Chapter 90

4.5K 70 4
                                    

Chapter 90

Gerald's POV

6PM na ngayon at nakarating na ako ng Manila agad-agad , di naman talaga ako magtatagal don , pinuntahan ko lang sandali yung client ko para ma clarify yung dapat e clarify. Di ko kasi dapat palampasin ang surprise ko for Sarah tonight. Kahit ang alam niya e dadating ako bukas ng gabi. Kaya pagkapasok ko sa sasakyan ko agad kong tinawagan si Ken

Hello Kuya " sagot agad ni Ken sa akin

" Where are you now? " tanong ko sa kanya

" As usual sinusundan ng palihim sina Ate! " sagot ni Ken

" Good " sabi ko naman sa kanya " Call me pag pauwi na sila ha! PApunta na ako sa condo niya andun na din daw sina Fred " sabi ko sa kanya

" Ay ay captain! " sagot ni Ken sa akin

Sinadya ko talagang pasundan si Sarah ni Ken ng palihim , kanina after nilang mamigay ng invitations para sa binyag ni Reed ay umuwi daw si Sarah para kunin yung sasakyan niya , kasi ng ang alam ni Sarah e may lakad pa si Ken pero ang totoo e may plano ako at si Ken , napag desisyunan din daw ni Sarah na ito na ang susundo kay Blythe sa school para daw mag bonding silang tatlo kasama si Reed. Kaya nga pati si ate Marie e hindi sumama kasi alam din nito ang plano ko , gusto ko kasi maghanda siya ng pagkain para sa amin. 

Hello Ken " sagot ko kay Ken ng mag ring ang phone ko

" Kuya pauwi na sila! " sabi ni Ken 

" Kasama si Blythe? "

" YUp .. ihahatid pa nga ni ate si Blythe e pero sabi ko susunduin ko nalang sa condo .. "

" Anong sabi? "

" Pumayag naman siya .. " sagot nito sa akin " Ikaw saan ka na ba? " dagdag na tanong nito sakin

" Ito kaka park lang sa basement .. "

" E sina Fred? "

" Nasa lobby na daw naghihintay! " 

" OK , mga 20 minutes darating na sila diyan .. pati din ako! " sabi nito " Ang hirap naman nitong trabaho ko e! " reklamo ni Ken

" Ay sus para ka namang hindi nasanay e "

" Duh 4 years ago , nung huli ko itong ginawa nu! "

" Ang sabihin mo tumatanda kana boy kaya hirap kana! "

" Tseeee .. mang asar pa e .. ibaba ko na tu! "

" O sige Bye! " sabi ko tapos binaba ko na yung phone

Dideretso na sana ako sa unit ni Sarah pero kailangan ko pang pumunta sa lobby para sunduin sina Fred and the rest of the gang , kilala na naman ako dito sa building kasi nga may unit na din ako dito pero siyempre hindi ko pa sinabi kay Sarah baka kasi magalit e. Sekretong malupit mo na. At kung bakit nagka idea ako na kumuha ng unit dito e dahil din sa barkada ko , kaya ayon kumuha na ako ng unit , may laman na din pero wala pang tumitira. 

" Whats up lover boy? " pang-aasar ng lahat sa akin ng makita nila ako

" Kamusta? " tanong ko sa kanilang lahat

" Lets talk later baka maabutan tayo ng susuprisahin natin! " ani ni Fred

Sumang-ayon naman ang lahat kaya ayon , umalis na kami para pumunta sa unit ni Sarah. Pagka doorbell ko agad-agad din namang binuksan ni ate Marie yung pintoan.

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now