Volume 1 • Chapter 20

3.8K 98 10
                                    

I love her

Samantha's PoV

"K-king Asher at King Mason?" Hindi kaya isa rin silang kalaban at nagkukunwari.

"Huwag kayong lalapit saamin" ma-awtoriad na sabi ko at umatras kami. Ang bawat isa saamin ay may nararamdamang kaba dahil masyado nang masakit ang mga nangyayari saamin at nadala na kami.

"Huwag kayong mag-alala hindi kami kalaban dahil isa rin kaming galit kay Chelsea...." Sabi saamin ni Asher. What?

"A-alam niyo ang tungkol sakanya?" Takang tanong ni Monique. Paano nila nalaman o di kaya matagal na nilang alam?

"Nag-imbistiga si Jake sa lahat ng nangyayari dito sa palasyo at iyon nga ang natuklasan niya...nalaman niya iyun ng nakaraang linggo na nag-palit ng anyo si Mother Luciana hanggang naging Chelsea na dating tao na kinain na ng galit" sabi ni King Mason.

"Nga pala kasama niyo ba si little sung—i mean Paula?" Pare-parehas kaming hindi nakagalaw sa pagtatanong ni Mason. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung malaman niyang wala na si Paula?

Ibig sabihin hindi nila alam ang nangyari kay Paula?

"Ah..eh..bakit nga pala kayo nandito?" Pag-iiba ko sa usapan. Alam kong may relasyon o may namamagitan sakanila ni Paula at alam ko ring masasaktan siya ng sobra.

"Nandito kami para tumulong sainyo makalabas sa lugar na ito" sabi ni Asher.

"Maraming salamat sainyo" sabi naman ni Jacob at nginitian siya nito.

"Again. Where is Paula?" Pag-uulit na tanong ni Mason.

"Ahh..eh...kasi...ano..ammn.." Hindi ko alam ang isasagot ko paano na to? Sabihin ko na ba? Ugh! Hindi ko alam!

"Ano ba Sam sasabihin mo lang naman kung nasaan si Paula hindi mo pa masabi!" Nagulat ako ng biglang sigaw ni Mason. Nakakatakot siya kasi nakita ko ang kamay niyang parang manununtok na at lumalabas na ang litid niya sa leeg.

"Okay! Okay! Okay! Ganito kasi—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin ako ni Monique.

"Wala na si Paula....patay na siya nung nakaraang araw pa" malamig na sabi ni Monique. Hindi ko aakalaing didiretsahin niya yun pero ito ang katotohanan.

"Hindi..alam kong niloloko niyo lang ako at hindi ako nakikipag biruan" hindi makapaniwalang sabi ni Mason pati narin si Asher ay nanlaki rin ang mata sa narinig.

"Kasi Mason—"

"Kahit hindi ka maniwala ayun parin ang katotohanan at hindi na yun mag babago" malamig na sabi ni Monique.

"HINDI!!! HINDI TOTOO YUN AT HINDING HINDI KO YAN MATATANGGAP!!" pagkatapos niya sumigaw ay agad siyang nag walk out na parang hindi alam kung saan ang paroroonan niya.

Mason's POV

Nang matagpuan namin sina Samantha at ang kaniyang kaibigan sa gubat agad kong hinanap si Paula. Pero hindi ako nagtagumpay. Nasaan kaya siya?

Nang magkaroon na ako ng lakas ng loob para magtanong. Nagulat ako sa nalaman ko. Galit, lungkot, pagkagulat at paghihinagpis ang naramdaman ko. At sana isa lang itong panaginip na pwede na akobg gumising at bumalik gaya sa dati ang lahat pero nasa katotohanan ako.

Lumayo muna ako sakanila dahil gusto kong mapagisa at gusto kong ipasok sa isipan ko ang nalaman ko.

Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta at ang alam ko lang ang makalayo sa tao at mapag-isa. Nakarating ako sa isang bangin na parang naramdaman ko ang presensya niya. Totoo ba ito? May naaninag akong isang babaeng nakatayo hindi kalayuan saakin at mukhang pamilyar siya.

Naka-puting bistida at maaliwalas ang mukha at lalo siyang gumanda. Tama nga ako binibiro lang nila ako.

"P-paula?" Gulat na tanong ko.

"Mason? Bakit ka nandito?" Nakangiting sabi niya. Naluluha ako habang nakatingin sakanya.

"I miss you Paula" lalapitan ko sana siya at agad ko siyang niyakap. Nakaramdam ako ng lamig sa kaniyang katawan at siguro tama nga sila na wala na talaga siya.

"I miss you too Mason.."

"Paula bakit mo ako iniwan?" Naiiyak na tanong ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang kamay at sa oras na ito ayaw ko na itong binatang muli.

"Pasensya ka na Mason pero sinisigurado kong magkikita tayong muli. Hihintayin kita.." pangangako niya. Muli ko siyang niyakap at dinama ang kaniyang presentsya.

"Maghihintay rin ako at gagawin ko ang lahat para magkita tayong muli.."

"Paula, i love you" hindi ko na napigilan ko na sabihin ang matagal ko ng gustong sabihin.

Siya ang taong nagpabuhay muli ng akong buhay. At ang presensya palang niya ay sapat na saakin pero ang lahat nang iyon ay babalik sa dati dahil iiwan na niya ako.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now