Chapter 34

29 0 0
                                    

Devon's POV

Naka lipas ang dalawang araw na parang isang bula.  Napaka bilis at tila ba isang hangin na dumaan lamang.

Naka sakay ako sa van na inarkila nila Art para sa pag punta namin ng airport papunta sa boracay. Ayaw raw nila mag barko dahil mahihiluhin ang halos lahat sa amin.

Ako ang pinaka unang sumakay sa van dahil gusto ko sa pinaka likod na pwesto malapit sa bintana.

"Come on, va monos! Everybody let's go! Come on, let's get do it. I know that we can do it! Where are we going?"- sabay sabay na kanta ni Art, Cheska at Devon

"To Boracay!"- sagot naman nina Jace, Yanah at Jade. Feel na feel na parang nagsho shooting para sa episode ng dora the explorer

"Where are we going?"

"TO BORACAAAAY!"

Nagpalakpakan sila at sadyang nagugustuhan pa ang kalokohang ginagawa nila.

"Where are we going?"

"To hell pag hindi ka pa tumigil! Paulit ulit ka na!"- sigaw naman ni Lj sabay halakhak ng malakas

Isa isa naman silang nag unahan sa pwestong gusto nilang upuan.

Sa unahan ay nandoon ang driver na si Kuya Fred, Jace at Mr. Kang, sa susunod na row naman ay sila Cheska, Reeana, at Jade, sumunod ay sila Yanah, Diane, at Devin. At sa pinaka huli ay ako, si Frost at si Art.

Kung tuwing field trip ay sa hulihang parte ng bus ang pinaka maingay, ngayon naman ay baliktad. Napaka ingay ng nasa unahan at tila wala ng bukas kung magsalita. Dire-deretso, walang tigil at walang pahinga, hindi nauubusan ng kwento si Yanah at lalo na si Cheska. Ang dakilang daldalera ng barkada.

"Napanood nyo na ba yung laban ni Sinio at Shehyee sa fliptop?"- tanong ni Yanah sabay tingin sa amin sa likod, isinasali kami sa usapan nila

"Oo! Astig nun grabe, walang kupas si Sinio!"- sagot ni Art sa kanya. Ngumisi naman si Frost sa sinabi nito. Hindi ko alam kung bakit.

"Oh talaga? Anong nangyare?"-usisa ni Jace na nasa unahan pa

"H-ha? A-ano, syempre nag ano.. nag fliptop! Ano ba pre, umayos ka nga."- utal na sagot ni Art

Napabulaslas naman ng tawa si Frost at Jace at wala kaming ideya kung bakit.

"Bakit?"- bulong ko kay Frost na namumula na sa pagtawa

Sumulyap naman siya kay Art na nahihiya na at tiningnan siya ng masama na para bang 'Subukan mo sabihin, papatayin kita', ngunit tinawanan nya lang muli ito.

"He hates fliptop. He never liked it because the lines are too much below the belt."- hinihingal nyang sagot sakin

Sumulyap naman ako kay Art na ngayon ay namumula sa hiya.

Pero bakit sabi nya-----

Ahh. Okey, I get it.

"Anong nakakatawa?"- takang tanong ni Yanah sa amin. Dahil ako mismo ay nakangisi narin.

"You like my friend don't you?"- nilakasan ko ang pag sabi ko niyon kaya mas lalong napuno ng tawanan at kantsawan ang loob ng sasakyan.

"I love you, you love me, we are happy family with a great big hug and a kiss from me to you."- kanta ni Jace ng theme song ng barney kaya mas lalo kaming nag ingay.

Namula naman ng todo si Yanah ng dahil sa kahihiyan at si Art naman ay tinatakpan na ang mukha.

Sa gitna ng lokohan at tawanan namin ay bigla akong nanigas sa gulat. Humiga si Frost sa lap ko kaya pigil ang aking hininga.

Together in RealityWhere stories live. Discover now