Chapter 18

35 0 0
                                    

Devon's POV

Bakit ba ganun ang mga lalaki? Ang hihina nila pumili ng babae. Mas gusto nila yung babaeng wala pa sa kalingkingan ng itsura ni Kiray. In short, mas maganda pa si Kiray. Tulad nitong babaeng parang linta kung dumikit kay Frost. Nahiya naman yung mga babaeng nagkakandarapa para lang lumapit kay Frost tapos siya halos lamunin nya na?

Kanina pa talaga ako nagtataka dito sa babaeng to eh. Hindi ko alam kung ganun ba talaga ang muka nun o may sumpa lang na dumikit sa muka nya? Ayokong manlait pero hindi ko maiwasan kasi kalait lait naman talaga. Ayos sana kung maganda pero sabi ko nga, wala pa sa kalingkingan ng ganda ni Kiray.

Unang una naman, hindi ako judgemental. Tayong lahat sa physical appearance muna tayo tumitingin bago ang ugali. We all know that. Pangalawa, hindi ako mayabang. Okay fine, medyo mayabang ako pero atleast may ipagmamayabang ako eh sya? Pangatlo, hindi ako nagmamaganda. Kung nagmamaganda ako siguro nasugod ko na sya kanina pa.

At ang ipinagtataka ko talaga, bakit ba ganito ang reaksyon ko? Hindi naman ako nagseselos eh. Ah, alam ko na. Kasi nga pangit sya. Tsaka bakit nga ba kailangan pahabain pa? Pangit sya, end of story.

Umagang umaga nakabusangot ang muka ko dahil dun sa kasama ni Frost. Psh, nakakabad trip talaga ang pagmumuka nun.

"Sino ba yung babaeng yun? Grabe ha? Nahiya ako sa kapangitan nya."- Lj

"Ang sama nito! Pero sabagay, 99 % tama ka dun."- Jade

"Ano yon? 1 % lang ganda nya? Mga bastos kayo! May itsura naman yung tao."- Alyanah

"Wag kang feeling anghel. Lahat tayo may itsura, pero sya masamang itsura."- Diane

"Ang sasama nyong tao! Hindi na kayo naawa. Tss. Pero oo nga, pangit nga sya."- Reeana

Binatukan naman ni Diane si Reeana habang si Cheska binato sya ng crumpled paper. Kanina pa nga tong nagdadrawing eh. Tapos palaging may kaharap na salamin at pipikit. Itsura nya daw habang tulog yung ida drawing nya. Adik lang diba? Pano nya makikita yung itsura nya kung nakapikit sya?

"Bakit ba ayaw nyong sabihin ng deretso? Sabihin nyo lang, pangit sya. Tapos."- sabi ni Cheska at nagpatuloy sa drawing.

"Sinong pangit?"

"Ikaw."

"What did you say?"

Lahat kami nagulat ng yung babaeng kay pangit tingnan na kanina pa namin pinaguusapan ay yung sumabat sa usapan namin. Nasa likod nya si Frost at kumaway samin. Ako naman hindi sya kinawayan pabalik. Tss, dapat nga magsama sila ni Frost. Parehas silang bastos eh. Si Frost pag kinakausap ngumingisi lang, tapos itong babaeng kay pangit tingnan basta basta nalang sumasabat. Hindi ba sya tinuruan na wag makikisali sa usapan ng may usapan?

"Ah! Ibig kong sabihin, pangit yung asong nakita namin kanina."- palusot ni Cheska. Uminom sya ng tubig kasi kinakabahan ang itsura nya. Ito naman kasing babaeng to, hindi lang pala pangit, nakakatakot rin pala tong tingnan.

Together in RealityUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum