Ch. 33: The Social Climber and The Pianist

Magsimula sa umpisa
                                    

Alam ko ang sched ni Love at alam kung may pasok sya today. 

Dumaretsyo ako sa kwarto nya at hinanap agad sa drawers and credit cards nya.

Alam ko kasi na dito nya yun nilalagay eh. 

Hindi nya nilalagay sa wallet nya yung iba.

Tsaka, okay lang naman siguro sakanya yon. Lalambingin ko lang yon okay na sakanya yon.

Kinuha ko yung isa nyang credit card na malimit nya gamitin pagnagmmall kaming dalawa.

Umalis na rin ako at nilock ang unit nya.

Mamaya ko na lang sasabihin sakanya na kinuha ko ito.

Sumakay na ako ng jeep at maya-maya ay nakarating na ako sa mall.

"Krissy!" - tawag ko kay Krissy at kumakaway pa.

Lumapit ako sakanya.

Nabili sya ng froyo sa isang stand.

Grabe! Ang sarap talaga maging mayaman...

Ang ganda kasi no outfit ngayon ni Krissy.  

Well, lagi naman eh.

Shet lang! -.-

Pero di ako papatalo no.

Sinuot ko yung damit na binili ni Jelo sakin. Para mukang mamahalin :)

"Oy! Alyssa, you want?" - tinuro nya yung froyo na inisscoop nung babae.

I nodded.

"Miss, I'll have another one." - sabi nya tas tumayo na ako sa tabi nya.

"Ako na magbabayad." - sabi ko sakanya.

"Hindi. Ayos lang. Ako na. Tutal ako naman nagpasama sayo." - sus. Ang yabang mo. Whatever.

"Ah sige." - sabi ko. Pero sa totoo lang gusto ko naitapon sa mukha nya yung froyo na nilibre nya sakin.

Naglakad lakad lang kami sa mall. Tumingin ng damit.

Nagsukat sukat din.

Madami na syang nabibili na damit at sapatos as well as accessories. Pero hindi ako nagpatalo. 

Bumili rin ako gamit yung credit card ni Jelo.

"Kay Jelo yan ah." sabi nyang ganon. Nakita nya kasi na ginagamit ko yung credit card ni Jelo.

"Ahh. Oo."

Hindi na sya umimik... Ewan ko kung bakit.

"Kain tayo. Nagutom ako kakashopping." she complained.

At yon. Kumain na kami. Sa isang restaurant kami kumain.

Buti na lang may konti akong ipon na cash. Di kasi sila natanggap ng credit card eh.

Kumain lang kami don ni Krissy...

"So, kamusta naman kayo ni Jelo?" sabi ni Krissy after drinking water.

"Ok naman ata." tapos parang tumawa ako ng konti.

"Ata?"

Haaay >.<

"Kayo ba ni Geoff?" pagiiba ko ng topic.

"Just fine. Bakit ata?" binalik nya na naman yung topic na yon.

"Ah. Medyo ano kasi eh. Gawa dun sa Ysabel na yon. Do you know her Krissy?"

Magsasalita pa lang si Krissy ngunit nagsalita na ako ulit.

My Sweet BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon