Chapter 105

3.4K 64 6
                                    

Chapter 105

Gerald's POV

" Kuya maupo ka nga .. kanina ka pa e .. nahihilo na ako sayo " saway sa akin ni Ken

Kanina pa nga ako nag pa ikot-ikot dito sa office ko. Ewan ko ba para akong baliw dito.

" Ngayon ka pa kabahan e , halata namang mabait yung si Elsa e " singit naman ni Fred

Iniwan ko kasi si Akira kay Elsa ngayon don sa condo , si Sarah naman nasa restaurant .. Si Reed naman nasa school para sa entrance exam , sinamahan lang ni ate Shine marami kasing gagawin si Sarah sa restaurant kaya naki suyo nalang kay buntis. Si Akira naman kasi not feeling well kaya ayon no choice maiiwan talaga siya sa condo.

" Oo nga Kuya , tsaka pag may gagawin man siya na karumaldumal aba may cctv naman diba? " kung maka gamit naman to ng word si Ken wagas e

" Karumaldumal ka diyan .. " si Fred

" Oh sorry naman .. tao lang po " pagpapa umanhin niya

" Alam mo bro " si Fred , sabay tapik sa balikat ko " Diba sabi ni Sarah sayo let her be .. i mean hayaan mong makasama ang anak niya .. diba nag-usap na kayo na hindi niya kukunin si Akira sayo .. so bakit nababahala ka?  Mabait naman si Elsa ahh mas gago ka pa nga e " pagbibiro ni Fred

" Tumpak si Fred don .. mas gago ka " singit naman ng magaling kung kapatid

" Isa ka pa e .. kung may hawak lang ako nabato na kita " sabi ko sa kanya

" Well sorry wala kang hawak ngayon " pang-aasar naman ni Ken

" Umalis ka nga dito " utos ko sa kanya

" No way! " sagot naman nito , ang tigas talaga ng ulo ng isang to

" Call her nalang .. ask mo siya kung kamusta sila ni Akira sa condo " suggestion ni Fred

" Oo ganon nalang KUya kesa para kang baliw dito na pabalik-balik nalang " si Ken 

" Ayoko baka isipin non wala akong tiwala sa kanya " 

" E sa ginagawa mo ngayon parang yon na din yon Gerald " sabi naman ni Fred

" Alam mo Kuya minsan hindi ka talaga namin maintindihan .. daig mo pa yung may PMS eh .. " 

" Alam mo ikaw .. bakit ka ba andito? diba may lakad kayo ng girlfriend mo? " 

" Oh shot muntik ko ng makalimutan " sabi ni Ken , sabay tayo " Thank Kuya .. " sabi naman ni Ken

" May lakad pala tapos dumito pa " si Fred

" Eh kasi naman e .. " sabi ni Ken " O siya alis na ako .. ikaw na muna bahala diyan sa Kuya kong bipolar Fred ha .. tawagan mo lang ako pag nabaliw yan ..dadalhin ko yan sa mental kung saan si Elsa galing " pang-aasar ni Ken sa akin , tumawa naman si Fred , tumigil lang ito ng pinagdilatan ko siya

" Umalis ka na nga .. panira ka nga ng araw .. alam mo yun " pagtataboy ko kay Ken

" Alright " sabi ni Ken " See you nalang tomorrow .. need ko pa mag quality time kay girlfriend " pahabol ni Ken habang nasa pinto na ito

" Dont forget to use protection Ken " pahabol ni Fred kay Ken

" Ulol ..ibahin mo ako dude! " sagot naman ni Ken

Tumawa nalang ako sa kalukuhan nilang dalawa, kung andito pa yon sina Jalal at Ali nako mas lalong iingay tong opisina ko.

" Sige na call her nalang ..or kahit si Akira " suggestion ulit ni Fred sa akin 

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now