Chapter 1

69 4 1
                                    

Devon's POV

Ang ayoko sa lahat ay yung pinapakielaman yung gamit ko. Ano pang saysay ng salitang 'privacy' kung mangingi-alam ka rin naman?

Umagang umaga nabibwisit ako dito sa magaling kong kakambal. Bukod sa naistorbo nya yung tulog ko ay panay rin sya sa pag galaw ng mga gamit ko. She have her own room, bakit kailangan nya pang guluhin yung kwarto ko?

"Devin. Can you just please get out of my room?"- mariing sabi ko pero may halong pagkainis.

"If you just didn't know. It's 4:50 in the morning and we still have class."- bored na sabi nya habang yakap yakap nya yung life sized teddy bear ko. Meron naman syang kanya bakit hindi nalang iyon ang yakapin nya?

"Yep, I know. At baka nakakalimutan mo din? 7:00am pa ang klase natin kaya wag kang umasta na early bird ka kasi mas matagal ka pa sakin maligo."- sabi ko sa kanya. Nag make face naman sya kaya mas lalong uminit ulo ko.

"At nakikita mo to?"- sabi ko at itinuro yung alarm clock sa tabi ko.

"Nag alarm ako kaya hindi mo ako kailangan guluhin. Now step out of my room kung ayaw mong sunugin ko ang stuff toy mong si barney."- pahabol ko pa at pumikit na ulit. 5 am naman ang alarm ko may ten minutes pa akong pwedeng itulog.

Narinig ko naman ang mga yabag ng paa nya palabas ng kwarto ko at padabog na sinara ang pinto ko.

She really doesn't want me to mess with her Barney stuffs. If she messes with my stuffs, I get even. Bawian lang yun. That's what siblings do.

At dahil nasira nya na yung tulog ko hindi ko na ulit nakuha pang makatulog. Naligo nalang ako and do my morning rituals. Nagbihis na ako ng uniform at bumaba na para kumain ng almusal.

Nadatnan ko ang trese anyos kong kapatid na si Levi at ang aking napaka gandang Mama. Si Papa at si Kuya nasa America. Sila ang nagtutulungan para mas lalong mapaunlad yung company namin.

"Morning ate Devon."- Levi

Ngumiti ako sa kanya at kay Mama. Umupo na ako at kumain na. Agad agad ko ng tinapos ang pagkain ko. Hanggat sa maari ayoko ng makasabay pa sa pagkain si Devin. Magkakagulo lang kami.

Tumayo na ako hudyat na mauuna na akong umalis para makapasok. Nagtataka naman tumingin sakin si Mama kaya napatigil ako.

"Hindi mo ba hihintayin si Devin?"- sabi nya habang patuloy sa pagnguya.

Hindi na ako nagatubiling magsabi ng 'hindi.'

"May scooter naman syang kanya. Kaya nya ng pumunta ng school magisa."- bored kong sabi at naglakad na papalayo.

Siguro kung makikita ng ibang tao kung paano ako umasta sa sarili kong ina iniisip na nila na bastos akong anak.

Hindi naman sa galit ako kay Mama. Walang tensyong nagaganap saming dalawa. It's just that, kapag si Devin talaga ang pinag uusapan bigla nalang ako nawawala sa mood.

May nagawa kasi sya dati na hindi ko malimutan. Na hanggang ngayon hindi parin mabura sa isipan ko. At kahit ilang sorry nya pa, hindi nya matatanggal yung sakit na binigay nya sakin.

Pagkadating ko sa school, pinaguusapan ng lahat ang announcement na nasa billboard. At dahil wala naman akong pakielam sa pinaguusapan nila hindi ko nalang sila pinansin.

Dumating ako sa classroom at ganun padin ang pinag uusapan nila. Ganun ba ka big deal ang announcement na yun?

Dumating sina Reeana at ang barkada nya na tinatawag na BnB. Short for Barkada ng Baliw. Kasama rin nila si Devin na ngayon ay nakatingin na pala sakin. 'Di ko man lang napansin ang pagdating niya.

"You need to see the announcement."- sabi nya sakin at dali dali akong hinila papunta sa billboard. Naka sunod naman samin ang bnb. Muka namang magkaka barkada na sila at si Devin.

Napatigil ang pagiisip ko sa mundo ng mabasa ko ang isang makulay na typewriting na nakadikit sa billboard.

Ang announcement na pinag uusapan ng lahat.

Dear fellow students,

We, the Inside Out Band will be having an audition for the position of vocalist. The audition will be helding on July 5, Friday 3pm sharp inside the theater room.

Hoping for your considerations.

Sincerely,
IOB (Inside Out Band)

Paulit ulit na pumapasok sa isip ko yung mga nabasa ko.

"You should really try that out."- sabi ni Devin na nakapag balik sakin sa katinuan.

Napa buntong hininga ako at napailing.

"You know I can't do it."- Ako

"Come on. You can do it. Just try it. Maybe it's time for you to make a new page of your life. It's just once in a lifetime."- Devin

Lumapit sakin si Jade at tinapik ako sa braso.

"Wala akong alam sa buhay mo. Kahapon lang tayo nagkakilala pero pakiramdam ko kilalang kilala na kita."- Jade

"Alam mo kasi, sa buhay natin, mayroon tayong kinakatakutan. Mayroon tayong kahinaan. At dahil dun, hindi natin maisagawa ng ayos yung mga gusto nating gawin sa buhay natin. Yung kinatakutan at kahinaan natin? Yun yung humahadlang sa mga desisyon natin sa buhay. Kaya bago ka gumawa ng desisyon, alisin mo muna yung mga bumabagabag sa isip mo. Tanggalin mo yung takot at hina dyan sa puso mo. Para pag dumating ang panahon na handa ka na, magagawa at makakapag desisyon ka ng maayos, walang hadlang at walang pagda dalawang-isip."- Jade

Nagulat ako ng pumalakpak ng dahan dahan si Cheska na parang isa syang ina na proud na proud sa anak niya kasi gumraduate ng valedictorian at nakapag speech ng matiwasay.

"Galing ah? San mo nakuha yun?"- Cheska

"Ewan ko. Basta basta nalang lumalabas sa isip ko eh."- sabi ni Jade at humagalpak ng tawa.

"Ang talino ko talaga!"- Diane

"Bakit?"- Reeana

"Ako nagisip nun eh. Binasa nya lang sa utak ko."- proud nyang sabi.

Puro batok at mura lang ang nakuha nya sa pag mamayabang nya.

Pero napaisip ako sa sinabi ni Jade. Tama naman sya eh. Pero ang iniisip ko, saan ako magsisimula para maayos ang magulo kong buhay?

.....................................................
lily_beenie

Together in RealityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora