss na miss ko na sila.

"Kaya natin ito, Wilson"

___

Bago pang masira ang palasyo siguraduhin niyo makatungtong na kayo sa ginawang platform kung hindi maari kayong mamatay.

Ligtas naman kaming nakapasok ng palasyo pero ang ambiance parin ng palasyo ay nanunumbalik.

"Okay ka lang ba?" Tanong saakin ni Wilson.

"Ah? Oo naman" pagsisinungaling ko dahil sa kaloob looban ko ay natatakot at kinakahaban ko sa mga susunod na mangyari. Una naming hinanap ang sinasabi ni Leyla na dungeon na mapanganib. Natagpuan namin ito sa basement. Sa una aakalain mo itong haunted na corridor

Ipinagpatuloy lang namin ang paglalakad hanggang sa matunton na namin ni Wilson ang pinakadulo ng dungeon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ipinagpatuloy lang namin ang paglalakad hanggang sa matunton na namin ni Wilson ang pinakadulo ng dungeon. Mabaho, maraming daga, ipis, lamok at higit sa lahat napakadumi.

"Ito na siguro iyon" sabi ni Wilson. Para naman akong nabuhayan ng diwa nang makita ko sina Matthew, Aira, Paula, Monique, Jacob at Barbie.

"Guys!" Tawag ko sakanila pero nanatili parin silang nakatingin ng diretso.

"Huy! Matthew! Paula! Ano na ako ito si Samantha!" Para kaming tangang tinatatawag ang mga kaibigan namin pero hindi sila kumikibo. "Anong nangyayari sakanila Wilson?" Nangingiyak at nagtatakang tanong ko.

"Hindi niyo sila magigising dahil nasa ilalim parin sila ng mahika. Ang tanging mapapabalik lang sa kanilang mga katawan ay ang masira ang Biringan"

Mabuti nalang at ginagabayan parin kami ni lola sa lahat at napaka laki ng utang ng loob namin sakanya.

"Pangako babalikan namin kayo..."

Nagulat kami ng biglang umilaw ang amulet.

10:00

9:59

9:58

9:57

"Holy sh!t! Bakit hindi niya sinabing may timer pala 'to?!" Asik ni Wilson. Nagkatinginan nalang kami ni Wilson at mabilis na tumakbo. Pinipilit naming tumakbo kahit nadadapa o natitisod kami dahil kaunti lang ang aming oras. Dahil nga mula sa dungeon na naka locate sa ilalim ng lupa hanggang sa tuktok ng tore nang palasyo.

8:26

Pagkarating namin sa tuktok tumambad saamin ang kwartong maliit at hindi na kami nagsayang ng oras at binuksan na namin ang pinto nang walang pahintulot. Tumambad saamin ang isang malawak na kwarto at isang cabinet na gawa sa glass at may naglalamang amulet na ang pinupunto kanina saamin ni Leyla. Lalapitan ko sana pero hinarang ako ni Wilson.

"Huwag. Hindi natin alam baka may patibong diyaan."

"Nako Wilson! Wala na tayong oras para sa ganyan kailangan na nating masira ang amulet--" sabi ko habang papalapit sa amulet at naramdaman ko nalang na may malakas na impact ang tumama saamin ni Wilson.

"Tandaan niyo po hindi kayo maaring makalapit sa puso ng palace nang suot iyan dahil maaring masira ang amulet na suot niyo at makulong kayo d'yan"

Nagising ako nang biglang may naramdaman akong malamig na tubig na natapon sa katawan ko. Inilibot ko ang aking paningin at ngayon wala na kami sa kwarto kung saan kami nawalan ng malay. Nandito na ako ngayon sa harap ng maraming tao at nakagapos ang kamay at paa.

"Wilson nasaan ka na?" Umiiyak na bulong ko.

"Magandang araw sa inyong lahat! May lapastangang taga lupa ang sinubukang sirain ang ating mundo!" Anunsyo ng tagapagsalita at sunod sunod naman ako nakarinig ng masasakit na salita at pinagbabato rin ng mga kung ano ano. Napapikit nalang ako at iniwasang tignan ang mga tao.

"Gaya ng nakagisnan kayo pa rin ang mag didikta kung paano paparusahan ang lapastangang ito"

"Dapat sakanya ipakain sa lion!" Galit na sabi ng matandang lalaki.

"Hidi sapat iyon! Ang dapat ay ipagulong sa ang bawat parte ng katawan sa bundok!"

"Pugutan nalang ng ulo!" Protesta nila.


Photos used

http://img03.deviantart.net/2412/i/2009/090/9/3/haunted_corridor_by_elegantandrogyne.jp9g

https://store.bethsoft.com/media/catalog/product/cache/1/image/9df78eab33525d08d6e5fb8d27136e95/e/t/etc-jewelry-es-amuletofmara-updated.jpg

AN: 2 Chapters left. By the way dahil birthday ko ngayon eksaktong 12 am ako nag update kahit alam kong may pasok ako bukas. Siyempre nag promise ako sainyo eh.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now