CHAPTER 40:TRAINING

8.6K 273 2
                                    

Ace POV

Nagmadali akong tumakbo sa may library pero hindi ko sya nakita.habang naghahanap ako ay nakita ko si Zera na hawak ang key of portals.

"Zera,bakit mo dala yan."cold na sambit ko sa kanya.

hindi nya ako pinansin at dere-deretso syang lumipad palampas sa akin.

"Asan sya."cold na sambit ko pero ramdam nya ang pagkaseryoso at ang inis ko.

"Ace,alam mo na alam ko na mas ikabubuti nya yon."sambit nya at umalis na.

"Bwisit!oo alam ko na mapanganib para sa kanya ang nandito,pero bakit di manlang sya nagpaalam."inis na sambit ko

Nagmadali akong nagpunta sa kinaroroonan ni Dwayn.

"Dwayn,gusto kong hanapin nyo si Reyah,isama mo si Edlyn at si Skie.sila ang makakasama mo sa paghahanap sa kanya."utos ko sa kanila

Nag nod naman si Dwayn.

"masusunod Master."sambit nito

Hindi na ako bumalik sa party at naglalakad ako ngayon sa corridor.

"Bans,asan kana ba?bakit di ka nagpaalam.dapat di na lang ako nagpanggap na wala akong nararamdamang kakaiba at sana ay tinanong kita para alam ko ang nangyayari ngayon."bulong ko sa sarili

Habang naglalakad ako sa corridor ay nakita ko si Zera na bumalik sa dorm ni Reyah.

Nagmadali akong sumunod sa kanya at nagpunta sa kwarto ni Reyah.

"Ace,anong ginagawa mo rito?"nakataas na kilay nyang sambit.

"Asan sya."cold na sambit ko.

"Nasa lugar na hinding-hindi mo kayang mahanap."nakangising sambit nya.

Ano ba Zera,alam nating dalawa na alam ko ang pagkatao mo.kaya pakiusap sabihin mo na sakin."sambit ko sa kanya habang nakaupo sa kama at seryosong nagsasalita.

"Ace,alam rin nating dalawa na kaya ako pinababa dito ay para protektahan sya.hindi ako nandito para ipahamak sya."naka cross arm na sambit nito.

"Hindi naman sya mapapahamak ehh.proprotektahan ko sya kahit mamatay pa ako."sambit ko sa kanya.

"Yan Ace,yan ang dahilan kung bakit sya umalis.kasi lagi mong sinasabi yan.ginagawa mo syang mahina.tyaka yung pagsasabi ko nang kahit na mamatay ka.

sa tingin ko ba hindi sya nasasaktan sa tuwing sinasabi ko yun.eh paano kung mamatay ka nga.ano ipapamukha mo sa buong buhay nya na mahina sya at sya ang may kasalanan.kaya kung ako sayo Ace,hintayin ko na lang sya."seryosong sambit nya.

Bigla naman akong natamaan sa mga sinabi nya.tama sya,hihintayin ko na lang ang pagbabalik ni Bans.

Reyah's POV

Ng makita ko ang Olympus ay namangha talaga ako.hindi ko akalain na may ganto pa palang lugar sa magic world.wala manlang ni isang patay na halaman ang bundok na ito.napakaganda rin ng paligid.

"Teka Alira ano pala tong lugar na to?"tanong ko sa kanya.

"Ahhh,ito ang tirahan ng mga Diyos,Dyosa at mga Bathala."nakangiting sambit nya

"Tara dito tayo."hila nya sa akin

Habang naglalakad kami ay nakita ko na may mga katulad ko ring tao.

"Ayan ba ang mga diyos at dyosa?"sambit ko sa kanya.

"Ahhh,hindi mga katulad ko silang apprentice. "Sambit naman nya

"Hmm."sambit ko na lang.malay ko ba kasi diba.

"Dito ka muna magpahinga Reyah."sambit ni Alira sa akin

Lux Solaris Where stories live. Discover now