Chapter34: Kaba

Depuis le début
                                    

"Wag po kayong mag aalala. Ayos na po ako manang. May kailangan labg akong harapin manang"

Makahulugang sagot ko riyo kaya ganoon na lamang ang pag salubong ng kilay ni Manang. Binuhat ko na lang ang bag ko dahil sa may sugat ang balikat ko. Mabigat at medyo na pwersa ang balikat ko, pero tiniis ko iyon para ipakita kay manang na ayos na talaga ako.

"Sige po."

Paalam ko bago lumabas ng pintuan.







-------------------

"Serenity!!!"

Dinig kong tawag sa akin ni Suzy. Nasa gate pa lang ako ay agad na niya akong sinalubong ng yakap.

Natutuwa ako dahil nag aalala siya sa akin.

"Ayos ka na ba? Wag mong pilitin ang sarili mo! Look! Baka mapwersa ka!"

Maluhaluhang sabi nito. Pinisil ko ang pisngi niya ng kaliwang kamay ko dahil hawak ko ang bag ko sa kanang kamay ko.

"Ayos na ko, no worries."

Naramdaman kong gumaan ang bag ko. May kumuha nito mula sa kamay ko. Nagulat ako doon kaya napatingin ako bigla kung sino man ang may gawa noon.

Muli akong napangiti ng makiya kunh sino yun.

"Suzy's right. Hindi mo dapat pinupwersa ang sarili. Ang bigat pa naman ng dala mong bag."

Wika nito.

"Salamat, Jake. Syempre pati sa iyo Suzy."

Sabi ko sa kanila, nakita kong gumuhit rin ang ngiti sa kanilang labi.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maraming mga booths sa gawing kanan ng ground at mga tent naman sa gawing kaliwa. Malawak ang paligid kaya magandang ideya na dito gawin ang camp namin.

Pero bakit ganoon?

Hindi pa rin matanggal ang kaba ko.



-------------------

Gabi. Openinh ng camp. May bon fire at mga estudyanteng nagsasayawan sa gitna na para bang walang mga problema. Para bang walang nangyaring nakakakilabot sa school kung nasaan sila?


Nakakatawa ang mga klaseng taong tulad nila.

Puro luho ang alam. Hindi alam mag seryoso sa buhay.


Nasa rooftop ako ng building kung nasaan ang room namin. Nanonood sa kabaliwan nila.

Napabuga ako ng hangin dahil sa inis. Nalaman ko kasi kanina na marami palang nanghinayang noong hindi ako natuluyan.


Pasensya sila dahil hindi ko pa oras.


" Alone?"

Napatingin ako sa gilid ko. Di ko namalayan na pumunta rito si Jake. Sobrang lalim kong mag isip kaya hindi ko na halos naramdaman pa ang presensya niya.


"Ngayon hindi na."

Sagot ko rito.

"Is their something bothering you?"

Tinamaan ako sa tanong niya. Oo, may bumabagabag nga sa akin.

Tumingin ako ng seryoso sa kanya. Sasabihin ko ito para gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

"Kinakabahan ako."
Sabi ko.

"Saan?"


"Sa mangyayari."

Sagot ko na nag pakunot sa noo niya.


"Jake, malapit ng matapos ang lahat ng ito. Kakaunti na lang sila na papatayin ni Ate. Kinakabahan ako na parang may pasabog si Ate at Maxine na makakaapekto sa ating lahat."

Mahaba kong paliwanag dito, nakita ko sa ekspresyon nya ang pag sang ayon sa sinabi ko. Hindi lang naman iyon ang ikinakakaba ko.

Pati na ang.......

"Jake, alam kong kasama ka sa mga natitira sa listahan niya."

Sabi ko na naging dahilan ng biglang pag katulala niya.

Simula pa lang. Alam ko na sa kanya pinaka babawi ang Ate ko.

Dahil sa lahat ng mga nanakit sa kanya, kay Jake sya pinaka nasaktan.

Kay Jake na sumugat at nagsira sa puso niya.








Itutuloy......






Ate(Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant