17

6.2K 255 7
                                    

Chapter 17

Karl's POV

Kinakabahan ako habang pinupunasan ko ang pawis na dumadaloy mula sa aking noo. Hindi ako kasali sa laro ngunit damang-dama ko ang tensyon sa loob ng court.

"Go baby Jake!"

"Jake Ferrer our one and only! GO!"

"KUYANG NAKAPUTI! ANG GWAPO NIYO PO!" Napailing nalang ako nang marinig ko ang sigawan ng mga tao sa bleachers. Alam kong mas higit pa sa laro ang nangyayari doon sa loob ng court, bigay todo ang lahat ng team lalo na si Kyle.

Noong una ay nabigla ako dahil sa nalaman ko. Hindi ko siya nakitang naglaro ng kahit na anong sports noon and watching him now playing basketball gives me goosebumps. Ano nga ba ang kayang gawin ng sakit at hinanakit? It can possibly change a person kagaya ng nangyari kay Kyle.

I must admit it, he changed a lot from his looks to his personality and now? He's the best player among the freshmen na nakita kong naglaro. Hindi naman sa sinasabi ko na masama siyang tao dahil nagbago na ang personality niya. Kyle is still Kyle pero may nagbago lang talaga sakanya, maybe he is more approachable now than the Kyle in high school.

"Score: 65 - 69" Tumingin ako sa score bored at nagulat ako nang makita kong lamang ng apat na puntos ang team nila Kyle.

"Kita mo nga naman." Bulong ko.

"He's good, right?" Tumabi si Edward saakin dala ang libro niya.

"May class ka?" Tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"For a freshmen, he's good." Sabi niya ulit.

"I know."

"Pero ang tanong, bakit ngayon lang siya nag try-out? Ba't hindi siya nagpakita nung first try-out?" Tumingin ako sakanya. Makakalimutin na talaga siya 'no?

"Hindi mo ba talaga siya natatandaan?" Tanong ko.

"Sino? Yung freshman na nakaputi? Bakit sino ba siya?" See? Hindi niya natatandaan si Kyle. Siya lang naman yung sinita ni Edward habang naglalaro ng maaga dito sa gym, ang sabi niya pa hindi raw nagpabook ng practice.

"Tss. Wala." I sighed.

"But he looks familiar, pero he's good." Sabi niya. Nako kung wala 'tong pasok kanina sure akong isa rin ito sa maglalaro at lalaban sa mga freshmen. Competitive kasi si Edward, pero kahit ganyan siya he appreciates the efforts and works of others.

"Look at Jake. Parang sobrang seryoso niya ata for a try-out." Tumingin ako kay Jake. Oo nga 'no? Mababakas sa mukha ni Jake ang pagiging seryoso niya sa larong 'to. Competitive rin 'yan si Jake, mas sobra pa kay Edward. Ayaw niya na may lumalamang sakanya and watching him play like this? I bet he's thinking that Kyle is a threat.

"Magkasing bilis lang ata 'tong nakaputi at si Jake eh. Kaya niyang makipagsabayan kay Jake. Wow." Yung totoo, pati ako ay namangha rin sa nakita ko. Hindi ko inakalang may isang freshmen na kayang makipagsabayan sa team captain ng basketball club. First time 'to.

"Score: 70 - 74." Napalunok ako ng laway nang marinig ko ang announcer. Shit, masama 'to. Matatalo kami ng mga freshmen.

"Look at Jake, anytime sasabog na 'yan for sure."

"No way." Tumayo ako at dumiretso sa table ng announcer. I must stop this or else magkakagulo dito sa gymnasium. Nakita ko kasi si Kyle na may sinasabi kay Jake though I can't hear them sigurado akong naiinis si Jake sa mga pinagsasabi niya.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now