CHAPTER 28:Race

10.2K 298 6
                                    

Skie's POV

Nang hamunin ko sila ay pumayag naman sila. Hayst pag gwapo talaga. Nag thumbs up sila pagkatapos ay umaayos kami ng pwesto. Pagkakapantay kami ngayon.

"1.....2.....3.....GO!!!! "

pagkasabi agad ni Jellal ng Go ay tumakbo na ako. Pero syempre dahil gwapo ako ay gumawa ako ng wind splash kaya naman may malakas na hangin na nasa starting line.

"I win this game guys!!" Pagkasigaw ko nun ay tumakbo na ako.

Hindi pa ako nakakalayo ng biglang yumanig ang lupa at nagkaroon ng malalaking vines sa harapan namin.

Hayst si Dwayn talaga favorite ang vines. Napatigil ako dahil wala akong dadaanan.
Nakita ko naman si Laxus na gumawa sa paligid ko ng electric balls. Pag umalis ako ay makukuryente ako.

Nag transform naman si Jellal na maging tubig kaya nakalusot sya sa mga vines.

Ng makarating na si Fred ay gumawa sya ng kutsilyo galing sa bloke ng yelo.

Si Burn naman ay dinilaan ako bago sunugin ang vines.
Ang hindi na lang nakakalampas ay si Master, si Prinsesa at ako.

Nagtransform naman akong maging hangin. Ng makalabas na ako ay nakita ko si Burn na punalibutan si Dwayn ng apoy.

Si Dwayn kasi ang nag
Nagunguna. Lumipad naman ako at nalagpasan ko si Jellal at Burn.

Hindi pa ako nakakalayo ng magkaroon ng harang sa harapan naming lahat.

Isang malaking bloke ng yelo ang nakaharang.

Ngumiwi naman si Burn at tinunaw ang yelo na kakasya sya. Bago pa kami lumusot ay lumusot na si Jellal at naggawa ng maliit na whirlpool dito.

Lilipad na sana ako ng hawakan ako ng isang vines at nakalabas si Dwayn.

Si laxus naman ay gumamit ng lightning technique kaya bumilis sya at umakyat sya sa nakahaang na yelo.

Ngayon ang nasa unahan na ay si Fred. Sumunod naman ay si Burn. Pagkatapos ay si Jellal sumunod naman si Dwayn at ako kapantay rin namin si Laxus.

Ginamit ko ang full strenght ko kaya bumilis ang lipad ko at naging kapantay ko na si Fred.

Ng matanaw ko na ang S class room ay ngumiti ako. Kaunti nalang ay makakapasok na ako ng biglang naging yelo ang sahig at nagpadulas si Fred.

Ngayon ay magkapantay na kami. Bigla namang may kumapit sa aking vines at napabagal ako.

Ng tignan ko ang nasa likod ko, nakakapit si Dwayn sa paa ko. Si Burn naman ay kinuha ang paa ni Dwayn si Laxus naman ay Kinuha rin ang paa ni Burn.

Ngayon ay napakabagal ko na. Si Jellal naman ay gumawa ng isang wave at ipinaagos nya ito kay Fred.

Ng makapantay na sya ay kumapit sya ay nakarating silang sabay sa Room. Nakita ko naman na Nagulat sila.

Nang malapit na ako sa pinto ay tumigil ako sa paglipat at tumalsik ako sa loob. Nadaganan naman ako ng 3 na nakakapit sa akin.

Napansin ko na nagulat din sila.

Pagkabangon ko ay napanganga rin ako kagaya nila.

"Si........
Si........
Master at Reyah........"
Patigil tigil na sambit ko

"Kanina pa sila??"takang tanong ni Laxus

"Elementals!! Go to your seats now!!!!! "Pasigaw na sambit ni Headmistress Matilda.

Napakamot naman ako ng ulo at naupo na kami sa likudan nila Master.

Pagkaupo ko ay lumingon sa amin si Master at si Prinsesa.

"Ang tagal nyo naman." Nakangiwing sambit ni Prinsesa.

"Master, kailan pa kayo nandito??"sambit ko sa kanila.

"Kanina pa." Cold na sabi ni Master.

"Nung nag Go kayo." Cold na sabi rin ni prinsesa.

Napabaligwas naman ako sa sinabi nila.

"Oh ayos ka lang Skie??" Tanong ni Dwayn sakin.

"Bakit kayo nagteleport?? Madaya!!" Pagkatapos kong sabihin yung ay nag pout ako. Ganon talaga ang mga gwapo dapat naka pout.

"Bakit naman? Diba kayo gumamit ng magic??" Cold na sambit ni Prinsesa.

Napakamot naman ako ng ulo. "Oo nga ano." Sambit ko na lang na nakangisi.

Ng matapos na kami ay nagpaunahan kaming lumabas na kami ng room.

Nang makalabas kami ay nadulas kaming lahat maliban kay Fred.

Dinaanan lang kami ni Master at ni Prinsesa na nakahawak ang kamay.

Nang tignan namin lahat ng masama kay Fred ay nakangiwi lang sya sa amin.

Pagkatapos nyang tanggalin ang yelo ay umalis na rin sya.

"Hayst, ang mukha ko, baka masira."Sambit ko habang hinihimas himas ang mukha ko.

"Hoy!!! Wala nang mawawala sa mukha mo Skie!!! "Natatawang sambit ni Burn

"Oo nga!!"sang-ayon na sambit ni Laxus

"Hoy!! May masisira dito!! Alam nyo bang rare lang ang ganitong mukha!!" Sambit ko naman.

"Alam naming Rare yan, kasi wala nang papangit pa sa itsura mo!!  Natatawang sambit ni Dwayn

Tssk. Si Dwayn talaga,kahit na mabait yan ay may tinatago rin yang ganyan.

Nag cross arm ako at sumunod nalang kina Master.

Habang naglalakad ako sa hallway ay syempre ang daming babaeng pinagtitinginan ako.

Hayst iba talaga pag gwapo. Habang naglalakad ako ay nakita ko sila Master na pumunta ng cantene.

At dahil sa gutom na rin ako ay sumunod na ako sa kanila.

Habang naghahanap ako ng pwesto ay may napansin akong nagkakagulo dun sa kanang bahagi ng cantene.

Ng tignan ko ito ay ikinagulat ko ng makita ko sya. Hindi ako makapaniwala. Kinuyom ko ang kamay ko at tinignan sya ng masama.

Wala syang karapatan na magpakita dito, pagkatapos ng ginawa nya sa amin tapos ay babalik sya dito. Lalo na sa akin. Ginamit nya ako.

Habang nakatingin ako sa kanya ay lumingon sya sa direksyon ko at nakita ako.

"Skie!!!!" Nakangiti nyang sabi sa akin.

Tssk. Kung makangiti akala mo naman walang ginawang masama.

"Ang tagal na nating di nagkita Skie. Ayos lang ba kayo??"pacute na sambit nya

"Umalis ka dito. "Diin na sabi ko sa kanya.

"Huh bakit naman??"nakangiting sambit nya sakin.

"Umalis ka dito !!!!!!........."sigaw ko sa kanya

Author's note.

And cut!!!! Haha sorry guys pero kailangan po ng kaunting pabitin. Thank you po sa pagbabasa. 😊😊😊













Lux Solaris Where stories live. Discover now