"Story."

"Mahilig ka pala sa mga ganyan? Teka can I sit here? Wala na kasing ibang bakanteng upuan, kung okay lang naman sayo." Halatang nahihirapan na siya sa daming libro na dala-dala niya.

"Sure." Tumayo ako at tinulungan ko siyang ilapag ang mga libro sa table.

"Oh? Ayaw mong umupo?" Tanong ko. Nakatulala kasi siya parang ang lalim ng iniisip.

"Ah sorry. Marami kasi akong dapat tapusin." Sagot niya.

"Okay. Teka kukuha muna ako ng libro, tapos ko na kasing basahin 'to." Sabi ko.

"Wait." Sabi niya kaya napahinto ako.

"What?"

"Pakisauli nalang nito please. Di ko kasi ata 'yan magagamit." May inabot siyang libro saakin kaya kinuha ko ito at dinala.

"May mga interesting books kaya sila dito?" Bulong ko. Inuna ko munang isauli ang libro ni Luke, medyo may kalayuan nga lang yung kinunan niya ng librong 'to. Nakakainis naman oh.

"Ito na ata 'yon." Sabi ko nang makita ko ang bookshelf. Tsk. Nasa ibabaw pa yung kinalalagyan ng mga libro, nakakahiya naman kung ilalagay ko dito sa ilalim eh halata namang hindi ito para dito. Nakakatamad kasi eh, pero bahala na.

"Shit ang taas." Sabi ko habang pilit kong inaabot yung libro na nakita ko.

"Ayan! Tsk." Sabi ko nang maabot ko na ito pero sa kasamaang palad ay nataman ko ang ibang libro sa shelf dahilan upang malaglag ito.

"Tsk."

"Here, let me help you." Sabi ng isang lalaki habang kinukuha ko ang mga nalaglag na libro. Syempre nakatuon yung atensyon ko sa libro baka kasi mapunit. Umiling lang ako.

"Tulungan na kita." Sabi ng lalaki.

"Sinabi nang huwag na nga---Jake?" Nagulat ako nang makita ko sa harapan ko si Jake. Nakaupo kasi ako sa sahig at siya nakaharap saakin habang pinupulot yung mga libro. Magkalapit yung mukha namin, at sa kasamaang palad ay nararamdaman kong umiinit ang mukha ko.

"You don't have to be rude. Gusto ko lang tumulong." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsalita siya kaya napaatras ako.

"And by the way, do I know you?" Lumapit siya saakin kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya. Wow universe! Just wow! Your ways are too much for me, I shouldn't have come here in the first place. Tsk.

"Napipe ka na ba? Bakit hindi ka sumasagot?"

"Tsk. Ang yabang mo." Bulong ko.

"Anong sabi mo?!" Shit narinig niya ang sinabi ko!

"Luke! Yung libro mo nakita ko na!" Para akong nakuryente at mabilis na tumayo at dinala yung libro na nalaglag ko papalapit kay Luke.

"Huh? Anong lib--"

"Ito oh." Sinenyasan ko siya at binigyan ko siya ng just-go-with-the-flow look at sa awa ni Lord parang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.

"Ah oo nga pala. Let's go." Sabi pa niya at bahagya ko siyang tinulak paalis.

"Wait!" Napahinto kami ni Luke. Halatang nagulat din siya sa sinabi ni Jake.

"Bakit po?" Tanong ni Luke.

"Next time turuan mo yang kaibigan mong gumalang sa nakakatanda sa kaniya. Kahit sumagot man lang kapag tinatanong."

"H..huh?" Bulong ni Luke. He looks confused.

"And you, your hella weird of a freshman at wala ka pang galang sa mga seniors mo. Change that attitude." Pagkasabi niya nun ay naglakad na siya paalis.

"Tsk. Nakakabadtrip." Sabi ko at padabog na bumalik sa table namin.

"Ano bang ginawa mo sa senior na yun? Mukhang na badtrip ah?" Tanong niya pagkaupo niya. Inusog ko yung mga libro ko at isunubsub ko ang mukha sa table.

"Ano? Hindi ka ba sasagot?"

"Nakakainis kasi siya at napabossy pa." Sagot ko.

"Buti nga at 'yon lang ang ginawa niya. Narinig ko na matindi daw yun si Jake magbigay ng parusa sa mga freshmen na hindi rumerespeto sa mga seniors at teachers."

"Pakialam ko sakanila? For me, they're nothing compared to the teachers. Mas igagalang ko pa yung mga prof natin kesa sakanila."

"Tsk. You know what Kyle? Ikapapahamak mo yan kapag hindi ka gumalang sa mga seniors. Baka pag-initan ka nila." Sabi ni Luke.

"Don't worry. Hindi ako natatakot sakanila." Sabi ko. Umiling lang si Luke. 

Jake Ferrer? Tsk.



-

End of second chapter. 

a/n: Thank you for reading! You can also read 'Nothing to Regret' just click the external link or visit my profile. Ciao~ 

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now