Chapter 70 - The Surprise

6.3K 75 10
                                    

Chapter 70

Sarah's POV


" Uuwi ba tayo agad? " tanong ko kay Gerald habang nagba byahe kami pa Batangas






" Gusto mo ba mag stay pa tayo don? " ganting tanong niya sa akin





" Mama , don na tayo matulog please ..kahit isang araw lang! " si Reed





" Tita sige na .. weekend naman e! " segunda naman ni Akira , mas komportable akong tawagin siyang ganun e





" Hmmp sige na nga ..basta behave lang ha! " sagot ko sa kanila , di talaga ako makakatanggi sa dalawang ito

Ramdam ko naman na ngumiti si Gerald , tuwa lang niya sa desisyon ko. Since weekend naman okay nalang din , medyo toxic din ako sa week natu e. Napa-isip din ako sa surprise ni Gerald sa akin lalo na sa mga bata , kung maka secret kasi wagas. Mga 30 minutes pa or less makakarating na kami sa rest house niya sa Batangas , yung dalawang bata panay tingin sa labas. Last time kasi tulog sila nun kaya di nila nakita masyado ang lugar. Di nagtagal nakarating na din kami. 

" Sino namamahala dito? " tanong ko sa kanya , di ko kasi natanong the last time e , siyempre hindi kami masyadong bati nun

" Ahh sina Manang Elsa "

" Bago? " tanong ko , kilala ko kasi yung namamahala dito noon

" Oo , wala na si Mang Kanor e .. umuwi na sa Mindoro "

" I see "

" Mama tanaw ko na yung beach ohh! " si Reed , nagpa park pa kasi kami

" Kuya lets gooooooooooooooooooo " si Akira , nakabukas na din yung pinto , halatang excited yung dalawa

" Careful kids .. " paalala ko " Ate pakisundan naman po sila ohh .. ako nalang bahala sa gamit natin! "

" Sige hija! " sagot naman ni ate Marie

" Hep kids .. ang surprise niyo! " sabi ni Gerald , napahinto naman yung dalawa sa paglabas

" Oo nga .. " sabay nilang sabi

" Hmmp later nalang Blythe .. marami pa namang time! " sabi ni Reed sa kapatid niya , tumango naman yung dalawa.

Ready To Take A Chance AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon