MNYOD [Chapter 25]

Start from the beginning
                                    

[A/N: Tunog yan na nagmumula sa tiyan. Pasensya na kung di kapani-paniwala. Di ko rin naman alam kung tama ba. ]


Ahy tipaklong! Ba't ba ngayon pa tong tiyan ko nagpaparinig? Kung sabagay, tulog nga ako buong araw diba? Tsaka di pa ako kumakain. Syempre nagugutom na ako. Tiyak nag-aaway na ang mga bulate sa tiyan ko.


"Mukhang gutom ka na ah. Baba muna ako. Ipagluluto kita."


Tumayo na si Drei at lumabas ng kwarto ko. Ibig bang sabihin nito siya nagbantay sa akin buong araw? Nung tiningnan ko kasi sa labas, gabi na pala. Eh di buong araw ako natulog at binantayan niya.


Naisip ko, yung nangyayari sa amin ngayon, parang dati lang. Parang nung nagkasakit rin ako dati. Siya rin yung nag-alaga sa akin nun.



>>FLASHBACK<<


Biyernes ng araw na yun. Wala sina daddy at mommy. Si daddy nasa ibang bansa, inaasikaso yung investment daw niya. Si mommy naman, nasa probinsya. May bibisitahin lang daw siya. Si kuia naman, syempre wala yun. Meron naman kasi yung sariling condo. Lalong wala naman si ate. Ayaw kaya nun kay daddy. Kaya di rin siya kasama namin sa bahay. Kaya naman ako lang ang naiwan at si Nana Mercy tsaka yung ibang kasambahay namin.


Mula pa lang talaga nung sinubukan akong gisingin ni Nana ay masama na ang pakiramdam ko. Masakit ang puson ko. At nung tingnan ko nga kung meron ako, ayun meron nga. Umaake na naman pala ang dysmenorrhea ko. Kaya naman napagdesisyunan kong di na ako papasok. Di ko rin naman kaya. Di nga ako halos makatayo dahil sa sakit.


*Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas, hinahanap-hanap kita –*


"Hello?"


[Yan? Okay ka lang? Ba't ka absent?]


"Kasi ano, ang sakit ng puson ko."


[Umaatake na naman dysmenorrhea mo?]


"Oo eh. Kaw nalang bahala."


[Sige. Kopya ka nalang sa mga mamimiss mo.]


"Salamat ha."


[Dadaan ako sa inyo mamaya. Check kita.]


"Wag na. Pahinga lang to."


[Hindi, dadaan ako diyan. Tsaka miss na rin kita.]


"Sira! Nagkita pa tayo nung isang araw."


[Ganyan talaga pag mahal mo ang isang tao.]


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now