Chapter 115 -- First Step to Forever

2.3K 63 11
                                    

Chapter 115

SARAH's POV

2 days to go nalang ikakasal na kami ni Gerald. Kaya ito isang linggo ko na din siyang hindi nakikita. May pamahiin daw na ganon e , pero di naman namin nakakalimutan na tawagan ang isat-isa. Minsan sa akin natutulog yung dalawang bata , minsan sa kanya , kumbaga salitan lang.

" Miss mo na noh? " si Mommy lang pala , wala na din naman akong ibang kasama ngayon , si Daddy kasi hinatid yung dalawang bata papunta kay Gerald , hinintay lang matapos mag dinner bago ibalik sa ama nila

" Sino ba? " as if wala akong alam

" Asus Sarah , di kana bata para sa ganyan mo ha! " sabi ni Mommy

" Ito naman si Mommy di na mabiro " sagot ko kay Mommy sabay hug sa bewang niya , ganito ako kay Mommy pag naglalambing

" Umayos ka kasi " banta niya

" Oo naman po , everyday kaya kaming hindi na nagkikita .. puro tawag or text lang! " sabi ko sa kanya

" Sabagay , ganyan din kami ng Daddy mo nuon , mas okay nga ngayon e kasi my cellphone e dati telegrama lang .. " kwento ni Mommy

" Echosera ka din Mommy e .. dalawang bahay lang naman pagitan niyo ni Daddy " bara ko sa kanya , yun kasi kwento ni Daddy sa akin

" Kaya nga madali lang makuha yung mga sulat ko e! " natatawang sabi sa akin ni Mommy , kaya pati ako napatawa din

" Acheche ka din Mommy eh! "

" Parang ikaw lang din .. " sabi niya

" My! " seryoso kong tawag kay Mommy

" Ano yon? "

" Noong kinasal ba kayo ni Daddy may naramdaman kabang kakaiba , i mean yung wedding jitters kung tawagin nila? " serious kong tanong sa ina ko

" Dati? Hindi e , kasi sigurado naman ako sa nararamdaman ko sa Daddy mo .. yun bang pag-ibig sa tamang panahon yon e , bakit ko pa papakawalan diba? " 

" Naks may right love at the right time ka pang nalalaman diyan My ha! " pang-aasar ko sa kanya

" Of course may ganon talaga .. sabihin nating ma swerte ako kasi first boyfriend ko Daddy mo at siya na naging husband ko , yun bang di na ako dumaan sa mga iba't-ibang boyfriend .. hindi na ako dumaan sa maraming heartbreak .. kaya nga sabi nga diba True Love Waits .. yung sa inyo ni Gerald dati , True Love in the wrong time yun e .. pero buti nalang na twist ang time at sa huli kayo parin diba .. " mahabang sabi ni Mommy " Gets mo ba ako anak? "

" Opo My ..gets na gets! Ibig ba sabihin non , atat lang ako masyado magka boyfriend? " 

" Hindi naman .. sabihin nalang nating na curious kalang siguro sa ganon , kasi nga sa edad mong 20 nuon nung naging kayo ni Rayver , alam ko namang nadala ka lang sa curiosity e kung paano kung may jowa ka , may nagti text at call sayo ng I Love You , kumain ka na ba? , mga ganon .. at siguro dahil na din siguro sa mga tao sa paligid mo na pine pressure kang mag boyfriend kasi 20 kana non! " mahaba niya pang sabi

" Oo ganon nga yon Mommy .. " sagot ko sa kanya 

" O diba? Pero naging masaya ka ba? "

" Opo Mommy .. kahit na sabihin nating mali yong una kong pag-ibig , kasi medyo hindi formal .. yung tipong kilala niyo lang siya bilang artista , kasamahan ko sa trabaho , pero bilang boyfriend ko hindi niyo man lang nakilala .. aminado naman ako e na may kasalanan din ako .. kung pumayag lang talaga akong pumunta siya sa bahay para pormal na makilala kayo e di --- "

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now