Chapter 27

54 0 0
                                    

Devon's POV

Madilim

Marumi

Nakakasulasok na amoy

May mga gagamba sa ding ding

Nagkalat na bote at balat ng pagkain sa sahig

Ilan lang yan sa katangian ng silid na kinatatayuan namin ngayon.

"Alam kong medyo marumi itong lugar na ito pero kapag nalinisan na ito tiyak makakapag practice kayo ng maayos dito."- Mr. Kang

"Mr. Kang sabihin nyo nga sakin. Kelan pa magiging ayos ang practice namin dito kung ganito naman karumi at kabaho ang pagpa practice-san namin?"- Jace

"Exactly! Hindi talaga kayo makakapag practice kung ganito ang itsura nito."

"What do you mean? Kailangan pa namin ayusin at linisin itong room na to?"- Art

"Yup! Sure naman ako ayaw nyong mag practice sa ganitong hitsura ng lugar hindi ba?"

"Wala na bang ibang lugar bukod dito?"- Frost

"As far as I know mahal rumenta ng isang kwarto para lang pag practice-san nyo ng ilang linggo. Malinis nga, mahal naman! Pero dito walang bayad, marumi nga lang. It's your choice."

"Hindi ba't parang trespassing itong ginagawa natin?"- Jace

"A friend of mine says no one live here. Wala ng nagmamay- ari nitong lugar na ito."

"Baka mamaya may multo rito ha!"- Art

"Actually I have a third eye Art. There's a white lady beside you."

Napasigaw naman si Art at yumapos kay Jace. Nagpanic silang tatlo samantalang kami ni Mr. Kang ay nakatingin lang sa kanila.

Gusto ko sanang pagtawanan yung tatlo dahil sa kaduwagan nila ngunit may ibang kutob din ako sa lugar na ito. Hindi malayong may namatay na rito. Masyadong malayo sa kabihasnan at gubat gubat ang nasa paligid. Luma na itong loteng ito at pwedeng tumumba kapag nadaanan ng bagyo. Isang pitik lang at pwede na to mawala.

"Ay grabe naman! Walang ganyanan!"- Art

"Ang bading mo sumigaw Art!"- tukso ni Jace kay Art at tumawa ng malakas.

"Nagsalita ang hindi mukang bakla. Pati rin naman sya sumigaw."

"Hindi naman katulad mo na may payakap yakap pa. Chansing ka lang eh. Mga galaw mo ha pang hokage."

Together in RealityWhere stories live. Discover now