Chapter 85

5.1K 74 11
                                    

Chapter 85

Sarah’s POV

“ Maam malapit na po maubos yung stock natin sa chicken “ paalala sa akin ni Lilia , isa sa mga head chef ng restaurant

Andito kasi ako ngayon sa kitchen , chine check lang yung mga taohan ni ate dito sa branch na mina manage niya , maya-maya pa pupunta na naman ako sa isang branch wala kasi si ate Johna busy sa school program ni Pyro.

“ Ganon po ba? Nasabihan niyo na ba yung distributor natin? “ tanong ko sa kanya

“ Ahh oo po .. pero yun nga e .. hindi pa daw sila makaka pag deliver kasi nahihirapan daw silang bumyahe! “

“ Bumyahe? “

“ Nagbago na kasi yung distributor natin , e mas gusto ng Mommy niyo na sa Pampanga tayo kukuha kasi kakilala nila pero nahirapan daw na pumunta dito sa Manila “

“ Ah sige tatawagan ko nalang si Mommy tungkol don! “ sabi ko sa kanila , pero ako umalis “ Kung pwede manghiram nalang tayo ng ibang stock sa ibang branch! “ dagdag kong utos sa kanya

“ Sige po Maam “ sabi nito tapos tuluyan na akong umalis

Paglabas ko ng restaurant may nakita ako sa labas ng restaurant since more on glass ang buong restaurant kitang-kita ko ang nangyayari sa labas at may nakita akong naghahalikan sa labas ng restaurant , mga teenager pa ata ang dalawa.

“ Que Horror “ sabi ko “ Mga kabataan talaga ngayon “ dagdag ko pero habang pabalik ako sa office may naalala tuloy ako

*Flashback*

" Still sweet huh! " sabi ni Gerald ng matapos niya akong halikan

" Perver ---- " di ko na naman natapos sabihin ang gusto kong sabihin kasi hinalikan na naman niya ako

This time kinarga na niya ako at pina-upo sa hood ng sasakyan niya without breaking the kiss , siya pa yung naglagay sa mga kamay ko sa leeg niya. Pag gusto kong kumalas hinahawakan niya naman yung ulo ko para hindi lang makakalas . Siyempre lalaki siya at mas malakas sa akin.

" Still sweet! " ulit niyang sabi ng maghiwalay ulit yung mga labi namin

" Uwi na nga tayo " sabi ko nalang , at bumaba na ako sa hood ng sasakyan niya

" Tsaka na .. gusto ko pa dito! " sabi niya na nakangiti ,at alam ko yung ngiting yun

" Tseee .. yang mga ngiting mung yan may binabalak yan e .. " sabi ko habang tinuturo ang labi niya pero nabigla nalang ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko at hinablot niya , napalapit na tuloy ako sa kanya at hinalikan niya yung kamay ko hanggang pinadaanan niya ng kanyang mga labi pati mga braso ko nadamay 

Kulang na nga lang pati shoulder blade ko hahalikan din niya , kung hindi lang ako naka tshirt ngayon posibleng mangyari yun .. para tuloy naulit yung nangyari sa amin 5 years ago. Ganitong-ganito din ang ginawa niya sa akin. Don nagsimula kaya nabuo namin si Reed.

" Remembered something? " bulong nito sa akin , napasinghap siya , nasa likod na pala niya si Gerald

" Ah walaaaaaaaaaa ahh .. tara na nga umuwi na tayo! " sabi tapos pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya

Sumunod na din siya sa akin , pagkarating namin sa condo , hinawakan niya yung kamay ko habang naglalakad kami papunta sa unit ko , hindi din ako makawala kasi hinahawakan niya yung kamay ko ng super higpit.

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now