Chapter 35

30 0 0
                                    

Devon's POV

Pagka baba ko ng eroplano ay mainit na hangin ang sumalubong sakin. Samahan mo pa ng tirik na araw na nakakapaso ng balat.

Sinuot ko ang aking sun glasses at hinila palabas ang aking maleta. Ako ang pinaka huli sa grupo. Pinaka huli akong nagising at natripan nila akong hindi gisingin.

Umikot ang paningin ko ng mahilo ako sa dami ng tao dito. Pinagsabay pa ng halo halong amoy. Hindi ko nalang ininda ang hilo ko at lumabas na ng arrival area.

Habang ako'y naglalakad napatigil ang aking paningin sa batang umiiyak. Walang pumapansin sa kanya kahit halos mahimatay na siya sa paghagulhol.

Tss. People nowadays.

Lumapit ako sa kanya at yumuko para sya'y kausapin.

"Hey, I'm ate Devon, what's your name? Stop crying baby. Are you lost?"-malambing kong sabi sa kanya

That's the number one thing na kailangan mong gawin kapag nakakita ka ng batang umiiyak. You need to soften your voice para di nila feel na naiinis ka. Although I'm not irritated.

"I-im Charles. C-can you help me find my brother please?"

Ngumiti ako at pinunasan ang basang basa niyang mukha.

"Sure. What does your brother look like?"

Napa tigil naman siya at nagisip. Nagkamot pa sa ulo kasi hindi nya alam ang isasagot niya. Ang cute na bata!

"Well, I don't know how to describe him but everybody said I look like my brother kahit na I'm more handsome than him!"- naka simangot nyang sagot sakin. Hindi ko naman napigilan matawa sa kakulitan niya

Pinagmasdan ko ang mga mata nya at parang may narealize ako. Kamukha nya yung lalaking nakausap ko kanina sa eroplano. Hindi ako sigurado pero kamukha nya talaga. Pareho sila ng mata at figures ng mukha.

"Miss I need to pee. Can you come with me please?"

Wala na akong nagawa kasi hinila nya nalang ang kamay ko. Buti nalang di ko binibitawan ang maleta ko kase baka naiwan ko ito doon.

Papasok na sana kami ng girls restroom ng pinigilan nya ako.

"Wait. Girls cr? I'm not a girl!"- pagmamaktol niya

"But you're still a kid. Nobody cares if you're in there."

Mukha siyang nalugi kasi sinabihan ko siya ng 'kid'. Napapa ngiti nalang ako sa sobrang cute nya.

"I am not a kid! I don't want to go in the girl's cr. I wanna pee in the boy's bathroom."- turo niya sa boys restroom

Ako naman ang natigilan sa kanya. Napaka inosente nya pa para maisip na hindi ako pwede doon.

"Baby I'm not allowed to go inside. I'm a girl and that's for boys."

Nag padyak naman sya ng paa. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa kanya.

"But I can't pee without a companion!"

Oh no, this is bad.

Isang segundo lang ang lumipas at nakita ko nalang ang sarili ko sa loob ng boy's restroom. Nasa labas ako ng cubicle kung saan nandoon yung batang sinamahan ko.

Gusto ko ng magpa kain sa lupa ngayon. Ang daming lalaking nandito at talagang tinitingnan ako. Ramdam ko ang mga titig nila at sigurado akong namumula na ng todo ang mukha ko.

Nakakahiyang eksena ito. Punyetang bata.

"Baby, are you done?"- sigaw ko para marinig ng bata

At lalo lang sila nagtinginan sakin. O my god. Please stop staring!

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 14, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Together in RealityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora