Chapter 26

36 0 0
                                    

Devon's POV

"Alam mo kasi, pagdating sa mga ganyan wala akong alam dyan. Tanging kapogi-an ko lang ang alam ko."- Jace

"Eh ang tanong, pogi ka ba?"- Art

"Aba! Hindi na tinatanong yan. Isang tingin palang alam na ang sagot."

"Ano pa ba ang sagot? Malamang hindi kasi mas pogi ako."

"Umaga na Art. Gising gising din pag may time tama na ang pananaginip."

"Kung panaginip tong kapogi-an ko ayoko ng magising!"

"Wag ka na talagang magising ulol!"

Konting konti nalang sasabog na yung ulo ko sa dalawang to. Kanina pa to nagbabangayan eh. Yung feeling na stress na stress ka na nga dadagdag pa yung sigawan nila. Hindi na nahiya akala mo nasa concert.

"Kayong dalawa tumigil nga kayo! Paguuntugin ko kayo tingnan nyo!"- Frost

"Ikaw kasi! Kapal na kapal ng muka!"- Art

"Ako pa? Ikaw nga tong mas makapal pa ang muka sa kahoy!"- Jace

"Kung makapal yung sakin mas makapal yung sayo. Next time nga masampal yan ng tsinelas para matesting kung gaano kakapal."

"Dami mong alam! Para kang google amputs! Ayaw pang aminin mas gwapo talaga ako eh!"

"Ho-------"- natigilan si Art sa pagsasalita ng biglang sumigaw si Frost

"Titigil kayo o titigil kayo?!"

"Naks naman ang choices. Walang iba?"- Jace

"Oo nga naman!"- Art

Sinamaan naman sila ng tingin ni Frost at sabay silang napaiwas ng tingin.

"Sabi ko nga titigil na"- sabi ni Art at umupo na parang maamong tuta

Kumuha ulit si Frost ng panibagong papel at nagsulat. Ngunit hindi rin nagtagal ay ginusot nya rin at itinapon nalang basta. Para kaming binaha kasi tambak na papel ang nasa harap namin. Sinisimulan na namin magcompose ng kanta para practice nalang at ready to go na. At heto kami ngayon hindi magkaintindihan sa gagawin.

"Teka Devon is this you?!"- tanong sakin ni Jace habang ihinaharap sakin ang phone nya

May isang babae at dalawang lalaki na nasa video. Yung isang lalaki naggi gitara at yung isa nagbi beatbox, yung babae naman ang kumakanta. Tiningnan ko yung date at uploaded ito 3 years ago. Mahigit 3 libo na rin yung views. Napangiti naman ako ng marealize na buhay pa pala tong video na inupload namin dati sa youtube nina kuya Shiloh.

Together in RealityWhere stories live. Discover now