Chapter35: Hinala

Start from the beginning
                                    

Takot? Para saan?

"P-pasensya k-ka na S-Serenity, kailangan ko na munang m-magpaalam h-hindi kasi maganda ang p-pakiramdam ko."

Sambit nito sa akin, nagtataka man ay napatango na lang ako, agad agad siyang tumayo at dali daling lumabas. Anong nangyari? Kanina lang ay maayos siya ah? Masama kaya ang pakiramdam niya? At ano yung takot na nakita ko kanina? Nakakapagtaka lang. Nag aalala man ay hindi ko siya sinundan dahil parang gusto niyang mapag isa muna.




Napadukmo na lang ako sa table na kaharap ko, pinapahinga ang isipan ko.






















--------------


Suzy's POV

Hindi ko na nakayanan pa at umalis sa library.

I cant handle their presence.

Ang dami nila sa loob at lahat sila ay humihingi ng tulong sa akin. Good thing na hanggang sa loob lang sila ng library at di nila ako masusundan.

Feeling ko tuloy iniwanan ko sa ere si Serenity! Nakakainis kasi sila eh...

Habang nag mumukmok ako habang naglalakad patungo kung saan ay bigla na lang akong may naka bangga, problema ko iyon dahil hindi ako nakatingin sa daan. Tumingin ako sa nakabunggo ko at manghihingi sana ng tawad, pero siya lang pala yun.



Ting!

Manghihingi ako sa kanya ng tulong!










--------------------

Serenity's POV



Paikot ikot  ang kamay ng work clock sa ding ding. Nakakantok tignan ito pati na rin ang pakinggan ang tunog nito.

Naramdaman kong may kasama ako ngayon sa loob kaya agad akong napatingin sa gawi ng pintuan.







At doon ay nakita ko siya.


Nagulat siya ng makita rin ako.




"Ikaw pala?"

Bati ko rito pero hindi niya ako pinansin, bagkus ay dali daling lumapit sa isang shelf, may sinasauli siyang libro.

Bigla akong nairita sa di niya pag pansin sa akin. Para kasing hindi niya ako kilala at pinagbantaan.

"Parang may iniwasan ka."

Parinig ko dito pero di niya ako pinansin, pag ka sauli niya ng mga hiniram niyang libro ay agad itong lumabas, saktong paglabas niya ay ang biglang pagsulpot ni Jake, nagkasalubong sila.

May nahuli ako sa mga mata niya, para ba kasing kilala niya siya, si Monic nakakalabas lang.
















"Bakit na dayo ka dito?"

Tanong ko sa kanya ng makalapit na siya sa pwesto ko. Ngumiti siya sa akin bago sumagot.

"Nasalubong ko kanina si Suzy, she ask me to come over you. Pakiramdam niya kasi iniwan ka niya sa ere, masama raw kasi pakiramdam niya."

Napatawa na lang ako sa paliwanag ni Jake. Grabe naman mag isip si Suzy, alam ko naman na hindi niya ako basta bastang iiwan.


"So, kamusta na?"

Baling niya sa akin.

"Ito buhay pa rin, nag hihintay sa susunod na mangyayari."

Sagot ko rito. Matapos noon ay napuno na kami ng katahimikan. Nakakaantok.





Bigla akong napaderetso sa pagkaka upo, napatitig ako sa kanya ng may maalalang isang bagay.


"Kilala mo ba si Monic?"

Walang pasintabing tanong ko sa kanya, nakita kong nagulat siya dahil sa mga salitang binitawan ko. Halatang na apektuhan siya.






At halatang kilala nga niya.





Napabuga siya ng hangin, ano ang ibig sabihin ng inaksyon niyang iyon?



"Wala ako sa posisyon para sabihin ang sikretong toh, but, you need to know it. Oportunidad na rin ito para malaman mo, right?"

Sabi nito, ano ba ang dapat malaman ko? Tahimik lang akong nakinig at nag hintay sa idadag niya.




















"She's my cousin. To be exact, she's Maxine's younger sister."











Nagulantang na lang ako sa pahayag niya.

Nakakatawa naman!


Parang ang layo nila sa isat isa kaya di mo talaga malalamang mag kapatid sila! Kaya pala nung nagkausap kami at nilait ko ang ate niya, may nakita akong galit sa sulok ng mga mata niya.



"Hindi lang nila pinagkakalat sa iba dahil alam ni Maxine na maaapektuhan ang kapatid niya dahil marami siyang kaaway. Mahal niya ang kapatid niya kahit ganoon siya, Serenity."













Hindi ko na napigilan pa at napahagalpak sa tawa. Buti na lang wala rito ang librarian, kung hindi ay masisita ako sa ingay. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Jake dahil sa inaksyon ko.





"Sorry, haha.... Di ko na kasi napigilan pa. Ang liit talaga ng mundo. Kaya pala ganoon siya sa akin.... At may kutob akong may kasalanan din siya sa akin at sa Ate ko."



Sabi ko. Malaki ang porsyento na tama ang hula ko....




"What do you mean?"



Naguguluhang tanong niya sa akin.




"Ano sa tingin mo ang kayang gawin ng isang nag mamahal na kapatid Jake?"





Kunot noon niya akong tinignan, halatang hindi pa rin niya nakukuha ang gusto kong sabihin.











"Gagawin lahat mapasaya lang ang kapatid niya."











Noong una ko pa lang nakilala si Monic, alam kong may atraso siya sa akin, halata sa bawat kilos niya. Noon ngang una kaming nag kausap ay nag dala siya ng scalpel, balak na gilitan ako.

Iyon nga, kaya niyang gawin, iyon pa kayang bagay na iyon?








Ngumiti ako ng mapait bago binasag ang katahimikan.































"Isa siya......... Isa siya sa mga kampon ni Maxine, isa siya sa mga nanakit at pumatay sa Ate ko."







Itutuloy......






Ate(Completed)Where stories live. Discover now