20

6.9K 236 12
                                    

          

Chapter 20

Kyle's POV

"The Mitochondria produce energy for the cell through cellular respiration, and are rich in fats, proteins, and enzymes." Lahat ng mata ay nakatingin sa powerpoint presentation at kami ay nakikinig sa professor namin habang nagdidiscuss siya about the cell and its parts.

"Uhm, excuse me sir. Sorry to disturb your class but may I annouce something?" Kumatok ang isa sa mga seniors sa pinto kaya naman tumigil ang prof namin at pinapasok siya.

"Good morning freshmen. I was tasked to announce the following: first, there will be a meeting for you with the junior representative regarding the activities for the up coming intrams. Next, each faculty should have a pair of representative for this year's Mr. and Ms. Freshman. You will decide along with the junior representative kung sino ang isasabak niyo sa contest. And lastly, please study hard and submit all the requirements before the intrams week. That'll be all. Thank you so much sir." Sabi niya.

"Okay you heard about the announcement so I'll proceed to my discussion." Intrams huh? Sinabi niya pa talaga ang about sa requirements tsk, I'm sure bibigyan na naman kami ng gawain ng prof na ito. Ayokong pumunta sa meeting. Para saan pa? Eh hindi naman ata ako sasali sa mga activities. Sports? Never. Ilang weeks na rin ang dumaan matapos yung nangyari sa Pink Bubble.

Ayon, hindi ko na naman nakita ulit si Karl sa campus. Hindi ko naman siya tinawagan kasi baka busy siya, ano kaya ang emergency na sinabi niya saakin noon?

"Thank you for listening. Please prepare for a chapter quiz next meeting. Good bye." Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ang guro namin.

"Ano naman yang iniisip mo? Bakit nag space out ka na naman diyan?"

"Wala." Iniligpit ko ang gamit ko at ipinasok ang mga ito sa bag.

"Tara?"

"Saan tayo pupunta?" Tumayo ako.

"Sa meeting malamang." Kumunot ang noo ko.

"Hindi ako pupunta Luke. Ikaw nalang." Sabi ko sakanya.

"Bakit naman? Required daw lahat ng freshmen na pumunta. May attendance doon." Sabi niya.

"Tsk. Sige na nga, pero aalis ako agad pagkatapos kong magpacheck ng attendance." Sabi ko. Lumabas na kami at dumiretso sa gym. Lahat ng freshmen sa faculty namin ay papunta rin doon. 'Attendance is a must' naalala ko na sinabi sa unang meeting namin ni Quenie, ang junior representative.

"Nako lagot tayo kay Medusa 'pag hindi tayo pumunta." Sabi ni Luke.

"Sinong Medusa?"

"Si Quenie. Tinatawag siya ng ibang babae na Medusa kasi ahas daw siya." Alam niyo, itong si Luke kalalaking tao pero napakachismosa. Ewan ko ba.

"Oh tapos? Ahas siya?"

"Tapos Quenie pa ang pangalan niya so Queen of Snakes. Medusa." Si Medusa ba ang queen of snakes? Hay nako. Chismis nga naman napakabilis kumalat. I don't think she needs to be a snake to have a boyfriend kasi sa mukha at kutis pa lang niya pinagaagawan na siya. Responsable din siya of course hindi siya magiging representative kung wala sa character niya ang pagiging isang good leader.

"Tss. Mga insecure na chismosa." Bulong ko.

"Oo nga pala maiba ako, hindi ko ata napapansin ang basketball team na nagpapractice dito?" Tanong niya pagkapasok namin sa gym. Hanggang ngayon ay pinagbabawalan pa rin silang mag practice dito sa gym. Kinakabahan ako sa magiging performance nila sa game dahil sa kawalan ng practice.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now