CHAPTER 21:The Key

11.7K 399 2
                                    

Reyah's POV

bigla nalang silang naglabas bg tubo at pinaghahampas ako. Kahit na masakit ay hindi nila ako narinig na dumaing o sumigaw.

Habang ginagawa nila yun ay nagpapadala ako ng wave kay Ace. Hinampas nila ako sa binti, braso at tyan.

Nang sumuka ako ng dugo ay nagtawanan sila.

'Reyah, hindi naman mangyayari sayo ito kung hindi ka naging mang aagaw ehh!! "Sambit ni Azum

"Oo nga!!bakit ka pala nya nagustuhan??? Ni hindi ka nga nag aayos ehh. Wala syang ipagmamalaki sayo!!" sambit ni girl #1

"Oo nga!! Cold na nga,di pa nag aayos, at higit sa lahat mahina!! "sambit naman ni  Girl #2

"Yung wand lang naman ang nagpalakas sayo ehh!! "Sambit naman ni Girl #3

Pinaghahampas ulit nila ako. Ng maramdaman ko na ang presensya ni Ace ay ngumiti ako.

"Magbabayad kayo." Sambit ko na cold  na may halong pagbabanta.

"Hahaha!!! Baliw!!" Sambit ni Girl #4

Biglang dumilim ang paligid at nagkaroon ng pagsabog. Pag tingin ng babae sa labas ng room ay nakita nya si Ace na nakatayo.

Nagkaroon ulit ng pagsabog. Nawasak ang barrier na bumabalot sa room.

Naglakad sya sinabi na pakawalan ako. Nagmatigas si Azuma

Pero bigla syang sumigaw at nagulat silang lahat. Pinakawalan ako ng mga kasamahan nya. Nagkaroon ng kung anong aura ang bumalot sakin.

Wala akong naramdaman na kahit akong sakit. Lumapit ako sa kanila at tinignan ko sila sa mata.

Bigla ko na lang nakita ang kinatatakutan nila sa kanilang mga mata.

Inisip ko yun at nagkaroon ng mga imahe sa mga mata nila ang isang bangungot. Umiyak sila ng umiyak. Bumalik ako kay Ace at doon ko lang lahat naramdaman ang sakit.

Nawalan ako ng malay.

Pag gising ko ay nasa clinic na ako. Nakaupo si Ace sa tabi ko. Nang makita nya na gising na ako ay hinawakan nya ang kamay ko.

"Ayos ka lang? May masakit ba sayo? Anong ginawa nila sayo?"

Sunod-sunod na tanong nya.

Bumangon ako pero hindi ako makatayo.

"Reyah, baka hindi kana makalakad. "Sambit nya na may halong pag-aalala

Nag nod na lang ako. Nahiga ulit ako sa kama.

Bigla namang sumalpak ang pinto at nakita ko si Tita.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang Sambit nito.

Nag nod na lang ako.

Bigla namang nagpaalam si Ace sa amin. Tumango na lang ako sa kanya. Hinalikan nya ako sa noo bago umalis.

Nang makalabas na sya ay biglang dumating si Headmistress.

"Balita ko hindi ka na daw makakalakad. "Sambit nito.

Nag nod naman ako sa kanya. Nagulat si Tita sa sinabi nito.

"Ano!! Hindi maaari!! Baka may iba pang paraan!!"Sambit naman ni Tita Emilda

'Hindi ko alam kung may iba pang paraan." Sambit ni headmistress.

"Ok lang. Kaya ko  naman ang sarili ko kahit hindi  na ako nakakalad. "Sambit ko na cold na boses.

Nilabas ko ang key of portals at nagpunta ako sa kwarto ko.
Nang makarating ako ay humiga na lang ako sa kama ko.

Naisipan ko na magbasa na lang. Inabot ko ang libro sa ilalim ng kama ko. Nagbabasa ako ng mga histories ng may mahulog na papel na nakaipit sa libro.

Pagkakuha ko nito ay may nakadrawing na isang marka at ito ay nasa harapan ng isang pocket book.naka drawing din dito ang Key of portals.

Ng tinignan ko ng maigi ang marka ay napansin ko na yung marka na yun ay nasa cover ng libro. Agad ko tinignan ang cover. At tama nga ako.

nang hawakan ko ang marka ay umilaw ito. Lumubog ang marka at nagkaroon ng butas.isa itong korte ng susi. Inilabas ko ang key of portals at inilagay ito. Nang magtugma ito ay may kumabas na isang pocket book.

Kinuha ko ito at ibinalik na ang key of portals sa bulsa ko.

Nang buklatin ko ang unang pahina ay nakita ko ang imahe ng key of portals. Nang bukalatin ko ito ay ito ang nakasulat

.......key of portals......

The key of portals have special abilities. It can open a portal anywhere his master wants. This key can heal anything or anyone. It can also give you energy. It can also summon a spirit to guide you or to help you.it can also collect someone's ability and give it to his master. Its real name is key of Heaven. It is called the key of portals to protect it. Because this key can destroy the balance of magic. This is a secret that only the rightful person knows about it. I am the last master of this key. I am princess Mavis.

Pagkatapos kong mabasa yun ay inilabas ko ulit ang susi. Binasa ko ulit yun at sinabi na "it can heal anything or anyone".

habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok nito ay nahulog ito sa binti ko.Nagkaroon ng pagyanig ng lupa. Umilaw ito at maya-maya ay tumigil na lahat. Naramdaman ko na ulit ang mga paa ko.

Dahan-dahan ko ito ibinaba at pag tayo ko ay hindi na masakit.naglakad-lakad ako pero parang walang nangyari sa mga paa ko. Nakakalakad na ulit ako.

Maam Porshia's POV

Nang malinis na ang S class room ay bumalik naang mga istyudyante. 2 days na ang nakalipas ng nangyari kina Reyah at sa grupo nila Azuma

Ang mga kasamahan ni Azuma na tinitigan ni Reyah ay nasa Mental na. Nabaliw na silang 4.si Marcella naman ay nasa detention at tinanggalan na nang katungkulan sa Academy.

Habang nag didiscuss ako ay bigla kaming nakaramdam ng pagyanig.

"Dwayn! Bakit nangyayari ito?!" Pasigaw na tanong ko.

"Hindi ko po alam Maam Porshia."sagot naman ni Dwayn

Hinawakan ni Dwayn ang sahig at pinakiramdaman ito. Ilang segundo lamang ay tumigil na ito.

"Anong nangyari Dwayn?" Tanong ko dito.

"Isang magic. Malakas na pwersa ng magic ang nakapagpayanig. Nang gagaling ito sa girl's Dormitory. "Sambit nito.

Nag nod na lang ako at nagpatuloy na sa pagtuturo. Nang mag dismissed na ako ay nagpunta ako kay Headmistress Matilda.

Nang pumasok ako kay nagsalita agad sya.

"Maam Porshia, naramdaman nyo rin ba ang pagyanig??" Tanong nito na may pagkabahala

"Oo. Na sa iyo ang susi hindi ba? Ikaw ba ang gumawa non?"sambit ko na may halong pagtataka.

"Hindi ako ang may gawa non. Si Reyah. Sya ang anak ni Princess Mavis. Sya ang nakapag pagana ng susi" sambit nito nang seryoso ang mukha

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Sana ay mapagkakatiwalaan kita Porshia. "Sambit nito.

"Makakaasa ka Matilda." Sambit ko at lumabas na ng Office.

Lux Solaris Where stories live. Discover now