Volume 1 • Chapter 2

11.6K 266 24
                                    

Getting Ready

Samantha's POV

"Yie! 2 days nalang outing na natin!" Masayang sabi ko sakanila

"Kaya nga Sam eh. Nakaka excite naman dahil first time kong mag out of town ba hindi kasama parents" sabi ni Paula

"So, kailan tayo mamimili ng mga foods?" Pag-iiba ni Monique

"Ngayon na dapat" agad na sagot ni Barbie

"Sure! After class guys" sabi ni Aira

"Yow!" Bati saamin ni Matthew at Jacob

"Ah nga pala Jacob and Matthew puntahan niyo mamaya after class si Manong Hans para maihanda na niya yung sasakyan natin" bilin ko sakanila

"Areglado Sam" sagot nila at nag kunwari pang sumaludo saakin.

"By the way kailangan ko na nga palang pumasok guys kaya bye na mamaya na lang, huh?" Paalam ni Monique

"Kami rin pala ni Aira. Sam may inuutos nga pala si Sir Steph saamin" Paalam nila Paula at Aira saamin.

"Sure" sagot ni Barbie

Makalipas ang ilang oras ay sumunod na rin kami dahil baka dumating na ang susunod na subject namin Barbie. Magkaklase kasi kami sa history kaya yeah.

Fast Forward

Pagkatapos ng mahabang lecture sa history sumunod na kaagad kami sa tambayan namin kung saan kami nag usap-usap kanina.

"Oh, kanina pa kayo diyan?" Tanong ko sakanila. Kami na lang pala ang hinihintay dahil lahat sila ay nandoon na

"Hindi naman. Like 10 minutes late kayo" sagot ni Aira

"Sorry nag overtime kasi yung prof namin sa history eh" sabi ni Barbie sakanila

"Okay lang yun Barbiemahloves" lambing sakanya ni Jacob pero tinignan lang siya ng 'nandidiri look' ni Barbie.

"Tigil tigilan mo nga ako Lewis at nanggigigil ako ngayon" inis na sabi ni Barbie at siniko niya pa si Jacob ng mahina

"Eh kapag tinigilan kita hindi titibok ang puso ko Barbiemahloves" nakangising sabi ni Jacob

"Psh woy tama na nga yan" inis na sabi ni Monique

Pagkatapos sabihin iyon ni Monique ay binalutan na kami ng katahimikan. Walang kahit sino mang nag sasalita at ang tanging naririnig lang namin ay ang mga estudyanteng nag kwekwentuhan, mga tunog ng sasakyan.

"Ahh... ano mamili na tayo?" Putol ko sa katahimikan

"S-sure" Barbie

"Osha-sha lets go na and Jacob and Matthew alam nyo na kung ano gagawin nyo ah" bilin ko salanila

Pagkatapos ang awkward moment sa campus dumeretso na kami sa mall para mamili ng mga ulam at snacks.

Tig isa kami ng mga cart para hindi nakami mag agawan ng mga pagkain mahirap na no. Kumuha ako ng mga canned foods, hotdog, mga pang adobo dahil hindi nan iyon napapanis, at mga junk foods na.

Hindi masyadong napuno yung cart ko kasi nagtitipid ako para sa pocket money ko 5000 lang kasi binigay ni mommy saakin at kasama na ang pamasahe doon.

Pagdating ko sa counter nakita ko na si Monique, Aira at Paula pero nasaan si Barbie?

"Oh nasaan si Barbie?" Tanong ko sakanila

"Akala ko kasama mo eh" sagot saakin ni Paula.

"Sus hahanapin ba niya kung kasama niya?" Pambabara pa ni Aira.

"Aira and Paula huwag nga kayo magbangayan" awat sakanila ni Monique.

Hindi ko na lang siya pinansin samantalang hinanap ko ng mata ko si Barbie and...Bingo

Nakita ko siya sa meat shop, halos punong puno ng meat, pork, at may dugo pa ng manok yung cart niya pero ni isa wala akong makitang seasonings at sahog. Anyare besh?

"Barbie 'nyare bakit puro manok at karne yang cart mo pero wala ka man lang seasoning o mga sahog?" Tanong ko sakanya.

"Ah... W-wala a-ano kasi maraming seasonings sa bahay. ah, tama marami nga" Barbie. Bakit ganon ang weird niya?

"Tara nga Barbie" aya ko sakanya at hinila yung kamay niya.

Pagdating naming counter tumataginting na 7000 yung nagastos niya, samantalang yung akin nga 1500 lang eh. Sabagay puro tig isang kilo yung binili niyang mga karne

Ano kayang gagawin niya dyan?

Pagkatapos naming mamili dumeretso kami sa japanese resturant

"Welcome po ma'am" sabi ni kuyang guard

Ang inorder ko yung pork tonkatsu, ramen, at tempura. Hindi kami nag uusap usap habang kumakain halata talagang gutom ah.

Biglang nahinto ang pagkain ko nang nag ring yung phone ko. Si Jacob pala.

"Hello?"

"Sam bad news sabi ng driver nung van hindi na daw sila pwede kasi may mag rent daw ng mas mahal sa down natin"

"Hala! Paano na yan?"

"Sa tingin ko Sam mag co-commute na lang tayo"

"Pero mahirap naman yun masyado eh marami tayong dala"

"Kaya natin yan mag e-eroplano tayo papunta sa Visayas tapos mag bu-bus na lang tayo"

"Oh sige punta na kayo dito sa mall na malapit sa campus at doon sa japanese resturant. Mag pa book ka narin pala ng flight."

"Sige Sam!"

Pagkatapos niya sabihin iyon ay pinatay ko na yung tawag at lahat pala sila nakatingin saaken but why?

"Uy bakit kayo ganyan makatingin saakin may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sakanila

"Wala ano nga pala sabi ni Jacob?" Monique

"Sabi niya hindi daw pwede yung pag rerentan ng van kasi daw may nag down sakanila ng mas malaki kaya yun na lang yung kinuha nila" sabi ko sakanila

"So paano na yan?" Aira

"Mag cocommute tayo. Mas maganda mag eroplano kaysa sa mag roro tayo"

"What?" Monique

"Ano?" Paula

"No way" Aira

Pero si Barbie na lang ang hindi nag rereact sa sinabi ko

"Bakit naman mas ok yung mag commute kasi makakapag lakad tayo mas nakakapag challenge" pagkukumbinsi ko sakanila.

"Ayaw ko pa rin"

"Yeah"

"Edi hindi na tayo tuloy dito"

"Fine. Okay!" sabay sabay nilang tatlong pagsang ayon.

Haha. Ang bilis naman nilang pumayag basta talaga galaan walang pinapalagpas ang mga kaibigan ko.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now