Volume 1 • Chapter 17

4K 97 9
                                    

Save her

Samantha's PoV

"Saan na tayo, Matthew?" tanong sakanya ni Monique. Malayo na ang aming nilakad at papalapit na rin magtakipsilim.

"Hindi ko alam, pero ang alam ko nakalayo na tayo sa palasyo" simpleng sagot nito. At biglang napahinto si Paula at nakita ko roon ay isang talon at nasa tuktok kami. Halatang malalim ito dahil asul na asul ito at napakalawak pa. 

Naglakad ako na magbakasakali na mayroon pang pwedeng pagdaanan. Habang ako ay naglalakad may naramdaman akong presensya ngunit hindi tao kundi mabangis na hayop. Napaatras ako ng makita ko ito at isa pala itong baboy ramo na gutom na gutom at naglalaway pa.

Dahan dahan akong timakas para hindi niya ako makita pero sa kamalas malasan nakatapak ako ng mga tuyong dahon at nag bunga ito ng ingay na nakakuha ng atensyon ng baboy ramo.

"Oh my! H-huwag kang l-l-lalapit" pagbabanta ko sa baboy ramo pero lumalakad parin ito papalapit saakin. Agad kong hinanap ang mga kaibigan ko at magbakasakaling matulungan nila ako. Patuloy parin sa paglapit yung baboy at napapa-atras na ako papunta sa bangin. Kaunti nalang at malapit na akong mahulog kung patuloy pa rin ang paglapit ng baboy.

"Aira! Paula! Matt! Tulong!" Nangingiyak na sabi ko. "Tulong!" Nakita ko sila na tumatakbo palapit saakin pero nagulat na lang ako ng biglang lumutang pataas si Aira at may nakapulupot sakanyang lambat na mukhang para sa baboy ramo. Sa hindi ko inaasahang pangyayari bigla akong inatake ng baboy ramo sa paa at naramdaman ko ang sakit at mukhang mapuputol ang buto ko.

"Ahh! Tulonggg! Arghh!" Namimilipit na sigaw ko na umalingaw-ngaw sa buong gubat. Kumuha si Paula ng isang matulis na bato at sina Jacob at Matthew naman ay pilit na sinisira ang lambat na naka-pulupot kay Aira.

Akmang sasak-sakin na niya ang baboy pero bigla siyang sinampahan nito kaya natumba siya. "Ah! Sam alisin mo ito!" Sigaw ni Paula pero hindi ko maigalaw ang kaliwang paa ko dahil namamanhid na.

"Paanong gagawin ko?" Natatarantang tanong ko. Papalapit na ng papalapit sina Paula at ang baboy sa bangin at puro dugo narin ang mukha niya. Kinuha naman ulit ni Monique ang batong dapat isasak-sak sa baboy at isasak-sak dapat ito pero hindi nagpatinag ang baboy kay Monique.

"Matthew tulungan niyo kami!" Buong lakas na sigaw ko pero bago pa makalapit si Matthew saamin tuluyan na ng nahulog sa bangin  si Paula kasama ang baboy.

"PAULA!!!!" Sigaw ko at pilit kong nilapitan ang bangin pero nakaramdam naman ako ng sakit sa paa ko na sanhi ng aking pagsigaw. Nakita ko namang si Monique ay mukhang nanghihina at naluluha narin dahil sa nangyari.

"TULUNGAN NIYO SI PAULA! BAKIT KASE HINDI NIYO SIYA TINULUNGAN? BAKIT PA KASE NANGYARI ANG LAHAT NG TO? HA? KASALANAN KO ANG PAGKAMATAY NIYA DAHIL HINDI KO SIYA NATULUNGAN PERO AKO NATULUNGAN NIYA!!" malakas na sigaw ko at umiiyak na din.

"Tama na Sam, wala naman may gusto ng lahat ng to eh" sabi ni Aira at nakakawala na pala siya. "Oo masakit kase nawala na siya. Pero sa tingin ko masaya siyang nawala kase natulungan niya tayo kahit ikinamatay niya pa" umiiyak na dugtong niya.

"Tumigil na kayo sa pag-iyak dahil hindi naman mabubuhay si Paula kung iiyakan niyo. Tapos na at wala na tayong magagawa doon." walang emosyong sabi ni Monique.

Hindi tin nagtagal ay tumigil na rin akong umiyak pero nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Inayos nila muna ang mga sarili namin  at ginamot na rin ni Jacob ang kaliwa kong paa. Pero kalaunan naka-kalma narin ako.

Sayang lang at hindi man lang ako nakapag pasalamat sakanya at utang ko ang buhay ko sakanya. Sana Paula mapatawad mo ako kasi hindi ko manlang ikaw natulungan at sana hindi ka na lang tumulong saakin tiyak ay buhay ka pa.

Huminto kami sa isang puno na malaki ang silong at mukhang safe naman dito kaya dito muna kami magpapalipas ng gabi. Hindi parin ako makatulog dahil sa nangyari kanina dahil first time ko lang mamatayan ng totoong kaibigang gaya ni Paula.

Habang naka-upo ako may narinig nanaman akong kaluskos ng dahon pero ibinalewala ko lang iyon dahil nasa itaas kami ng puno at kahit baboy o kahit anong hayop ay hindi kami maaabot. Hindi ko alam kung kailan ba ito matatapos o matatapos paba ito?

At sana makalabas kami dito ng buo kahit wala na si Paula dahil ayoko nang mabawasan pa ng isa ang mga kaibigan ko. Nang makaramdam na ako ng antok natulog na ako at binalewala muna ang mga iniisip at sinubukang manalangin sa Diyos.

"I miss you Paula" at tuluyan na akong nakatulog.

*****************************

Happy New year!!

The Lost Province [Biringan City Inspired]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu