Volume 1 • Chapter 10

5.6K 146 9
                                    

Palace

Samantha's POV

Pagkatapos kaming tawagin ni Barbie na mukhang badtrip yata kaya sumunod na kami sakanya at pumunta kay Mother Luciana.

Habang nasa byahe kami hindi ko parin maimagine na sobrang ganda ng lugar na ito na para kang nasa isang pelikula ng Disney.

Makalipas ang ilang minuto dumaan kami sa matataas na pader na hindi ko alam kung matatapos pa sa sobrang haba. At unti-unti ring may natatanaw kaming isang malaking palasyo at sa tingin ko dito kami pupunta.

Hala! Seriously? Dito kami pupunta?

"Grabe ang sossy naman mas malaki pa sa 5 star hotel" bulong ni Aira.

"Mga iha at iho welcome to 3 Kings Palace" sabi naman ni Mother Luciana na galak na galak.

Huminto sandali yung sinasakyan namin. Sayang akala ko pa naman papasok kami sa loob. Kusang bumukas yung automatic na malaking gate and then...

"Woah!"

"So cool"

"What the!"

"Nasa Pilipinas paba tayo o sa fantasy world?"

"Shit ang ganda"

At may nakita akong karatula ba nasa fence bago pumasok sa totoong garden talaga.

Welcome to 3 Kings Palace.

Habang papalapit kami ng papalapit sa Palasyo mas lalong gumaganda ang view. Mayroong ibat-ibang uri ng bulaklak at mga ibon.

Mayroon din akong nakikitang mga maid yata dahil lahat sila ay nakayuko sa amin. Pero infairness ang sosyal ng uniform nila. Hindi mo aakalaing mga maid sila.

"Nandito na tayo" tipid na sabi ni Mother Luciana

"Amn.. Mother Luciana bakit ho tayo nandito?" Tanong ni Matthew.

"Malalaman niyo rin mamaya"

Bumaba na kami ng kotse at nagsimulang maglakad. Maganda ang lugar na ito at mukha itong white house.

"Mother Luciana" yumuko ang mga nakasalubong naming mga kababaihan na maganda ang mga uniform at sa tingin ko ulit mas mataas ang antas nila kaysa sa una naming nakita.

"Grabe ang cool dito" bulong saalin ni Monique at pumasok kami sa isang pinto at tumambad saamin ang mahabang pasilyo na napapaligiran ng mga makakapal na salamin at makikita mo ang view sa labas nito.

"Bakit kayo naparito Mother Luciana?" Tanong ng lalaking nakita namin nung unang araw namin dito. Grabe hindi ko namamalayan yung mga araw na lumilipas at feeling ko kasi mas mahaba yung araw.

"MB?" Gulat na gulat na sabi ni Paula. Kilala niya tong lalaking ito?

"Oh nandito si little Paula" at may tawagan pa sila ah. Something smell fishy huh!

"Take note mas maganda kung ang tawag mo saakin ay Mason the fresh and virgin na kung gusto mo matikman just call me and i'm one---" hindi na natapos ni Mason ata yung pangalan ang kanyang sasabihin na biglang..

"Stop! Pwede ba? Qoutang qouta na ako sa sinasabi mo eh nakakarindi na" inis na sabi ni Paula

"Nako Little Paula may PMS ka yata haha!" Pang-aasar ni Mason kay Paula na mukhang inis na inis na ito.

"Kailan ka pa natutong mang-asar ng mga babae Mason?" May biglang nagsalita sa likod namin at nakita ko ang lalaking--

Matipuno ang katawan

Magandang lalaki

Matangos ang ilong

Mapupungay ang mga mata

"Owemji! I think i'm inlove na" kinikilig na bulong ni Aira.

Hala siya Inlove agad?

"Shh! Woy inlove agad diyan" saway ko sakanya at inirapan lang niya ako sa hangin.

At biglang nagbow ang mga kasama naming mga maid at si Mother Luciana.

"King Asher" sabi nila ng sabay sabay. So, Asher pala ang pangalan ah pogi naman ng--- ay ano ba yan Samantha!

"Mother Luciana sila na ba?" Tanong ni King Asher.

"Yes King" sagot naman ni Mother Luciana.

"Anong kami?" Tanong naman ni Jacob

Naglakad bigla sila Mother Luciana, King Asher at Mason at sumunod na lang kami dahil sabi nung mga maid kaya ayan naglalakad nanaman kami sa pasilyong mukhang mababasag once na umapak ka rito pero hindi naman.

Grabe isang glass ba naman ang sahig na may mga iba't ibang disenyong naka-ukit dito.

Bumagal ang aming paglalakad ng may natanaw kaming isang malaking pinto na napapaligiran ng mga magagandang paintings.

"Mga iha at iho meet the 3 kings Asher Smith, Mason Blood and Jake Sebastian at mag bigay respeto kayo sa way ng pag bo-bow kapag nakikita niyo sila." Sabi ni Mother Luciana

"WHAT SI MB ISA SA MGA KINGS?" gulat na gulat na tanong ni Paula.

Bakit kaya MB tawag niya kay Mason?

"Exactly Paula" tipid na sagot ni Mother Luciana at biglang bumukas ang malaking pinto at tumambad saamin ang royal throne.

OMG! May nag eexist pala talaga na ganito.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now