Chapter 20

38 1 0
                                    

Devon's POV

Sa mahigit limampu't limang katao na nagpakahirap makapag audition sa IOB, tatlo lang ang nakuha. Hindi ko rin alam kung magiging masaya ba ako o maiinis kasi nakapasok ako sa tatlong yun. Nakakapagtaka naman dahil walang wala pa ako sa galing ng iba. Inaamin ko merong parte sakin na gustong makapasok sa IOB pero nung mapanood ko yung iba na kumanta, para bang napailing nalang ako at bumulong sa hangin na susuko na ako.

Hindi ko alam kung anong klaseng gayuma ang pinainom ni Frost sa dalawa nyang lalaking kasama at nasabing pasok ako sa top 3. Nung malaman yun ng barkada parang sila yung nakapasok kasi sobrang saya nila. Mas masaya pa sila kesa sakin. Kahapon pagkatapos na pagkatapos nung audition agad na lumapit sakin si Frost. Alalang alala ko pa kung ano yung sinabi nya sakin. 'Grabe. The best.'

Tatlong salita lang yun pero agad na tumatak sa puso ko at umulit ulit sa utak ko. Para akong tanga kasi natulala ako buong araw nun. Yun pa ang naging dahilan kung bakit puyat na puyat ako ngayon. Ayaw talaga akong patulugin ng tatlong salitang sinabi nya. Ang daming nagsabi sakin na ang galing ko raw kumanta, pero nung sya na yung nagsabi, parang hindi napigilan ng puso ko tumalon sa sobrang saya. Hindi na ako nakapag pigil at nakapag buhat na ako ng sariling bangko. Ano na nga bang nangyayare sakin?

"Yung asawa ko finavorite ang tweet ko! Omg, omz! Shems. Siomai! Shetamax betamax baymax!"- tili ni Cheska habang kaharap na naman yung cellphone nya.

"Grabe kanina. Nautot ako sa jeep. Tapos may tatlo na lumingon. Langya, feeling ko nasa the voice ako!"- proud na sabi ni Jade

"Wala talagang hiya ang isang to. Umutot ba naman sa jeep?"- Lj

"Wala ka ng magagawa. Nakautot na ako eh."-Jade

Tulad ng sinabi ko kanina, tatlo kaming napili kaya magkakaroon kami ng the battles. Ito yung kakanta ka na naman sa harap ng maraming tao tapos may isang mike sa harap. Yung mike na yun naka connect sa isang screen at dun lalabas ang score mo. Simula kaninang umaga ay ramdam ko na agad yung kaba. Uminom pa ako ng pampakalma para lang hindi manginig yung katawan ko.

Nagsisipuntahan na yung mga tao sa gymnasium. Pero kaming barkada tumambay muna dito sa umbrella malapit sa gym. Nakakatatlo na akong bote ng tubig pero hindi parin talaga ako kumakalma. Bukod sa lahat ng estudyante ay nandoon, nahihiya din ako kay Frost. Malay ko bang kasali sya sa IOB? Panay pa naman ang suntok at batok ko sa kanya yun pala isa syang miyembro ng sikat na banda. Sinong hindi mahihiya dun? Pakiramdam ko tuloy parang ginawa kong hampas lupa ang mga sikat na kagaya nya.

Narinig kong nagsasalita na yung emcee kaya lalo ng lumakas yung tibok ng puso ko. Grabe, ang hirap talaga pag kinakabahan! Tinawag nung emcee ang pangalan ko kaya nahila agad ako ni Jade papunta sa loob. Pinaupo muna nila ako sa unahan kasi pinaka huli naman akong kakanta.

Natapos yung isang babae na kumanta at walang pakundangan ay napapalakpak rin ako. Sobrang galing nya kumanta. Parang anghel yung boses nya. Hindi ko matantya kung gaano karami ang pumalakpak at nag standing ovation para sa kanya. Napatingin kaming lahat dun sa screen. Naghihintay kaming lahat kung anong naging score nung babae. 83 ang naging score kaya lalo lang akong kinabahan. Pano naman aabot sa ganito yung score ko eh hindi naman kagandahan yung boses ko? Aish!

Tinawag yung isa pang babae at nagsimula syang kumanta. Tumaas yung balahibo ko ng marinig ko yung boses nya. Grabe. Paano na to?

Third Person's POV

Together in RealityWhere stories live. Discover now