CHAPTER 38:12:00

8.9K 245 6
                                    

Reyah's POV

Habang naglalakad ako sa corridor kasi kinuha ko yung isusuot ko na bigay ni headmistress ay may bigla sa aking humila sa may training room.

"Sino ka huh?" Sambit ko sa nanghila sa akin.

"Kailangan mo ng iwan si Ace." Sambit nito.

"At bakit ko naman yun gagawin huh?" Sambit ko sa kanya.

"Kasi manganganib sya ng dahil sayo. "Sambit nya ulit.

"Huh? Bakit? "Takang tanong ko

"May gustong pumatay sayo, at pag nalaman yun ni Ace manganganib din sya. Gusto mo bang mamatay si Ace?" Sambit nya ulit.

"Teka, sino ka ba?" Sambit ko sa kanya.

Tinanggal nya ang maskara nya.

"Ako si Alira, isa akong apprentice ni Athena"

Teka, si Athena  na goddess of wisdom? Takang tanong ko

"Oo Reyah, at sya mismo ang nagpadala sa akin. Kailangan mo nang umalis mamayang 12:00 hihintayin kita sa may library."pagpapaliwanag nya

"Reyah, tandaan mo nakasalalay ang buhay ni Ace dito." Sambit nya.

"Si--ge sasama ako, hintayin mo ako mamaya."mahinang sambit ko

"Mabuti naman at ginawa mo ang tama." Sabi ni Alira.

"Pero dapat ay walang makakaalam nito o kaya naman ay dapat hindi sila maghihinala, dahil sa oras na malaman nila, pipigilan ka nila at madadamay sila. "Sambit na naman ni Alira.

"Oo. Alam ko. "Mahinang sambit ko

"Sige mauna na ako Reyah." Sambit ni Alira

Nag nod naman ako.

Nang makalabas ako ay biglang umagos ang luha ko.

Bakit kailangan ko pang umalis para sa ikabubuti nya, paano na ako, paano na ako magiging masaya.

Habang natulo ang luha ko ay deretso akong naglalakad papuntang dorm.

Ng nasa tapat na ako ng dorm ay pinunasan ko ang luha ko at huminga ako ng malalim.

Pagkabukas ko ay itinapon ko ang damit sa may sofa

"Hayst ayoko ng damit na yan," sambit ko kay Chayanea para hindi nya mahalata na may mangyayaring hindi maganda

"Ano ka ba, isuot mo na. "Sambit ni Chyanea sa akin

"Hayst,ayoko nga!!! "Inis na sabi ko

Sigaw ko kay Chyanea dahil pinapasuot nya ako ng kulay maroon na gown na labas na labas ang likod tapos hanggang hita lang ang haba, tapos labas pa ang cleavage.

"Ano ba, ito kasi yung pinabigay ni Headmistress." Sambit ni Chyanea

"Ayoko nga sabi!, ayoko ngang magpunta sa ball. Kung hindi lang dahil kay Ace hindi ako pupunta. "Sambit ko habang nakahiga sa sofa

"Hayst, bahala ka na nga, mag aayos pa ako ehh." Sambit ni Chyanea pagkatapis ay pumasok na sa kwarto nya.

Habang nag mumuni-muni ako ay biglang may kumatok.

Pag kabukas ko ay nakita ko si Edlyn at Dwayn na hingal na hingal.

"Oh anyare sa inyo." Nakataas na kilay kong sambit.

"Oh Ate bakit di ka pa ayos?magsisimula na kaya. Naghihintay na pati dun si Ace." Sambit ni Edlyn.

"Oo nga, pinapasundo ka nga sa amin ehh. "Sambit naman ni Dwayn.

Lux Solaris Место, где живут истории. Откройте их для себя