Chapter 87

4.9K 73 11
                                    

Chapter 87

Sarah’s POV

Pinakiramdaman ko lang si Gerald habang kumakain siya , ang lakas talaga niyang sumubo pag Chicken curry ang kinakain niya. Kung wala siguro ako ngayon mauubos niya lahat ng luto ko. Usually sila lang din naman ni Reed ang kumakain ng Chicken curry .. Maka kare-kare kasi ako e. Tahimik parin kami sa pagkain hanggang sa biglang magsalita si Gerald.

“ Alam mo kanina parang nanaginip ako! “ sabi niya bigla sa akin , na curious naman ako kaya tinanong ko na din siya

“ Dreaming sa morning? “ tanong ko , ngayon lang kasi ako nakarinig ng ganon e , usually naman kasi madaling araw

“ Yup! “ agaran niyang sagot sa akin

“ Meron ba non? “

“ Yup meron nun .. as far as I remember pag nanaginip ka daw ng morning may possibilty daw na mangyayari sa future yun! “ sabi niya

“ I see “ sabi ko nalang pero naguguluhan kasi ako , kumbaga naku curious ako lalo “ So ano panaginip mo? “ dagdag kong tanong sa kanya

“ Na sabi mo daw Sleep tight my Prince tapos hinalikan mo ako sa pisngi “ sabi niya at ilang sandal lang napa-ubo ako kulang nalang isuka ko yung kinain ko

“ Hey are you okay!? “ tanong niya sa akin sabay abot sa akin nung baso

“ Yeah im fine .. “ sagot ko sa kanya ng matapos kung inumin yung tubig “ Kumain na nga tayo .. tsaka ano ba yang dream mo!! “ sabi ko sa kanya

“ Well dream lang naman yun! “ biglang sabi niya na parang na disappoint

“ Di naman talaga yun panaghinip ..totoong nangyari yun! “ mahina kong sabi para hindi niya marinig

“ May sinasabi ka? “ tanong niya sa akin

“ Ahm nothing! “ sagot ko sa kanya at kumain nalang ako

Pagkatapos naming kumain ayun tinulungan niya akong manghugas ng pinggan at maglinis sa kusina , ayaw ko kasing I asa lahat kay ate Marie ang lahat ng gawain dito sa bahay. Matanda na din kasi si ate Marie kaya as much as possible tumutulong din ako.

“ Thank You “ sabi ko kay Gerald ng sabay kaming napa salampak sa couch

“ Youre welcome “ sagot niya sa akin

“ Hindi kana babalik sa office? “ tanong ko sa kanya

“ Nuh hindi nalang ..kayang-kaya naman yun nina Ken at Fred eh! “ sagot niya sa akin

Napansin kong pawis na pawis na yung long sleeve niya , kaya tumayo ako para kunan siya ng damit.

“ Where are you going? “ tanong niya nung humakbang ako papalayo sa kanya

“ Stay put ka lang diyan may kukunin lang ako! “ sagot ko sa kanya

“ Okay! “ sagot niya

Pagpasok ko sa kwarto kinuha ko yung over sized t shirt na binili ko , di ko pa din nagagamit yun , pantulog ko lang , minsan kasi mas bet kong magsuot ng over sized tshirt habang natutulog. Kinuha ko na din yung cellphone ko. So far wala pang text ang ate kong buntis.

“ Here! “ sabay hagis ko sa kanya

“ Ano to? “

“ Damit! Obvious ba!? “

“ Alam kong damit , anong gagawin ko dito? “

“ Lalabhan! “ sarkastiko kong sagot sa kanya “ Pawis na pawis po kasi kayo kaya pwede magpalit ka! “ dagdag ko

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now