CHAPTER 19:Feelings

13.4K 429 12
                                    

Evergreen's POV

Nang makita ko pa palang sya ay namagha na ako sa kanya Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa kanya

Tila ba ito ay naramdaman ko na dati ngunit hindi ko masabi kung sino

Ang ikinahanga ko sa kanya ay marunong syang magtago ng damdamin at emosyon

Kahit na galit sya sa apo ko ay nagawa nya paring gumalang sa akin at tignan ang mata ko ng walang pag-aalinlangan

Nang makita ko ang mata nya ay wala akong nabasa na kahit anong ekspresyon ngayon

At namagha rin ako sa taglay nyang ganda

Pero kailangan nya munang malagpasan ang pagsubok para malaman ko kung tama ba sa pagpili ang apo ko

Naging mataray ako sa kanya pero wala syang sinabing kahit anong salita na masama

Ako rin ang nag utos kay Ella na hawakan ang kamay ni Ace

Hindi ako nakapaniwala sa ginawa nya, gumawa sya ng paraan para matigil yun sa paraang pagiging matapang at malakas

Ngayon ay gagawin ko na ang ikatlong pagsubok

Habang naglalakad sya ay humarang ako sa daan nya, tinignan nya ulit ako na parang walang naramdaman

Pinapunta ko sya sa batis ng katotohan para malaman kung nagsasabi sya ng totoo

"Reyah, Bakit ang apo ko pa ang napili mo?!!" Pataray na sambit ko

"Hindi ko alam na kung gusto ko sya o ano"mabilis na sagot nya na ikinagulat ko ngunit hindi nakatas sa akin ang lungkot na emosyon sa knyang mga mata

"Reyah, pag mahal mo ang isang tao ay masaya ka pag kasama mo sya, nagseselos ka sa mga ibang taong umaligid sa kanya, nag iiba ang ugali mo sa kanya, nasasabi mo ang mga kinatatago mong sikreto, nagtitiwala ka sa kanya at higit sa lahat nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo kailanman na isiping gawin"
Nakangiting sambit ko

"Alam mo Reyah,sa buhay kailangan mo ng magmamahal sayo at mamahalin mo
Lahat tayo ay kailangan yon.Kahit na anong lakas o tapang mo ay kailangan mo yun Reyah" Malambing na sambit ko

Nag nod na lang sya at parang alam nya na ang sagot

Naangiti naman ako sa kanyang sagot

"Reyah, tanggap na kita sa apo ko"malumanay na sambit ko

"Huh??" Naguguluhang tanong nya

Ngumiti lang ako pagkataos ay hinawakan ang kanyang dalawang munting kamay

"Pagsubok lahat ng nangyari sayo dito,wag ka magalit sa apo ko dahil mabait yan, mapagmahal at may isang salita
Hindi sya marunong magsinungaling kaya yung sinabi nya sayo kanina na mahal nya, totoo yun
Kaya wag kang magagalit sa kanya Reyah,mahal ka ng Apo ko, hindi sya gagawa ng anumang makakapanakit sayo" sambit ko sa malambing na boses

Tumango sya akin habang nakatungo
Nakita ko ang mga butil ng luha na napatak sa lupa na galing sa kanyng mga mata

Lalo naman akong napangiti at niyapos siya

Kahit simula palang nung nalaman ko na dumating sya ay binabantayan ko na sya,kamukha kasi sya ni Mavis

Niyakap ko sya at hindi nya ako pinigilan bagkus ay yumakap rin sya

"Salamat Queen Evergreen"sambit niya at pinipigilang hindi humikbi sa harap ko

"Lola na lang ang itawag mo sakin Reyah"nakangiting sambit ko

Pagkatapos nun ay pinunasan na nya ang luha nya at ngumiti sa akin

"Basta pag may kailangan ka, magpunta ka lang sa akin.Ako nga pala si Evergreen, ang lola ni Ace
Ako rin ang kumuha kay Edlyn sa mundo ng mga tao....

Lux Solaris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon