Chapter 1

15.7K 328 13
                                    

Jerson

"AMANDA! BUMABA KANA!" Sigaw ko.

"Not unless you forgive me, honey!" Sigaw naman niya pabalik saakin.

"The hell, Amanda? Halika na. Bumaba ka na ngayon din!" Sabi ko sakaniya. Tss daughter of a slut! 

"So you mean, pinapatawad mo na ako?"

"Ah-huh? At wala ka namang nagawa sa aking mali e, kaya bumaba kana!"

"Yes, honey!" Tapos dali-dali siyang bumaba mula sa punong kahoy. Monkey-girl.

"Yeah! I lurv you bestfriend!" Aniya. Hininihingal pa rin siya, sino naman ang hindi hihingalin sa ginawa niya? Nagmamadali siyang bumaba mula sa napakataas na puno. She's acting as if she isn't the daughter of a wealthy business man. 

"Thank you! And I love myself too. Kaya tara na! Mali-late na tayo. First day na first day tapos late na agad tayo." Sabi ko. I rolled my eyes at her. That's how you do Jerson's style. 

Naglakad na kami papunta sa school, walking distance lang naman kaya malapit lang sa bahay namin, at lilinawin ko lang, hindi baliw ang best friend ko sadyang may topak lang siya. Kinain lang naman niya 'yung chocolate sa bag ko kanina, tapos sinigawan ko siya at ayan na, dali-dali siyang umakyat ng puno, magpapakamatay daw siya 'pag 'di ko siya pinatawad. Isip bata.

"Hey! Room 143!" Sigaw niya habang itinuturo ang numero na nakapaskil sa pinto ng silid. Sigurado akong huli na kami sa klase at kahit na bilisan namin ang pagtakbo, hindi pa rin 'yon mababago ang katotohanan na late kami. And it's all because of her.

"So cla---" Naputol 'yung sasabihin ng teacher nang makita niya kami sa pintuan na nakatayo at hinihingal.

"Hmm? Look what we have here," Aniya at itinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay papunta sa direksyon ko. Miss Minchin, is that you? Goodness I know this school year would be a rough one. 

"Tsk." Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Well okay naman, well-established at hindi rin mainit.

"Sorry ma'am." Sabi ni Amanda tapos nag-bow siya sa harap ng guro namin.

"Bakit siya nag bow?" Bulung-bulongan ng mga babae sa harapan. Ano'ng pakialam niyo, mga mukhang palaka? Inggit kayo? Gusto n'yo gayahin? Fine! The floor is all yours. God these girls are giving me migraine. I wonder how they parents managed to raise them 'cause if I were them, baka itinapon ko na ang mga 'to sa ilog Pasig. 

"Look at him." I ignored them, they're just insecure kasi maganda si Amanda.

"Well, introduce yourselves." Sabi ng teacher namin.

Naglakad si Amanda papunta sa harapan at nagsalita, "Hi everyone! My name is Jashea Amanda Edwardo Park, I'm 17 and you can call me Jash just don't call me using my second name, it's so irritating to hear." Tapos tumingin siya sa'kin ng masama. Para naman akong nakapatay ng kung sino dahil sa titig niya. Pagkatapos ipakilala ni Aman-- shit! Fine! Jash ang pangalan niya ay naglakad na ako papunta sa harapan. Magpapakilala rin ako of course.

"My name is Czar Jerson Lim, 17 years old." Pagkatapos ay naghanap agad ako ng mauupuan. I like sitting near the window. At nang makakita ako ng bakanteng upuan malapit sa bintana ay agad ko itong tinungo hindi man lang ako pinapansin si Jashea. What's her deal? Siya na nga 'tong tinutulungan siya pa yung galit?

"This class is boring," Narinig kong sabi ng katabi ko. I looked at him and I saw the boredom in his face. He must've noticed me kasi napatingin din siya saakin, I just smiled at him. 

"Hi. The name's Lenon." Sabi ng lalaki na nasa tagiliran ko.

"Jerson." Sabi ko tapos nakipag-shakehands sa kaniya. Binaling ko ulit ang paningin ko sa bintana, hindi naman ata interesado si Lenon na makipag-kwentuhan sakin kaya sa labas nalang ako tumingin. Mula rito sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang bulletin board kung saan nakapaskil ang mga announcements. Hindi na ata ako mahihirapan pang lumabas upang tignan ang announcements, kitang-kita ko naman mula rito e.

So the class was boring and yes nagsimula na agad ang teacher namin sa lessons niya. Ayoko talaga 'pag ganitong klaseng teacher, first day na first day nagbibigay agad ng lessons and activities. No chill! I hate this kind of teacher.

The class clapped with joy when we heard the ringing of the school bell, hindi naman masyadong bastos ang mga magaaral dito. It's time for the next subject and we need to transfer to another classroom to go to the next class. Ganito ata kasi 'yung traning nila rito. 'Di bale, this time I will make sure to sit next to Jashea, at least sitting next with her will help me survive the class for an hour. She's basically a talking machine.

"Hey!" Speaking of Jash, nasa likuran ko pala siya nakaupo.

"Hey? Ready to go to the next class?" Tanong ko sakaniya habang inaayos ang gamit ko.

"Sure, honey!" Sabi niya at hinila ako papalabas. I already got used to her hyped behavior. Sa tagal ba naming magkaibigan e halos alam ko na ang lahat sakaniya.

Naglakad papunta sa susunod na class namin, may map na si Jash ng school kaya imposible na maligaw pa kami. Sa laki ba naman ng campus na 'to siguradong malilito kayo sa dami ng pasikut-sikot na daan at nagsisilakihang gusali. Nakasunod lang ako sakan'ya, she's leading the way. Habang nasa daan hindi maiwasan ng mga mata kong maglibot-libot hanggang sa may nakita ako.

"Yow! Come on! Gusto mo bang ma-late na naman tayo?" Bumalik yung diwa ko dahil sa pagsigaw niya. I almost lost my senses.

"Yeah, coming!" Sabi ko at naglakad ulit, this time she made sure na sabay na kaming naglalakad. 

Mabuti na lang at hindi gaanong boring ang second class namin kaya nakinig na ako sa bawat instructions na ibinigay ng teacher saamin. Di nga siya boring 'no? Si Jash naman nasa tagiliran ko palaging sinisipa ang upuan ko. Hindi ba siya nahihirapan? Nasa right side niya ako habang ginagawa niya 'yon, natatakot ako at baka mahuli siya ng teacher namin.  

At last! The moment that we've been waiting for, break time. Nagpunta na agad kami ni Jash sa cafeteria dahil parehas kaming gutom. Nag order ako ng pagkain and as expected parehas lang kami ng inorder niya. Ewan ko ba kung ano'ng trip ng babaeng 'to.

"Jerson, nagtatampo ako sayo." Diretsong sabi niya saakin matapos kong maisubo yung pasta dish na binili ko. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. 

"Why?" I asked in a cold tone.

"Kasi 'di mo sinabi sakin kung bakit ka huminto kanina malapit sa room 148 nung papunta tayo sa second class natin, nagtanong kaya ako sa'yo." Aniya. She showed me her pouted lips. 

"'Wag kang mag-alala, wala lang 'yon." I assured her. Kinuha ko ang juice at ininom ito.

Hindi na naman siya nagsalita, patuloy lang siya sa pagkain habang iniinom ang juice ko at nakatingin sa ibang direksyon. Inilapag niya ang pagkain niya sa lamesa na nakakuha ng atensyon ko kaya ibinaling ko ang aking tingin sakaniya and then I lifted a brow.

"Hanggang kailan mo ba itatago sa parents mo na bakla ka?" Nabigla ako nang magtanong siya.

"Malalaman din nila, sa tamang panahon." I answered casually.

"Hmm? I'm really curious about something..." Sabi niya tapos at bumuntong hininga.

"About what, again?" Tanong ko.

"About the thing you saw that made you stop. Hindi ka naman ganyan 'pag nakakakita ka ng mga normal na bagay para sayo unless, " She smirked and that annoyed me a little. I placed the glass of juice on the table and said, "Unless?"

"Unless it's a guy."


-

Note:
Beware of foul words, words that aren't spelled clearly and correctly, and sentences that might be grammatically wrong, I'm still editing the story. Thank you and enjoy!

Nothing to REGRET (BoyxBoy) (COMPLETED)Where stories live. Discover now