CHAPTER 55:JUST ACT

8.9K 233 11
                                    

Reyah's POV

Bigla na lang akong nagising dahil sa may nakatok sa pintuan.

"Mahal,gising ka na ba?"sambit ni Cold sa labas.

Bumangon ako at hindi nagsalita.

Nakakabwisit,umagang-umaga nasira agad ang araw ko.

Bigla na lang bumukas ang pinto at ang una ko agad na nakitang mukha ay si Cold.

"Magandang umaga mahal ko."sambit nya at may kasunod na mga bata.

"Mga alipin paglingkuran nyo na ang mahal na prinsesa"Masayang sambit ni Cold.

Tinignan ko ang mga bata at nakita ko na kasama si Lucinda.

"Teka Cold," malumanay na sambit ko sa kanya.

"Nagsalita ka na rin.ano yun mahal ko?"masayang sambit ni Cold sa akin

"Gusto ko sanang maging alalay si Lucinda."sambit ko ng maayos.

Dapat ay mapapayag ko sya para masimulan ko na ang plano ko.

"Ayun yung unang hiling ko sayo Cold."malumanay na sambit ko.

Bigla naman syang naupo sa kama ko at hinawakan ang buhok ko.

Gustong-gusto kong hawakan at baliin ang kamay nya pero kailangan kong sumakay sa gusto nya para masunod ako.

Ngumiti ako sa kanya at hunawakan ang pisngi nya.

"Nakapag-isip na ako kagabi Cold."malambing na sambit ko

Bigla naman syang ngumiti at tumayo.

"Buti naman at napagtanto mo na rin yun. Sige,pagbibigyan kita sa nais mo para naman may mapaglibangan ka."sambit nya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at niyapos sya para kunwari ay masayang-masaya ako.

"Salamat,ma-hal."sambit ko sa kanya.

Nasusuka ako sa mga pinag sasasabi ko pwe!

Bigla naman syang nagulat sa sinabi ko.

Niyakap nya rin ako at hinimas ang buhok ko.

Putik!kung hindi lang talaga dahil sa plano ko ay malamang bali-bali na ang katawan nito.

Kumalas naman ako at ngumiti ng pilit.

"Sige na mahal,babalik ako."sambit nya sa akin at umalis na.

Sumunod naman sa kanya ang mga bata maliban kay Lucinda.

Nang makaalis na sila ay huminga ako ng malalim at sinipa ko ang dingding.

"Bwisit!muntikan na akong masuka!"bulong ko sa hangin.

"Ate,"malungkot na sambit ni Lucinda.

"Bakit?"sambit ko dito

"Ate,hindi mo na gusto si kuya Ace?"paiyak na sambit ni Lucinda

Lumapit ako dito at ngumiti.

"Kunwari lang yun.para lagi na kitang kasama."bulong ko sa kanya na ikinasigla nya.

"Phew!akala ko po gusto nyo rin sya ehh.ang galing nyo po,parang totoo."sambit nya sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Teka lang mag-aayos lang ako tapos ikaw naman,puntahan mo si Cold at may sasabihin ako sa kanya."sambit ko kay Lucinda.

"Sige po Ate!"sambit nya at umalis na.

Agad akong nag morning routine at naupo sa may upuan malapit sa bintana.

Ilang saglit lang ay may narinig na akong papaakyat.

Lux Solaris Where stories live. Discover now