Chapter 21 -- Morning Love

7.7K 59 5
                                    

Chapter 21

Gerald’s POV

Maaga akong gumising ngayong araw. Noong makarating ako sa bahay kagabi pagka galing sa lakad namin ni Sarah e , natulog na agad ako para maaga akong makagising ngayong araw . Ako pa naman kasi yong taong matagal magising. Kaya pilit ko talagang gumising ng umaga

“ Anong ing --- “ si Ken kakapasok lang ng kitchen ng bahay ko “  Kuya? “ tanong niya

“ Hey bro! “ naka smile kong tawag sa kanya

“ Anong ginawa mo sa kusina? Bakit ang gulo-gulo? “

Paano ba naman kasi nag try akong gumawa ng sandwich para sa amin ni Sarah ngayon. E sa wala talaga akong alam lutuin kaya ang gulo tuloy ng kitchen ayaw ko naman magpatulong sa katulong ko kasi gusto ko hands-on ako para inihanda ko para kay Sarah

“ Gumagawa ako kasi ng club sandwich! “ alam ko kasing isa yun sa gusto ni Sarah

“ Club sandwich lang tas ganito na kagulo ang kusina? Para ka namang naghanda sa fiesta e “ sagot naman ni Ken sa akin

“ Sorry naman .. alam mo namang hindi ako mahilig magluto diba!? “

“ Ay Kuya .. hindi naman pagluluto ang tawag don e .. “ sagot naman niya

“ Oo na .. “ sagot ko nalang “ Ako na ang hindi alam ang mga ganyan! “ dagdag ko

“ Akin na nga .. tulungan na kita! Ako na ang gagawa! “ lumapit siya sa akin

“ NO! “ matigas kong sabi

“ KUya naman .. para mapadali ka para maka-kain ka na no! Nakakasira ka ng tulog e .. alam mo ba yung ang ingay mo masyado dito sa kusina! At kailan pa niluluto ang bread sa kawali at may oil pa! “ sabay turo niya sa ginawa ko

“ Sab --- “

“ OO na .. wala kang alam kaya tutulungan na kita! “

“ Sabing hindi e .. ako na kasi bahala! “

“ Bakit ba? Ang oa mo ha .. ikaw na nga tung tinutulungan para maka kain kana! “

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now