Volume 2 • Chapter 30

2.3K 53 3
                                    

Reminiscing Memories

Samantha's POV

"Sino kayo?" Tanong ko sa tatlong lalaking biglang sumusulpot.

"Kami ang 3 Kings na tumulong sainyo nung kinakalaban niyo pa si Chelsea kaya wala kayong dapat ikabahala.." Sabat naman ng lalaking may piercing sa labi at blonde na buhok.

Napakunot nalang ako ng noo dahil pamilyar ang mga mukha nila. "Alam kong nagtataka Samantha pero ang dahilan ng pagkawala ng iyong memorya ay kung bakit ka naligtas laban kay Chelsea..." Panimula ni Asher.

"Bakit nga pala kayo nandirito at naligaw bang muli kayo?" Tanong naman ni Jake sa pagkakaalala ko nang pangalan niya. Gaya nang inaasahan ko ganoon pa rin ang emosyon niya wala paring nagbago.

"Nandito kami para gawin ang isang misyon..." Singit naman ni Wilson.

"Misyon?" Nagtatakang niyang tanong.

"Oo, bubuhayin naming muli ang aming mga kaibigan at sisirain ang lugar na ito para hindi na rin makapaghasik nang lagim"

--

"Masyadong delikado ang gagawin niyong misyon at maaari niyo pang ikamatay iyan" sabi ni Asher. Naglalakad kaming muli papunta sa palasyo. Medyo nakakapagtaka dahil masyado silang tahimik at parang naguusap usap sila gamit ang kanilang mata.

Wilson's POV

Medyo nakakapagtaka ang mga nagpakilala saaming mga hari kuno daw. Nakakapagsuspetya lang talaga lalo na at kami lang dalawa ni Samantha ang magkakampi hindi ko rin masasabing kakampi ko sila dahil hindi ko sila lubos na kilala pa.

"Nandito na tayo" tugon ni Asher. Huminto kami sa tapat nang pamilyar na palasyo at napakalaki niti. Medyo moderno ang disenyo nito at halatang alagang alaga.

"Pamilyar saakin ang lugar na ito..." Rinig kong bulong ni Samantha.

"Dito ba kayo ikinulong Sam?"

"Sa tingin ko...oo"

"May iba ka pa bang naaalala bukod doon?" Tanong ko

"Oo..."

"Ano yun?"

"Dito kami-"

Napatigil sa pagsasalita si Samantha nang biglang umilaw ang papel na hawak hawak ko.

Huwag magtiwala sa mapagpanggap.

Naaalala ko pang sinabi niya yan. Pero maari kayang may nakasalamuha na kaming mapagpanggap?

"Mabuti pa at pumasok na tayo" sabi naman ni Asher. Agad na sumunod kami at bumungad saamin ang magagarang mga bagay. Dahan dahan namang sumara ang gate na nakapagpainis sa aking tenga dahil sa tunog nito.

"Matthew..." bulong ni Samantha. Nakatingin siya sa parte nang gubat na madilim kaya napatingin narin ako at nakita ko ang pigura nang lalaki na naglalakad papalapit saamin.

"Samantha! Wilson!" Unti unting lumabas sa dilim ang lalaki at tumambad saamin si Matthew na buhay na buhay at mukhang malakas at healthy pa.

"Pa-pa-paano ka na-nabuhay?" Nauutal na tanong ni Samantha at bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Binigyan lang kami ni Wilson nang matamis na ngiti.

"Haha! nailigtas kasi nila ako pero bago ako magising nakabalik ka na pala sa dati at ako ay naiwang magisa dito" mahabang paliwanag ni Matthew.

"Bakit hindi ka bumalik sa mundo ng mga tao?" Takang tanong ko naman. Nakakapanghinala.

"Ah, alam ko kasing balang araw babalik dito sa Samantha at ito na nga iyon matapos ang tatlong taon" tatlong taon? Eh, parang tatlong b'wan lang ang nakalipas mula nung nagkaayan sila. Mabilis namang niyakap ni Samantha si Matthew kaya napaiwas nalang ako ng tingin.

"Akala ko hindi na kita muling makikita" umiiyak na sabi ni Samantha. Mahal mo nga siya pero hindi ako kumbinsido sa mga nakikita kong galaw niya.

"Tara na sa loob para makakain na tayo" anunsyo ni Jake. Agad naman kaming sumunod at pumasok kami sa napakalaking palasyo at magagandang gamit. Pumasok kami sa isang silid na mayroong mahabang mesa at sa ibabaw nito ay masasarap na pagkain.

"Maupo kayo" alok ni Asher.

"Magandang balita nang makabalik ka dito Samantha at sinamahan ka pa talaga ng kaibigan mo" sabi ni Matthew. So hindi niya ako kilala?

"Hindi mo ako kilala Matthew?" Tanong ko na kinatigil niya sa pagkain.

"Haha! kilala kita at ikaw si Wilson diba na kaklase namin" may kakaiba talaga akong napapansin kay Matthew na hindi ko alam kung ano yun. Pero nasisigurado kong hindi siya yan.

"Akala ko nagka-amnesia kana Matt haha!" Masayang sabi ni Samantha habang titig na titig sa mga mata nito. Hindi ko mailarawan ang itsura ni Matthew pero parang may mali na hindi ko lang talaga masabi dahil medyo matagal na kami huling nagkita.

Nagpatuloy lang ang pagkain namin hanggang sa natapos na kaming kumain at napagpasyahan nilang maglakad-lakad muna sa palasyo.

"Paano ka nila nailigtas Matthew?" Tanong ni Samantha. Walang maalalang memory si Samantha kaya napakadali lang niyang lokohin.

"Uh ipinagamot nila ako sa isang albularyo at halos dalawang buwan rin akong walang malay" paliwanag pa niya

"Ah, ganoon pala pero diba ang naaalala ko kasi inilibing ka nila sa lupa at paano ka nakaligtas doon?" Takang tanong ni Samantha. Ngayon mo ipaliwanag ang tanong ni Samantha!

"Samantha gabi na mabuti pang magpahinga muna kayo ng kaibigang mo si Wilson dahil bukas tutulungan namin kayo sa misyon niyo" anunsyo ni Asher. Inihatid nila kami sa parehas na silid pero nahahati ito sa dalawa.

"Samantha..." sabi ko.

"Ano yun?"

"Handa ka bang ibuwis ang buhay mo para lang mabuhay sila?"

"Ano ba namang tanong iyan haha s'yempre. Oo kasi kaibigan ko sila" masayang sabi ni Samantha pero mahahalata mo sa mga mata niya ang takot at panghihinayang.

"Sana maging masaya ka Sam kung ano man ang resulta ng mga pangyayari" dumiretso na ako sa aking kama at agad na nagpahinga.










The Lost Province [Biringan City Inspired]Där berättelser lever. Upptäck nu