24

5.9K 219 13
                                    

Chapter 24

Kyle's POV

"I can't! Natatakot ako!" Tinakpan ko ang mga mata ko. Natatakot kasi akong mag post, I mean na-busy ako kanina kung kaya't hindi ko na post agad.

"Hay nako Kyle, ipost mo na nga lang. Wala ka nang choice, I mean how can you gain more likes kung hindi mo ipopost 'yang picture mo sa dummy account mo?" Inirapan ko lang si Chloe. Nasa cafeteria kami ngayon at pinagtatalunan namin kung ipopost ko ba ang photo ko o hindi, nahihiya kasi ako sa mga readers ko.

"Alam ko na kung anong iniisip mo. If I were you ipopost ko na ang picture, hindi ka lugi kasi gwapo ka tignan diyan sa picture mo."

"Pwede ba Chloe? Huwag mo nga akong lokohin. Alam ko ang sarili ko." Sabi ko. Now I feel so down.

"That's your problem. Pwede ba Kyle? Kalimutan mo na 'yong nakaraan? It's time to move on! Kalimutan mo na 'yong panget at manhid na Kyle noon. You're the new Kyle, the hot and handsome one." Sabi ni Chloe. I know na she's trying her best to cheer me up pero what do I expect? She's my friend.

"Hays. Sige na nga." I sighed.

"Isama mo 'yong original link sa caption ah. Bilisan mo." Atat na atat niyang sabi. Inihanda ko na ang photo at ipinost ko ito kasabay ang link ng original picture sa official school page. Isa-isang nag pop-out ang mga notifications ko sa aking facebook kung kaya't nagulat ako at nataranta.

"Wow. Bam Boo, first to comment ah." Nakita ko si Chloe na nakatingin sa aking laptop.

"Anong ibig sabihin ng 'I knew it' niya? Hindi ko siya maintindihan." Sabi ko. He's the first one to comment kasi at maypa-I knew it- pa siyang nalalaman.

"Close kayo?"

"Slight?" Umiling ako.

"So close nga kayo?" Ulit niya.

"Actually magkaibigan kami, siya lang 'yong nakakausap ko nang matino sa account na ito." Sabi ko at ininom ang napakasarap na pink milk.

"Then how about Jeff? Diba nag cha-chat din kayo?" Andaming tanong ah. Hindi ba siya pagod? Tsk.

"Alam mo naman 'yon, walang ibang sinasabi kundi manligaw. Mas matino si Bam Boo, maniwala ka saakin." I raised my hand.

"Kung bakit kasi ang haba-haba ng hair mo at tinalo mo pa ang ganda ni rapunzel." Inirapan ko lang siya.

"Whatever."

"Teka nga lang, nakita mo na ba sa personal 'yan si Bam Boo or he is just your virtual friend?" Bakit ba ang daming tanong ni Chloe?

"Actually hindi ko pa siya nakita in person, gusto ko sana pero natatakot ako."

"Bakit na naman? Alam mo Kyle kung hindi mo aayusin 'yang mga i iniisip mo kakainin ka ng takot na 'yan." Sabi niya.

"Uy tignan mo nag chat si Bam Boo!" Tumingin ako agad sa phone ko.

"How are you? Ayos lang ba siya? Kakausap pa naman this morning ah." Bulong ko.

"Magreply ka. Sabihin mong okay ka lang." Tinulak-tulak pa ako ni Chloe.

"Oo na oo na wait lang." So nagreply ako na ayos lang ako.

"Let's meet up somewhere." Muntik ko nang matapon ang dala kong pink milk nang mabasa ko ang message niya.

"What the hell? Malapit lang ba siya dito? Meet up? Sure kang matino 'yan Kyle?" Nabasa rin pala ni Chloe ang message niya.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora