Volume 1 • Chapter 19

4.1K 118 18
                                    

Reveal

Matthew's POV

Tumawa nang malakas si Mother Luciana na umalingawngaw sa buong lugar "At anong iniisip niyo makakatakas kayo? Well nag-kakamali kayo" mala-demonyong sabi ni Mother Luciana na unti-unting nagbabago ang anyo papunta sa isang pamilyar na mukha.

"C-c-chelsea?" Nauutal na sabi ko. Siya ang ang naging kaklase ko bago pa ako makarating sa inpyernong ito. Napaka tahimik lang niyang tao at ni-minsan ay hindi ko pa siya nakikitang nakikipag-usap, bukod sa mga teacher na kinakausap siya.

"Oh mabuti naman at nakikilala mo ako Matty" malanding sabi nito saakin.

Paano niya nagawa saakin ito at bakit niya pa dinamay ang mga kaibigan ko at si Samantha kung may galit siya saakin.

"S-sino siya Mattew?" Tanong ni Monique.

"Kaklase ko siya, simula pa nung elementary palang kami..." Sagot ko.

"Kung ganon bakit pa siya nag-gagaganyan?" Nagtatakang tanong ni Samantha.

"Hahaha! Simula kasi nung dumating kayo nawala na ang atensyon niya saakin, lalo ka na Samantha inagaw mo siya saakin!" Nagulat ako sa sinabi ni Chelsea na gan'on pala ang tingin niya saakin.

"Ano ba Chelsea walang inagaw sayo kasi kahit kailan wala namang kayo ni Matthew kaya ano pang inaatungal mo diyan?" Malamig na sabi ni Jacob.

"Wala kang sumabat Jacob dahil hindi kita kinakausap!!" sigaw ni Chelsea na biglang nagyanig ang inaapakan naming sahig.

"Ang gusto ko lang ay mamatay kayong mga sagabal sa buhay ko!!" At nagsimula nang lumutang sila Sam, Aira, Monique at Jacob at parang sinasakal ng kapangyarihan ni Chealsea.

"B-b-bakit ka naging ganyan utol?" Tawag ko sa DATI naming tawagan.

"Sumanib ako sa mga engkanto kasama ang bestfriend ko na si Barbie para makapag-higanti kaya ngayon nandito na kami, naghihiganti sa mga taong pahirap sa buhay namin" pag-kwento ni Chelsea.

"Tigilan mo na sila Chelsea" pagnamakaawa ko.

"AYOKO!!"

"Ano bang gusto mo? Ano bang gusto mong gawin ko para mapatigil ka at pakawalan mo sila?" Natatarantang sigaw ko.

"Ang pakasalan mo ako...."

"JESUS! YOU'RE CRAZY CHELSEA... HINDI MO NAGAGAWA YAN DATI KAYA PLEASE AKO NA ANG NAG-MAMAKA-AWA PARA SAKANILA!!!!"

"Ganyan ba talaga sila kahalaga sayo ha?" Umiiyak na sabi niya

"O-oo! Kaya pakawalan mo na sila"

"NO WAY! KAILANGAN MO MUNA AKONG PAKASALAN AT MAGING ISANG GANAP NA ENGKANTO AT HINDI KANA KAILANMAN BABALIK SA MUNDO NG MORTAL!!"

Kailangan ko siyang pigilan kasi kung nagkataon mamamatay sila ng wala akong nagagawa.

"S-sige papayag ako pero pakawalan mo muna sila at tsaka ako sasama sayo"

"Nababaliw kana ba Matthew? Ha?" Sigaw ni Samantha. Siya lang ang nag-iisang mahal ko kailanman at hinding hindi na iyon mawawala pa.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kaibigan ko at nawala na rin ang sumasakal sakanila.

"Ayan na tara na kailangan na nating umalis..." Sabi ni Chelsea at bigla nalang nandilim ang paningin ko at nang nanumbalik na ang liwanag...

Nasa palasyo ulit kami...

Jacob's POV

Nang malaman ko na si Mother Luciana at Chelsea ay iisa syempre nagulat ako naging kaklase ko rin siya dati at naging dating.......Mahal. Masakit saakin dati kasi yung taong mahal mo ay may ibang minamahal. Nagalit ako kay Matthew at pero wala manlang akong nararamdamang galit kay Chelsea.

Malaki na ang pinagbago ni Chelsea, ang dating Chelsea kasi ay sweet at napaka bait. Nabago lang talaga siya ng pesteng pagmamahal na yan na sana hindi nalang niya minahal si Matthew. Tss. Tama na nga ang drama.

Nagulat din ako sa naging sagot ni Matthew na pumapayag siyang mag-pakasal kay Chelsea. Ito realtalk lang hanggang ngayon ay mahal ko parin si Chelsea. Tss tanga lang niya dahil pumayag siya at masasaktan nanaman si Samantha dahil sakanya.

"Jacob okay kalang?" Tanong saakin ni Monique na binabayo namin ang gitna ng kagubatan. Bigla na lang kasing binalot ng maitim na usok ng pumayag na si Matthew sa deal nila.

"Mukhang naliligaw na tayo Jacob" natatarantang sabi ni Samantha.

"Kaya nga e paulit-ulit na lang yung dinadaanan natin" sabi naman ni Aira.

"Hindi kayo naliligaw talagang ganito lang ang mga gubat dito, sa totoo lang nasa paanan na kayo ng bundok at makakalabas na kayo"

"K-king Asher at King Mason?"

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now