Chapter 5

32 3 0
                                    

Devon's POV

Flashback

"Ma, bakit ang daming pagkain?"- tanong ni Devin kay Mama. Pati ako nagtataka kung bakit maraming pagkain pero hindi ko nalang tinanong kasi baka may bisita mamaya.

"Oo nga po Ma. Hindi natin yan mauubos."- Levi

"Hmm. Let's just say, may bisita si kuya nyo."- Mama

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mama. Bisita? Bakit hindi ko alam yun?

Maya maya nakarinig kami na may nag bukas ng pinto.

"Ma? Andito na po kami."

Tumili naman si Mama na tila kinikilig sya. Dali dali syang pumunta sa sala at sumunod naman kami ni Devin sa kanya.

At pagkatingin ko. Napa wow nalang ako.

Para lang ako nakakita ng anghel. Isang anghel at isang demonyo.

Tutal demonyo naman si kuya at anghel yung katabi nya.

Joke.

As in para lang talaga akong nakakita ng anghel. Anghel sa sobrang ganda. Hindi ko akalain na may kaibigan si kuya na ganito kaganda. As in maganda.

Teka, nakailan na ba akong sabi ng maganda?

"Ma, Devin, Devon Si Shiela, girlfriend ko."- sabi ni kuya

Parang nabingi ako sa sinabi ni kuya. Girlfriend? Bakit wala syang sinasabi na may girlfriend na sya?

Kaya pala parang inspired na inspired. Kaya pala laging nakatunganga sa cellphone. Kaya pala hindi ko na sya nakitang sumisimangot! Hmp!

"Ah Shiela. Ang kamabal namin, si Devon at Devin. At ang bunso, si Levi."- Shiloh

"Aray anak. Ako hindi mo ipapakilala?"- Mama

Napatawa naman kaming lahat sa sinabi nya.

"Si Mama. Tampo agad? Shiela, si mama nga pala. Your soon to be mother-in-law."- Kuya Shiloh

Napangiti naman ako sa kacorny-han ni kuya.

"Ay anak! Maaga pa para magkaapo ako!"- Mama

Napansin ko namang namula si Ate Shiela at kuya Shiloh sa sinabi ni Mama.

"Hay nako Ma. Kung ano anong sinasabi mo."- Devin

Sa huli, nagkayayaan nalang kami na kumain sa may garden malapit sa swimming area.

Nandun sila nagtitipon tipon at nagtatawanan. Pero ako, pinili kong lumayo at umupo nalang sa may pool side.

May umupo naman sa tabi ko at ginaya ang posisyon kong binababad ang paa sa tubig.

"Uuy. Ang baby ko nagtatampo."

Paraan palang ng pananalita nya alam ko na. Tsaka sa amoy nya palang alam ko na kung sino sya.

"Sus! Tampo. Ako? Nagtatampo? Tss. Hindi noh."- sabi ko

Together in RealityWhere stories live. Discover now