28

5.5K 226 22
                                    

Chapter 28

Jake's POV

"Thank you sir, come again!" Inabot ng cashier ang binili kong inumin.

"Take this." Inabot ko kay Kyle ang isang glass ng pink milk.

"Bakit ba tayo pumunta dito? Part pa rin ba ito ng workshop? Wow ha nasa labas na tayo ng campus." Sabi niya. Hindi ako sumagot sa halip ay itinapat ko sa mukha niya ang pink milk.

"Fine." He rolled his eyes and received the drink.

"So tell me, what are we doing here?" Nasa loob kami ng kotse ko and I'm about to start the engine when he suddenly asked me. He is goddamn cute with those expressions! Dammit! I can't take it anymore.

"No Jake, huminahon ka." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tanong niya ulit, lifting a brow. Is this what they call, the more you hate the more you love? I hope so.

"So bakit nga tayo napunta dito?"

"Para bumili ng pink milk? I heard that this new restaurant serves delicious pink milk. So kaya kita dinala dito to taste it." Acting as if I never saw him with my friend 'dating' inside this restau.

"Don't worry. Nakabili na ako dito at natikman ko na ang sinasabi mo." You know what, I have this feeling na wala akong pakialam kung murahin, sungitan or pakitaan ako ng bad vibes ni Kyle as long as we are talking to each other. I really miss my old De Panda.

"Akin nalang 'yan? Tutal natikman mo na naman 'yan eh, ako nalang ang iinom." Akmang kukunin ko na sana yung pink milk nang bigla niya itong inilayo saakin.

"No way! Binigay mo na ito saakin, no return no exchange na po." Sabi niya. Kaya tumango lang ako. I started the engine and started driving back to the campus.

"Is this still part of the workshop?" Tanong niya at tumango lang ako while my sight is stilll on the road.

"Weird ng workshop niyo ah, may pa ganito pa kayo eh napakalayo naman sa talent namin. Hello? Hindi ko talent ang uminom ng pink milk. Don't me." Sabi niya. I just smiled. Sige lang Kyle, magsalita ka lang. I've been longing for your presence and voice and because of that I came up with this workshop thing. 

Flashback.

"Bakit mo ba ako pinatawag ng maaga? Is there something wrong?"

"I need to do something." Sabi ko.

"Anong something? Okay ka lang? Baka may lagnat ka Jake? Kung ano-ano nalang 'yang iniisip mo eh." I stared at her at sinabukan kong magisip kung ano ang pwede kong gawin so that I can talk to Kyle.

"I know. Magsagawa ka ng workshop. Ngayon na." Sabi ko.

"What the hell? Workshop sa ganitong oras? Sigurado kang okay ka lang?" Sunod-sunod niyang tanong. Kaharap ko ngayon ang isa sa mga organizer ng pagent.

"Yeah a workshop, a workshop that includes the candidates and their seniors." Sabi ko. Sana pumayag siya.

"What for?" I know that it's very hard to convince her so I'll try my best to do it.

"Actually naisip ko lang na not all freshmen students are aware of their talents, and not all of them have experienced this kind of competition." Lalo na si Kyle. Alam kong kulang siya sa self-esteem kaya nahiya siyang magpakita saakin noon at umamin sa personal.

"So?" She lifted her brow.

"So, as a senior it's our resposibility to guide them and to help them discover their gifts and talents diba? I mean naranasan ko rin 'yan before but I'm glad my senior helped me with my problem. So, I want to use that approach to the candidates para hindi na sila mahirapan and para naman makapagbonding kami diba?" Sabi ko.

"Hmm. Hindi ako kumbinsido sa ganyang approach but we'll never know unless we try. Just this time Jake, if it'll not work then we will not use that anymore. Understood?" Tumango lang ako.

"Sure. Sige na tawagan mo na siya--I mean sila."

"Wow atat lang?" Inirapan lang niya ako.

End of flashback.

"May natutunan ka ba sa ginawa natin?" Tanong ko kay Kyle. Naglalakad na kami ngayon papunta sa gym.

"You want me to be frank?" Tanong niya kaya tumango ako bilang sagot.

"Wala akong naintindihan sa ginawa natin, 'di ko na gets kung anong connection ng pinagagagawa natin sa talents ko." Sabi niya.

"It doesn't make any sense." Dagdag pa niya.

"Hindi naman kailangan na may sense ang lahat ng bagay."

"Ayos ka lang? May sakit ka ba? Super maprinsipyo mo kayang tao at sure akong may sense lahat ng ginagawa mo except for this one." He sounded like he knew me for so long, which is true enough. Kung may tao mang makakapagpabago ng pananaw ko sa buhay I think it's Kyle.

"Wow. Mukha atang matagal mo na akong kilala. Stalker ba kita?" I smiled at him.

"Ang kapal ng mukha mo? Ako pa talaga ang magiging stalker mo? Asa ka pa!" Sabi niya at binilisan ang paglalakad. Malapit na kami sa gym nang mapahawak ako sa bulsa ko.

"Ow I almost forgot. Kyle!" Tinawag ko si Kyle kaya huminto siya sa paglalakad at tumingin saakin.

"What?"

"I want to give you something." Lumapit sa kanya.

"Ano naman?" Kinuha ko mula sa bulsa ang panda keychain na matagal ko nang binili, binili ko talaga 'to for him just in case magkrus ang landas namin which is happening right now.

"What's this for?" Halata namang nagustuhan niya ang binigay ko kasi tinanggap niya ito but he never showed an interest with what I gave, nasa puso pa ba niya ako? O 'di kaya may bago na si Kyle? Huwag naman sana.

"That's a gift from me--I mean your senior. That's a good luck keychain for your contest." I smiled at him.

"Thank you." He showed me his faint smile and then he continued walking.

I hope that the feeling is still there, Kyle.

- -

End of the twentyeighth chapter.

Note: Thank you for reading my story up to this far. Have you heard the news? 2 moons will be having second season! Yey! I can't wait to watch my Phana and Wayo back on screen again *sends kisses and hearts*. Wait for the next update. Ciao!

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now