Volume 1 • Chapter 3

8.9K 222 7
                                    

Road Trip

Jacob's POV

"Hey Jacob ok na ba yung mga bags?" Natatarantang tanong ni Barbie. Langya excited na excited na talaga siya.

"Oh ikaw Sam at Monique yung mga pagkain ba naka seal na ba? Sigurado ba kayong hindi na iyan matatapon sa byahe?" Sunod sunod na tanong ni Barbie.

"Opo ma'am okay na po ang lahat pftt!" natatawang sabi nila Sam at Monique.

"Nakakainis naman bakit ayaw kasing magkasya ng mga damit!" Inis na inis na sabi ni Paula

"Easy lang kasi Pau-pau lalo kang pumapangit eh" loko ko sakanya

"Manahimik ka Lewis ah" banta niya saakin pero tinawanan ko lang siya.

Barbie's POV

Halos ilang oras nalang ay aalis na kami kaya kailangan ko nang magmadaling iimpake ang mga gamit namin. Para nga silang ewan dahil kanina pa sila nakatulala saakin at hindi manlang ako tinutulungan.

"Nakakainis naman bakit ayaw kasing magkasya ng mga damit aish!" Psh! Yan nanaman si Paula umiiral nanaman ang pagka moody niya.

"Easy lang kasi Pau-pau lalo kang pumapangit eh" at sinabayan pa ni Jacob

"Manahimik ka Lewis ah"

Habang sila ay abala sa kanilang ginagawa ako naman ay napaisip. Tama kaya ang disisyon ko? Tama kayang-

"Barbie, Sam, Paula, Aira, at Monique let's go na at baka mag traffic pa tayo sa byahe" sigaw ni Matthew galing sa labas

"I'm so excited na talaga" maarteng sabi ni Aira

"I'm so excited mo mukha mo" inis na bulong ni Paula. Ewan ko ba kung bakit palaging magkagalit tong si Aira at Paula pero ang alam ko ay magkaibigan ang dalawang 'to. Ano ganiyan sila mag treat sa isa't isa?

Bahala na si God sa mangyayari saamin at sana gabayan niyo ako sa aking disisyon pero kailangan ko 'tong gawin.

Samantha's POV

Habang nasa eroplano kami walang nag uusap dahil na sa pagod at puyat, maaga kasi kami nagising kanina at hindi halatang excited. Paano ba naman 1:30 pa lang ng umaga gising na silang lahat at hindi na yata natulog ang mga to dahil sa excited.

Palabas na kami sa Luzon at ako na lang ang gising sakanila. I think 2 hours ang byahe namin at apat na oras sa pag bubus.

"Hm! Sam..huwag..huwag!" nagulat ako nang biglang nag salita si Monique. 'Nga pala siya ang katabi ko si Aira naman at Paula ay nasa harapan rin namin natutulog tapos sila Matthew,Barbie at Jacob ay nasa kabila yung upuan nila dahil hindi na kami kasya.

"Monique! Monique" gising ko sakanya at tinatapik ng mahina yung pisngi niya at malamang binabangungut nanaman siya.

"Hmm.. Hmm!" Nagising bigla siya at naluha ng kaunti dahil siguro sa sama ng panaginip.

"Binabangungut ka Monique, tahan na" pagpapatahan ko sakanya at niyakap ko siya.

"Sam parang kasing totoo yung panaginip ko n-napunta daw tayo sa isang lugar t-tapos naligaw at hindi na tayo muli pang nakalabas sa lugar na yun... P-paano kung mag ka totoo yun Sam? Paano?" Naiiyak na sabi ni Monique at mukhang takot na takot talaga siya.

"As if naman na mangyari talaga yun diba?" Singit naman ni Paula.

"She's right kaya tsaka it is just a dream" komento naman ni Aira.

"Amnn.. Ma'am may problema po ba?" Sabi nung stewardess

"Ah wala po, pahingi na lang po ng tubig" sabi ko sakanya.

"Sige po" sagot naman niya saakin at dali dali na itong umalis para kumuha ng tubig

"Monique are you ok na ba?" Sabi Aira kay Monique

"Ah oo o-okay na ako wag na kayong mag alala" sagot naman ni Monique

"Anong meron dito at bakit umiiyak si Monique" nagulat kami nang biglang may nagsalita ughh si Matthew lang pala.

"Nakakagulat ka naman Matt bigla bigla kang nagsalita" sabi ko sakanya

"Sorna naman by the way ano nga ang nangyari kay Monique?" Tanong niya saamin.

"Nanaginip kasi itong si Monique tungkol dun sa pupuntahan natin sabi niya baka daw mag katotoo yung panaginip niyang maliligaw tayo at kahit kailan hindi na tayo makakalabas sa lugar na iyon"

"Hindi naman kasi imposible ang napaginipan ni Monique kasi hindi natin alam masyado ang pupuntahan natin" Matthew

"So what do you mean?" Tanong sakanya ni Paula

"Amnn... Wala naman" tipid na sagot ni Matthew. Sabagay he has a point naman kaso nga lang. Tama na nga sa kakaisip ko ng ganito.

"Baliw!" Paula

"Ma'am ito na po yung tubig ninyo" sabat naman ni ateng stewardess

"Salamat" sabi ni Monique at ininom ito para naman mahimasmasan ito nang kaunti.

Matapos ang insidente naging tahimik nang muli ang aming byahe pero hindi nang muli natulog si Monique.

Ligtas kaming nakarating sa Catarman National Airport. "Ano nang sunid nating gagawin?" Tanong ni Matthew kay Barbie.

"Sasakay na tayo ng bus pero kumain muna tayo dahil mahaba masyado ang oras ng pagbyahe natin"

Dumiretso kami sa isang restaurant na malapit sa airport.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now