Nang imulat ko ang aking mga mata ay wala na akong maalala kung ano ang nangyari. Doon na sila unti-unting nagalala sa kalagayan ko. Mukhang nagkaroon ako ng amnesia. Nagtataka pa ako kung bakit hindi ko maalala ang naging relasyon ko kay Von at lalo na ang buhay magasawa namin ni Franz. 

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Kaya ganoon ang nangyari ay dahil ayaw ko nang maalala ang masasakit na pangyayari sa buhay ko. Totoong minahal ko din noon ng todo si Von. Masakit sa akin na nagkahiwalay kami. Pero mas masakit ng triple ang natuklasan ko sa pagitan noon ni Fatima at Franz. Kaya pilit kong itinago sa isang bahagi ng aking utak ang lahat ng pagdirimdim na naramdaman ko. Duwag ako, alam ko. Duwag akong masaktan. Pero bakit ganoon, hindi ko pa rin naiwasan?

 

"Steph! Steph! Baby! Please wake up." Boses na nababasag ni Franz ang narinig ko.

Unti-unti akong nagmulat ng mata at natagpuan ko siyang iniuunan ako sa kanyang hita habang yakap-yakap ako. Binalikan ako ni Franz?

"Diyoskopo! Ayos ka lang ba? Saan ang masakit?" Nagalalalang tanong niya.

"Siya po ang kusang tumawid." Paliwanag nang natatakot na driver.

"Idedemanda kitang gago ka!" Sigaw ni Franz sa kanya. Nasa kalsada pa rin pala kami.

Bumaling sa akin si Franz habang naririnig ko ang wang-wang ng mga pulis na rumisponde sa aksidente. Narinig ko din ang ambulansya.

"Steph, huwag mo akong iiwan. Parang awa mo na." Naiyak na pakiusap niya habang ako ay nakatulala lang. Nagulat din ako sa mga pangyayari.

Gustong-gusto kong iangat ang aking kamay para haplusin ang maamo at nababagabag niyang mukha, pero hindi ko magawa. Para kasing hinang-hina na ako. Parang masyado akong napagod. Kung ako napagod na, paano pa kaya si Franz na patuloy na nagtiyaga sa akin? Paano pa kaya ang naramdaman ni Franz na minahal lang pala ako, pero pinagdudahan ko ang kanyang katapatan sa akin? Kaya siguro niya nasabi ang mga masasakit na salitang sinabi niya kanina.

Binuhat na ako sa stretcher ng ambulansya habang nakasunod si Franz papasok doon. Nakita ko ang naiiyak ding si Cedric na pumasok din sa loob ng sasakyan. Saan kaya siya nanggaling?

"Stephanie, huwag mo kaming iiwan. Mahal na mahal ka namin." Umiiyak na sabi ni Cedric sa akin. First time kong nakitang umiyak ng ganito si Cedric sa ilang taon naming pagkakaibigan. Parang lalong sumasakit tuloy ang puso ko. Noon ay ako lang ang palaging lumuluha sa balikat niya.

"Cedric, balikan mo muna si ZL sa bahay nila. Walang kasama ang bata doon. Tawagan mo si Von at sabihin mong ihatid muna ang anak ko kina Mama. Sige na! Bumaba ka na! Sumunod na lang kayo sa hospital. Ako na lang muna ang sasama kay Steph." Natatarantang utos ni Franz kay Cedric.

Bumaling sa akin si Cedric. Bakas ang kanyang pag-aalinlangan na iwanan ako kahit sandali. "Susunod ako sa hospital." Sabi ni Cedric at hinalikan na ang aking kamay.

Alam kong hindi niya matitiis si ZL sa sitwasyon ngayon. Hindi niya mapapabayaan na walang kasama ang aking anak. Siguro naman kahit paano ay medyo kampante na siyang iwan ako kay Franz kesa iwan si ZL na nagiisa sa apartment ko. Bumaba na siya ng ambulansya bago ko naramdaman ang pagalis namin.

The StarNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ