Chapter 56 -- Reed and His Family

6.7K 71 11
                                    

Chapter 56

Sarah's POV

Andito kami ngayon sa bahay namin sa St.Charbel. Since medyo malapit lang din naman ang house ni Gerald dito sa amin kaya dito nalang kami mang gagaling ni Reed.

" Excited ba si Reed na makita niya ang family ni Gerald? " tanong ni Daddy sa akin

" Hindi ko pa sinabi Dy e .. "

" Ay bakit naman? " si Mommy

" Para surprise! " sabi ko nalang

" Parang yung ginawa mo sa amin? " si Daddy

" Parang ganon na nga Dy! siguro ganon din ang gagawin ni Gerald! " sabi ko sa kanila

" Kamukhang-kamukha talaga siya ni Gerald nu! " si Daddy , paulit-ulit nalang niyang sinasabi ang bagay na yun

" Oo nga .. Gerald the 2nd! " pag sang-ayun ni Mommy , pareho silang nakatingin kay Reed na busy sa kakalaro sa mga aso namin sa bahay

" Alam ko po yun! " sabi ko nalang

" At alam mo ba ang ibig sabihin nun!? " si Mommy

" Ako alam ko anak! " si Daddy

" Opo alam ko .. at huwag niyo nang ellaborate kasi halata naman ang gusto niyong sabihin e! " sabi ko sa kanila

Kasi ang sasabihin lang naman nila e , pag kamukha ng tatay e mas malaki ang love ng nanay sa tatay o vice versa. May sense naman kasi greatest love ko nga si hudlom diba.

" E di ayusin niyo na ang lahat anak! "

" In time My .. sa ngayon si Reed muna ang aasikasuhin namin! "

" Paano pag nagrequest si Reed na magbalikan kayong dalawa ni Gerald! " ani ni Daddy

" I dont know .. i really dont know! " sabi ko 

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now