Volume 1 • Chapter 26

3.1K 67 17
                                    

The End

Matthew's POV

Flashback

"Barbie let's have a deal..... Tutulungan mo akong patayin ang pesteng Paula na iyan at tutulungan kita sa plano mo sakanila.." sabi ko. Oo tama kayo ng nabasa may dark side ako at grabe ako magalit sa mga asungot sa buhay ko at isa na dito ay si Paula. Ang galing ko magtago diba? Wha! Isa rin akong demonyo kung hindi niyo tatanungin at wala akong pinalampas na asungot sa buhay ko.

"Oh? Kauri rin pala kita Dear Aira.. Okay deal" ngiting sabi niya saakin at nakipag shake hands.

--

"Ano bang plano mo my dear?" Tanonhg saakin ni Barbie

"Actually meron na akong naisip pero masyado yatang gross yun kaya wag na lang. Ang gusto ko walang makakaam at hindi dapat siya halatang murder like accident?" Ngiting sabi ko. Nagsalitan kami ng mga idea hanggang sa nabuo namin ang.. Kukuha kami ng baboy ramo na control ni Barbie at tatakutin si Paula hanggang mahulog sa bangin. Naging matagumpay naman ang aming plano.

End of Flashback

Natuklasan ko ang plano niya nung narinig ko silang naguusap ni Mother Luciana o mas kilalang Chelsea. Hindi ko sinabi kila Samantha ang nalalaman ko dahil natatakot akong matuklasan nila ang nagawa ko kaya minabuti ko na lang na sarilihin na lang iyon at makipagtulungan na lang.

"Kinasusuklaman kita Aira! kaibigan natin iyon at lalo na bestfriend mo iyo pero paano mo nagawa iyon?" Nandidiring sabi ko sakanya.

"Oo tanggap ko na ang mga masasakit na sasabihin niyo saakin pero ginawa ko lang naman iyon para pagbayaran ang lahat ng kasalanan ko " paliwanag niya na nagingiyak ngiyak na at napadako naman ang mata ko kay Chelsea na may malaking ngisi sa bibig.

"Aba dapat lang hindi ko maimagine na magagawa mo iyon..hindi man tayo matagal na nagsama pero kahit saang parte tignan kakasuklaman ka ng mga tao" malamig na tugon ni Asher. Unti unti namang gumigising sa Samantha.

"Hmm.." Ungol niya.

"Oh nabuhay kapa Samantha? Hahaha good timing may malalaman kang balita na papatay sayo haha-" hindi ko na narinig ang susunod na sasabihin ni Chelsea ng bigla siyang natumba at may tama siya sa hita niya ng pana na kagagawan ni Jake at Mason.

"Tara na Sam tamang oras na ito para makaalis sa impyernong-"Aira

"Huwag kang lalapit saakin Aira!" Nagulat kaming lahat ng biglang may matang galit na galit si Samantha at nakatingin ito kay Aira. Napaatras naman agad si Aira dahil sa kinilos ni Samantha. Lahat kami ay may kasalanan kaya malabo nang makalabas kami rito. Lahat kami mamamatay at wala na kaming kawala.

"S-sam..." Bulong ni Aira na parang nagmamakaawa.

"Akala ko wala nang mas sasahol pa sa kasalanan ko pero mali pala ako dahil mas masahol ka pa saakin at ang pag patay mo sa best friend mo!" Nakikita mo ang galit sa mata ni Sam.

"B-bakit mo nagawa iyon?" Malumanay na sabi ni Sam pero hindi mo na nanaisin na pihilan siya dahil daig pa niya ang tatay mong lasing na galit na galit.

"Oo na! Oo na mali na ang nagawa ko! Tanggap ko ng mali ang ginawa ko dahil binulag ako ng galit ayoko na ng buhay na ganito...masyado nang komplikado minsan nga naisip ko na mamamatay na lang ako-"paliwanag ni Aira

"Hindi mo malulutas ang kasalanan mo kung magpapakamatay ka" Sigaw naman ni Asher.

"Patawad sa inyo at kung nagsisi man kayo na nakilala niyo ako tanggap ko at ito na ang tamang oras para sakanya naman magpatawad" sinserong sabi ni Aira.

Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa veranda ng kwarto at parang nawawala na siya sa katinuan dahil nababalisa siya.

Narrator's Point of View

Dahan-dahang tumuntong si Aira sa harang nito at at ngumiti ng mapait.

"H-Huwag mo yang gagawin Aira" natatarantang sabi ni Jake at dahan dahan siyang lumalapit kay Aira.

"Okay lang ako at tanggap ko naman ang lahat" masayang sabi nito habang lumuluha.

"Huwag parang awa mo na, mahal ko" umiiyak na sabi ni Jake

"Haha napaamin ka rin pala kung kailang huli na. Huwag kang mag-alala mahal din kita" kumaway si Aira at unti-unting umatras hanggang sa tuluyan na itong mahulog galing sa tuktok ng palasyo.

"Paalam sainyo"

Tuluyang umiyak si Jake pari na rin si Samantha dahil naging kaibigan miya rin ito sa matagal na panahon. Ngunit sina Mason, Asher at Matthew ay wala paring imik tila hindi naapektuhan sa nangyari.

Hindi rin nagtagal bumalik agad sa wisyo sina Samantha at Jake at nagsimula muling hanapin si Chelsea. Binagtas muli nila ang kagubatan kasama ang mga kawal na natitira. Hanggang mapuntahan muli nila ang pinagtayuan ng maze at biglang may mga natutumbang mga kawal at may mga tama ng pana.

"May magaganap na digmaan!" Sigaw ng pinuno ng mga kawal. Lalong naging aalisto ang lahat at hinanda ang sarili sa pakikipaglaban. Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod.

Kaliwa't kana ang mga sumusugod kaya lalo hindi naging madali ang lahat para sakanila dahil mas kakaunti sila kaysa sa mga kalaban. Nagkatoon sila ng mga kakaunting galos pero hindi hadlang yun para matigil ang laban at mamatay. Lalaban sila hanggang mamatay at walang susuko ng walang laban.

Sa wakas ay naubos rin nila ang mga kawal at nakaginga ng maluwag sapagkat si Chelsea na lamang ang kanilang kakalabanin pero nagkakamali sila.

"Whaha! akala niyo dito natatapos ang laban pwes nagkakamali kayo simula palang iyan at heto na ang katapusan!" Rinig na tinig ni Chelsea na nag e-echo sa kagubatan.

"Hindi na tayong maaring magsama-sama sapagkat masyado na silang marami kailangan na nating maghiwa- hiwalay sa tatlong grupo" sabi ni Asher.

"Paanong maghihiwalay sa tatlo lima nga tayo, paano yun magsosolo yung isa?" Takang tanong ni Samantha na ikinatawa ni Asher.

"Maari, sapagkat mayroon pa tayong komander ng mga kawal kaya ayun ang maaring samahan ni Jake at ikaw naman ay sasamahan mo si Mason dahil hindi sapat na magsama kayo ni Matthew, ikaw Matthew samahan mo ako" awtoridad na tinig ni Asher.

"At bago ang lahat maiingat kayo kailangan walang hindi babalik sa palasyo. Naiintindihan niyo ba? Hindi iyan isang pakiusap kundi utos galing sa pinaka mataas na hari dito sa palasyo" sabi ni Asher at nagsimula na silang maghiwa-hiwalay.

Asher's Point of View

Tinungo namin ni Matthew ang kabilang gubat para salubungin ang mga kawala na lapastangan. Nagtaka ako nang bumagal ang kanyang paglakad at napahawak siya sa kanang dibdib niya at tuluyang napaupo.

"Ayos ka lang ba?" Masyadong obvious na tanong ko.

"A-asher alagaan mo si Samantha ah at pabalikin mo siya sa mundo ng mga tao.." Matthew. Wala akong ideya sa mga sinasabi niya kaya kumunot lalo ang kilay ko.

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

TO BE CONTINUED

Next update will be on May 08, 2017

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now