22

6K 213 2
                                    

Chapter 22

Kyle's POV

Sabado. Hindi ako nakatulog ng maaga kagabi dahil sa excitement at kaba. Hindi ako makapaniwala na ngayon na ang pictorial namin and to think sa isang beach resort pa owned by one of the freshman candidates last school year. 7:30 na ako nagising kaya naman dali-dali akong naligo at nagbihis para hindi malate sa 8:00am na pictorial namin.

"Kuya sagutin mo na ang call!" Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa lobby ng dorm dala ang mga gamit ko. Naghihintay kasi ako sa driver namin dahil magpapahatid ako sa resort at sa kasamaang palad kanina pa ako naghihintay dito at hindi niya rin sinasagot ang tawag.

"Kuya Mark naman oh. Sagutin mo na." Hindi na ako mapakali, kanina pa ako tingin nang tingin sa aking relo. Hopefully hindi pa sila nagsisimula.

(Hello sir Kyle?)

"Kuya Mark, saan ka ba galing bakit hindi ka sumasagot?" Tanong ko.

(Nako po, pasensya na po sir nasiraan kasi ako malapit sa mall. Naiwan ko ang phone sa loob ng kotse.) What the? Kung minamalas ka nga naman oh.

"Oh tapos na ba 'yan? Naayos mo na ba? Papunta ka na ba rito?" Tanong ko.

(Nako pasensya na po talaga hindi ko pa naayos ang makina. Mukhang hindi po ako makakapunta diyan.) Sabi niya.

"Ganon ba? Sige okay lang. Tawagan mo na lang si Kuya Dario, sabihin mo na tulungan ka sa kotse." Sabi ko. Nakakainis naman oh, ano pa bang magagawa ko edi mag commute papunta sa resort.

"Sige po. Salamat po, ingat po kayo." Sabi niya.

"Paano ba ako makakapunta sa resort nito? I don't have much time left." Bulong ko. Kinuha ko ang bag ko sa sahig at napatigil ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"So anong oras ba ang pictorial nila?" Isang boses ng babae na pababa mula sa stairs. "I don't know. Maybe around 8am." Agad kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng building nang marinig ko ang boses ni Jake Ferrer. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Bilisan mo Kyle." Bulong ko.

"Hey Kyle!" Napahinto ako at napapikit nang tawagin ako ni Jane.

"Diba ikaw ang representative ng faculty niyo?" Hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko ngunit narinig kong papalapit na sila.

"Hey." Tinapik ako ni Jane kaya naman humarap ako sakanila at pinilit kong ngumiti.

"Yes?" Tanong ko.

"Pandak, where are you going?" Hindi ko pinansin si Jake sa halip ay tumingin ako kay Jane, kahit na naiinis din ako sakanya for no reason.

"I'm going somewhere." Sabi ko.

"Somewhere? Diba kasali ka sa pictorial ngayon?" Tanong ni Jane. Bakit ba andami niyang tanong? Bakit hindi nalang sila umalis sa harapan ko para hindi na ako mabwesit ng ganito. Hay nako!

"Oo." Sagot.

"Oh? Saan ka ba sasakay? Malapit nang mag start ang pictorial." Sabi niya.

"Mag co-commute ak--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Jake.

"Sumabay ka nalang saamin."

"Ah oo nga, we're also heading in that resort so sabay nalang tayo."

"Thanks but no thanks, mas gusto kong mag commute." Humarap ako kay Jake. 

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now