Chapter 9

59 6 2
                                    

Devon's POV

Sabi nila, bwisitin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising. Tulad nitong si Levi. Ginising ko lang inis na inis na agad sakin. Wala naman kasing pasok ngayon kaya niyayaya ko syang lumabas. Pasalamat nga sya at niyaya ko pa sya eh.

"Hindi ba pwedeng si Ate Devin nalang?"- Sabi niya at tumingin saking nagkakamot ng ulo.

Wala naman akong naging sagot at tumingin lang sa kanya. Alam nyang iba ang magiging kinalabasan once na magsama kami. Baka magkaroon pa ng world war 3 kung sakali. At ayaw ko nun.

"Argh! Inaantok pa ako eh!"- pagmamaktol ni Levi

"Ano bang ginawa mo kagabi at puyat ka?!"- sigaw ko sa kanya

Hindi naman sya nakasagot agad at bigla nalang syang namula na parang kamatis. Sus marimar! Gabayan nyo po itong kapatid ko at baka makagawa ng kasalanan!

"Hoy!"- pukaw ko sa atensyon nya.

"H-ha? Ano?"

"Ang sabi ko maligo ka na! Kung ayaw mong kalikutin ko ang laptop mo!"- sabi ko at lumabas na ng kwarto nyang parang dinaanan ng tsunami. Hay nako. Boys will be boys.

Tumagal naman ng ilang minuto at bumaba na syang fresh na fresh. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay yung buhok nya.

Tuwing nakakakita talaga ako ng ganung hairstyle ang unang pumapasok sa isip ko si Justin Bieber.

Palibhasa kasi naging fan nya din ako dati. Yung buhok nya mahaba na tapos yung patilya umaabot na sa panga nya. Gipit ba 'tong lalaking ito at hindi makapag pagupit?

"Ano? Parang kanina lang pinagmamadali mo ko ah? Tapos ngayon tutunganga ka lang? Hihintayin mo talaga ang pasko?"- sabi ni Levi. Nagtataka ko naman syang sinundan ng tingin hanggang makalabas sya ng bahay.

Problema nun?

Nilabas naming dalawa yung bike at nagpunta na ng mall. Malapit naman yung mall dito samin kaya nag bike nalang kami. Pagkadating namin kumain muna kami sa mcdo.

Kumakain ako pero nahalata kong hindi sya mapakali.

Susubo.

Hihinga ng malalim.

Tingin sa relos.

Kamot sa ulo.

Tingin sa phone.

Paulit ulit nalang nya yang ginagawa. Napahinto ako sa pagkain at tiningnan sya.

"Dalian mo. May pupuntahan tayo."- sabi ko at ininom yung coke ko. Napakamot na naman sya sa ulo nya at kumain din naman.

Hinila ko sya sa isang pagupitan. Nagtataka syang tumingin sakin pero hindi ko sya pinansin at pumasok na ako sa loob.

"Good morning Ma'am, Sir. What can I do for you?"- bungad nung isang baklang mukang babae.

"Anong ginagawa natin dito? Magpapagupit ka? Eh bakit sa barber shop?! Tomboy ka ba?"- bulong sakin ni Levi.

"Hindi ako ang magpapagupit. Ikaw."- sabi ko at tinaas baba ang kilay ko. Pang asar lang.

"Ako?"- sabi niya sabay turo sa sarili nya. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya.

Together in RealityWhere stories live. Discover now