Chapter 27 -- O.O

7.3K 54 18
                                    

Chapter 27

Gerald's POV

" Sure ka ba talaga? " tanong ni Sarah sa akin

Andito kasi kami sa bahay ni Ate Juday , ininvite kasi si Sarah for dinner kasama ang close friend nila , kasali na don si Ate Sharon , Ate Beth at si Ate Anna. Sa akin naman okay lang sa akin yun . atleast hini hinay-hinay ko ang pagpapakita sa mga taong malapit kay Sarah pero sa public di pa na muna. E enjoy ko muna tong buhay ko ngayon kasi alam ko naman na once na malaman nilang bumalik na ako sa Manila. Marami na namang issue ang lalabas at ayoko sa ganon.

" Yeah .. im sure " sabi ko sabay hawak sa mga kamay niya na sobrang lamig

" Sige ikaw bahala! " sabi niya sa akin

" Alam naman nila na may isasama ka diba? " tanong ko sa kanya

" Yeah .. alam nila pero di nila alam na ikaw! " sabi niya

" Let's go " anyaya ko sa kanya , kung umasta ako parang ako ang inimbitahan

" Okay! " 

Kaya ayon inayos ko muna yung hood ko. Tapos lumabas na din ako sa drivers seat kasi bubuksan ko pa ang pintoan ni Sarah. Nang makalabas na siya sabay na kaming pumasok sa gate. Medyo safe naman ang lugar kasi malayo ang mga kapitbahay.

" Ate andito na kami! " sabi ni Sarah , kausap niya kasi si Ate Juday  " Sige po .. papasok nalang kami " sabi ni Sarah tas binaba na niya ang phone niya

" Alam nilang ako? " umiling naman siya

" Tara " sabi niya tumango naman ako

Pagkapasok namin tumambad sa akin ang loob ng house nina Ate Juday , wala paring pinagbago. May nadagdag lang na gamit sa living room nila , maya-maya pa lumiko naman kami papuntang garden ng bahay. Sanay na din ako sa house nila , minsan kasi tambay din kami ni Sarah dito pag day-off namin pareho dati. Masarap kasing magluto si Ate Juday kaya.

" Diyan kana muna ha! " utos niya sa akin 

" Sige .. " maikli kong sagot sa kanya

" Lumabas ka nalang kung tatawagin na kita " utos niya ulit

" Sure .. " maikli ko ulit na sagot

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now