Chapter 71 -- New Years Eve

5.5K 61 4
                                    

HELLO READERS , MISS ME? NA MISS KO KAYUNG LAHAT! SORRY HA NGAYON LANG AKO NABALIK GALING SA BAKASYON KO.. BTW 

HAPPY HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT! 

CHAPTER 71

Gerald's POV


" Nalinis niyo na ba yung buong bahay? ang garden? ang mini bar? ang pool? ang ---- " di ko natapos ang sasabihin ko kasi nag insert si Mama

" Anak relax lang .. " sabi ni Mama sabay tapik sa likod at balikat ko

" Paano ako makaka relax e VIP yung bisita natin dito sa bahay! " sabi ko pa sa Mama ko

" Masyado ka kamung OA kuya ..  " puna naman sa akin ni Ken

" Tseee .. parang ganito ka din dati e .. nong nag pasko yung girlfriend mo sa Gensan " sabi ko pa sa kanya

" Pero hindi kasing oa mo! " sagot naman niya sa akin

Kanina pa ako ngarag dito sa ayos ng bahay namin , dito kasi mag babagong taon ang mag-ina ko. Dapat sana kasama ang family niya pero wala e pumunta ng Pampanga. Kaya sila nalang dalawa ni Reed ang pupunta mamaya. Actually susunduin ko pa pala. 

" Kita mo nga tung bahay anak ohh lalo na yung sahig kulang nalang manalamin ka! " natatawang sabi ni Mama , pati kapatid ko natawa din

" Halata nga yung mga pimples mo Kuya e! " segunda naman ni Ken

" Sige mang-asar ka pa! " pagbabanta ko sa kanya

" Kayo talagang dalawa .. " sita ni Mama " O siya maiwan ko muna kayo tutulungan ko lang yung ate niyo sa pagluto para mamaya! " sabi ni Mama sa amin at tuluyan na ding umalis

" Ken naayos muna yung mini bar? " utos ko naman sa kapatid ko

" Tapos na po mahal na prinsipe .. " sabi pa niya with matching respect sa akin animo parang prinsipe talaga ako

" Baliw ka din nu? "

Ready To Take A Chance AgainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt