CHAPTER 22:Revenge

12.1K 392 11
                                    

Reyah's POV

Nang makalakad ako ay naligo agad ako at nag uniform. Tinawag ko si Chyanea sa kwarto nya. Pagkapasok ko sa kwarto nya ay nagulat sya.

"Nakakalakad kana??" Pagtatakang sambit nito.

Nag nod na lang ako sa kanya.

"Ayusan mo ko. "Sambit ko na gamit ang cold na boses.

Nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Huh!!!! Si Reyah Crystal Rivera!! Mag aayos!!! May sakit ka  ba?"Sambit nya na halatang nagulat.

"Oo. At Hindi" Cold na sambit ko.

Hinila agad nya ako at isinara ang pinto.

Pinaupo nya ako sa isang bangkuan kaharap ang salamin.

nagulat sya ng maayos ang buhok ko na bagong suklay.kumuha naman sya ng kung anong potion at ibilagay ito sa buhok ko.

Naging makintab ito at malambot.pinaharap naman nya ako sa kanya at nilagyan ng kulay pink na lipstick.

Nilagyan nya ulit ako ng kulay pink sa pisngi ko gamit yung brush.

Nilagyan nya rin ako ng kulay itim sa pilikmata ko. Pagkatapos ay may kinuha syang blackshoes sa cabinet nya at pinaltan ang rubber shoes na suot ko.

Pagkatapos ay nilagyan nya rin ako ng bracelet. Pagkatapos ay inayos nya ang buhok ko at nilagyan ako ng clip sa kanang bahagi ng buhok ko.

Pagkatapos nun ay pinatayo nya na ako. Sumigaw pa sya ng ilang beses dagil ang ganda ko daw.

"Teka, bakit ka nga pala nagpaayos??" Naka smirk na sabi nya.

"Wala. "Sambit ko sa kanya at lumabas na.

"Thank you!!!" Sigaw nya sa akin.

"Your welcome"sambit ko naman.

Nag smirk lang sya at bumalik na sa kwarto nya.

lumabas naman ako sa dorm at nakita ko na pinag titinginan na ako ng mga babae.

"Wow, may bagong istyudyante??" sambit ni girl #1

"Ang alam ko wala eh"sambit naman ni girl #2

"Ang ganda nya."sambit naman ni girl #3

Paulit-ulit lang ang naririnig ko sa corridor. Madami ba talagang nagbago sakin?

Parang nag ayos lang eh. Tssk. Nang makarating ako sa S Class ay naupo na ako sa bangkuan ko.

Maya-maya ay lumapit sa akin si Skie.

"Miss, alis ka dyan. Dyan naka pwesto ang prinsesa namin. Kung wala kang upuan,sa katabi na lang kita. "Pacute na sabi nito.

"Oo nga. By the way im Burn. This is my brother Skie. You can seat beside me if you want." Pa cool na sabi nito.

"Hoy!! May pa English-english ka pa dyan!!!" Sambit ni Skie.

Nakatitig lang ako sa kanila ng walang emosyon.

"Miss Beautiful, sorry to say but that seat is taken.But im not." Sambit ni Burn na pa cool.

"Hey Miss beautiful. Don't talk my brother because ugly is her." Sambit naman ni Skie.

Tumawa naman si Burn sa sinabi nya.

"Haha!! Hoy bago ka mang flirt. Mag aral ka muna!!! "Sambit ni Burn habang natawa.

"Hoy!!!bakit nyo ba pinapaalis si prinsesa??!!" Sambit ni Jellal

"Bro, nagkakamali ka, hindi si prinsesa yan. Maganda yan ehh." Sambit naman ni Laxus.

Lux Solaris Where stories live. Discover now