Volume 2 • Chapter 31

2.3K 59 3
                                    

Illusions

Wilson's POV

Nagising ako nang may narinig akong kunakaluskos sa pintuan pero hindi ko yun pinansin muna. Gising ang diwa ko pero alam kong tulog ako kaya naisipan ko nang tignan kung sino yun.

"Sam?" Tanong ko na nagbabakasakaling siya lang yun pero nakita ko siyang mahimbing na natutulig sa kabilang kwarto.

"Sino ka?" dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas ang katawan ni Matthew na may nakakatakot na mukha.

"Kyaaah!" Hindi ko napansing nasa likod ko rin pala si Samantha. Dali dali na akong kumuha ng lamp para ipalo sakanya pero naunahan niya ako na kunin iyon kaya wala akong nagawa kundi ang makipag sapakan nalang.

"Samantha mauna ka nang lumabas!" Sigaw ko habang patuloy na tinatanggap ang bawat sapak ni Matthew.

"No! Hindi kita iiwan!" Halos matumba na ako dahil sa dami kong sapak at sikmura na natanggap ko galing sakamya pero hindi ako maaring sumuko.

"Wilson yuko!" Rinig kong sabi ni Samantha at otomatikong yumuko ang sarili ko at sunod namang natumba si Matthew. Nakita ko sa mata ni Samantha na naguguluhan siya at naawa narin kay Matthew. Kinuha nanamin ang oportudidad para tumakas.

"Sa tingin niyo saan kayo pupunta?" Napatigil kami sa paglalakad nang biglang humarang sina Asher, Jake at Mason.

Samantha's POV

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko ng makita ko ang 3 kings. Hindi ko maintindihan naguguluhan ako sa mga nangyayari! Hindi ko alam kung paano kami aalis dito ni Wilson.

Tumakas kayo mula diyan at hanapin ang portal na makakapagpalabas sainyo sa isang illusyon na iyan.

Nagkatinginan nalang kami ni Wilson nang marinig namin ang boses at agad na kaming tumakbo palayo.

"Whahaha! Hindi kayo makakatakas!" Para siyang baliw na nakawala sa mental kaya lalo pa naming binilisan ang pagtakbo.

"Natatakot ako Wilson..." hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Natatakot akong siya naman ang mawala. Nang makalabas kami ng palasyo nakarinig naman kami ng mga yapak ng mga kabayo at nagulat nalang ako nang biglang may tumisok na pana sa puno. Ang naalala ko sa ganitong sitwasyon ay dapat hindi diretso ang pagtakbo dapat pagewang gewang.

"Kaya natin ito Sam" saktong pagkasabi ni Wilson ay bigla siyang natamaan sa braso na sanhi ng kanyang pagkabagal niya.

"Omygod! Wilson huwag ka munang titigil malapit na tayo sa portal!" Sabi ko habang inaalalayan siya. Papalapit na nang palapit saamin sina Asher.

Mas lalo pang bumilis sina Asher mabuti nalang at nakatalon na agad kami sa loob ng portal. Nagkaroon muli nang kakaibang pakiramdam habang tumatagal kami doon. Unti unti ring nawala ito at tuluyan na ako nakatulog.

Nagising ako dahil sa init ng araw na tumatama sa aking mukha. Nasa gubat muli kami at nakahiga sa malaking bato na malapit sa falls.

"Wilson?" Gising ko sakanya. Mayroon parin siyang tama ng pana sa braso na patuloy paring dumudugo.

"Hmm... Samantha okay ka lang ba?" Tanong niya saakin at akmang uupo siya pero pinigilan ko siya.

"Okay lang ako at alam kong hindi ka okay kaya mahiga ka muna diyan at gagamutin ko ang sugat mo." Naghanap ako ng Achillea millefolium at sa awa ng diyos ay may nahanap ako. Sunod naman ay pumunit ako sa blaser ko para gawing benda.

"Salamat Samantha" sabi ni Wilson habang suot ang matamis na ngiti.

"Haha ano ka ba Wilson okay lang yun" nahihiya kong sabi. Nahiga narin ako sa tabi niya para makapag pahinga narin.

"Grabe yung karanasan kanina sa illusion world na yun akala ko talaga si Matthew at ang 3 kings na yun hindi pala" nanghihinayang sabi ko.

"Mabuti nalang naagapan ko kaagad kanina kung hindi siguro namatay na tayong dalawa at hindi nagawa ng tama yung misyon."

"Kaya nga, eh"

"Ikaw Sam okay na ba yung memory mo?"

"Actually oo pero meron paring mga nawawalang memories but sapat na yun para maalala ko kayong lahat" nakangiting sabi ko. "Alam mo ba nung nagising ako galing dito para akong nanaginip ng masama at umiiyak ako ng sobra noon tapos tinanong ako ni mommy pero hindi ko na maipaliwanag yung mga nangyari kaya binaliwala ko na lang"

"Ako naman nung wala kayo? Grabe halos mabaliw na ako sa kakahanap sainyo pero mabuti nalang habang tumatagal naghihilom narin yung mga sakit" sabi niya na kinatigil ko naman sa pagkatulala. Tinignan ko siya ng mabuti at nakita kong nahirapan din siya.

"Pasensya ka na Wilson sa lahat at lalong pasensya ka na kung hindi ko man mapunan ang pagmamahal mo saakin masakit man yun pero kailangan mo ring mag move on at magaroon ng bago. Sa ngayon ituituring kitang espesyal Wilson" yun nalang ang nasabi ko at parang na guguilty ako.

"Maraming salamat Sam pero sa ginagawa mong iyan lalo mo lang ako sinasaktan sana ipamukha mo na lang na wala akong halaga saiyo. Please lang Sam masakit na talaga eh kahit wala siya pero siya parin ang nasa puso mo at kahit nawalan ka pa ng memories"

"Tapusin na natin itong misyon na 'to Sam at pagkatapos noon ay huwag mo na ako aasahang makikita mo ako kasi pagod na akong masaktan. Sige magpahinga ka na d'yan maghahanap lang ako ng makakain."

"Pasensya ka na Wilson..."

Alam ko yung nararamdaman niya pero mali yung may ibang mahal ako pero sakanya ako nakipag boyfriend. Maaring makahanap siya ng bago pero sana mahalin niya yun ng pagmamahal niya kagaya saakin. Pasensya na Wilson. Ipinikit ko na muna ang aking mata at hinayaang makatulog.

_____

A/N: Mga 3 or 4 chapters nalang matatapos na talaga ito kaya keep fighting! Byeee~

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now