Chapter 108

3.3K 68 16
                                    

Chapter 108

Sarah's POV

Ang bilis lang talaga ng panahon .. June na ngayon to be specific last week na ng June , pa July na naman , malapit na din ang birthday namin ni Reed , siya sa 20 ako naman sa 25. Speaking of Reed ayon nag-aaral na din ang anak ko kung saan nag-aaral si Akira at mga pinsan nito.

Yung trip din namin sa Baguio natuloy din kasama namin yung buong pamilya , 2 days din kami don , enjoy din ang lahat lalo na si Tita Vangie , marami siyang binili na strawberry jam para daw ipasalubong niya sa mga amiga niya sa Gensan .. 

" Mimi? Saan ba tayo pupunta? " tanong sa akin ni Akira , kaming dalawa kasi ang magkasama ngayon , si Reed naman kasama ng Papa niya , ewan ko kung saan pupunta yung dalawa

" Somewhere na alam kung gustong-gusto mo! " sagot ko sa kanya

" Where? "

" Hmmm paano ba? " tanong ko sa sarili ko " Ahh ganito , pumunta kayo don noong nag deal kayo ng Dada niyo .. " 

" E.K ? " excited niyang tanong sa akin

" Nope! " sagot ko sa kanya

Bukod kasi sa Echanted Kingdom , gusto din nila sa Star City , Manila Zoo o kahit don sa MOA. Gusto nila don kasi mag tambay sa may recreational area ng MOA. Or pahangin sa may bay.

" Star CIty? " tanong niya

" Hmmm ..secret " sabi ko , nag pout naman si Akira

" Mimi naman eh .. sige na tell me na " naka pout pa niyang sabi

" Secret na muna .. basta makakarating din tayo don " sabi ko sa kanya , sabay hawak sa matataba niyang pisngi

Kasama din namin ang Yaya niyang si Gina , siya na ulit ang taga alaga ni Akira , si Reed naman e si Clara na .. vibes na vibes ng dalawa yung mga yaya nila , nakikisali din kasi sa habulan sa hallway ng floor namin. Daig pa nila na nasa playground mabuti nga di masyadong strikto yung condo na tinitirhan namin. Kasi kung hindi simula't sapul na sita na yung mga bata pati na din yung mga Yaya nila

" Gina , dala mo ba yung bag ni Akira? " tanong ko kay Gina , minsan kasi dahil sa traffic nababagot si Akira , at ang gusto niyang gawin lang e maglaro sa iPad nito , e nasa bag lang naman niya yung iPad niya.

" Opo ate . " sagot ni Gina sa akin

" Good .. paki ready nalang din yung iPad niya , mababagot to mamaya .. start na kasi ng traffic e " utos ko sa kanya

" Opo ate " sagot naman ni Gina

" Good " sabi ko , ng tiningnan ko si Akira ayon busy sa kakatanaw sa labas 

" I know kung saan tayo pupunta Mimi " biglang sabi niya

" Talaga? "

" YUp .. sa Star City nga tayo! Pero bakit tayo lang? " naka pout niyang tanong sa akin

" May purpose kasi .. " sagot ko sa kanya

Actually nagka canvass ako para sa birthday ni Reed , ang pinagpipilian ko kasi e yung party sa Star City o yung gustong-gusto ni Reed na sa Jollibee nalang , yung Kiddie Party , he want to try daw non e .. E kahit afford ko naman ang big big party for him pero mas gusto kasi ni Reed na simple lang. Nasanay kasi siya sa Missouri na sa bahay lang kami , ako , si Ate Marie , sina Luis. 

Noong birthday nga ni Akira may binulong pa siya sa akin. Sabi niya he dont want a party na katulad ng kay Akira , gusto niya family and close friends lang daw. So bilang ina susundin ko kung ano ang gusto niya. Ni hindi nga alam ni Gerald na may ganito akong operation , knowing him gagastos at gagastos talaga yon para kay Reed.

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now