07

7.9K 300 10
                                    

Chapter 7

Kyle's POV

"Oh? Ba't ka nakatulala diyan may nangyari ba sayo?" Kasama ko na pala si Chloe ngayon habang naglalakad papunta sa gym kung saan gaganapin ang try-out nila.

"'Wag ka nalang kayang tumuloy sa try-out?" Sabi ko.

"Ano? Wow ha, nag effort akong sunduin ka dito kahit na mas malapit sa dorm ko yung gym kaya don't tell me na hindi ako tumuloy. Jeez." Sabi niya. I find it weird how she dressed like a real freakin' basketball player. Kita ko nga ang effort niya, walang duda nag effort nga siya.

"Aba syempre ikaw kaya ang magpapasama saakin. Teka, saan mo ba nakuha ang damit na 'yan?" Tinuro-turo ko pa yung color pink niyang jersey na may numerong 23.

"Syempre binili ko 'to kanina. Teka, anong nangyari diyan sa kamay mo?" Tsk. Nakita niya pa talaga ang kamay ko.

"Ah wala. May binuhat lang ako kanina sa meeting." Sabi ko.

"Tss. Naiinis na ako sa napakasensitive na kamay mo ha. Mag-ingat ka nga minsan and don't carry heavy things alam mo namang hindi ka sanay mag buhat."

"Opo. Pero kasi kung hindi lang dahil sa lalaking 'yon hindi ko dadalhin ang sandamakmak na softdrinks na 'yon."

"Hoy? Anong lalaki? Nagbuhat ka dahil sa isang lalaki? The heck Kyle? Did you just brought a bunch of softdrinks because of a guy? Jeez. I didn't see that coming." Natatawa niyang sabi kaya tinulak ko siya para tumigil.

"It's not like that po. Pero whatever. Hindi na mangyayari ulit 'yon. I'm not his servant." Sabi ko.

"Of course your highness. You better make him as your servant rather than making you as his' servant. Haha bilisan mo na nga baka malate pa ako." Sabi niya at hinila ako patakbo. Hindi pa rin ako makaget-over sa sinabi ni Jake kanina at sa naging pakiramdam ko pagkatapos non. Magpa check-up na kaya ako? Baka kasi may problema na ako eh. Tsk.

"Good morning, sasali ka ba sa try-out?" Sinalubong kami ng isang babae na may dala-dalang papel.

 "Siya po." Tinuro ko si Chloe. Obvious naman po eh, nakajersey na nga yung tao diba? Tsk.

"Please fill up this form at dumiretso kana sa loob kasi magsisimula na ang try-out." Sabi niya at umalis.

"Tara sa loob. Magsisimula na raw yung try out. Bilis!" Hinila na naman niya ako patakbo sa loob ng gym. At ayun na nga, nasaksihan ko ang basketball court nila na may maraming audience and take note mas maraming girls. Diba dapat mga lalaki ang manunuod ngayon? Girls ang magtatry-out duh.

"Sige. Upo na muna ako doon sa taas--"

"Chloe! Nandiyan ka na pala." Hindi ko na ipatuloy ang sasabihin dahil may lalaki na biglang lumapit saamin.

"Ah yes." I throw a glare at Chloe. So, this is the guy that she's talking about.

"You look cool with that jersey. By the way, sinong 'tong kasama mo? Boyfriend mo?" Tsk. Nakakainis naman 'tong lalaking ito, parang nakakairita na ewan.

"No. Kaibigan ko siya. Actually napagsama ako sakanya dito." Sagot ni Chloe. Yumuko ako at pinagmasdan ang sahig.

"Bro, complete na ba?"

"Yes Jake, I was talking about her. Sige let's start." Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko nang makita ko si Jake sa harapan ko.

"Oh nandito ka rin pala." Siniko ako ni Chloe kaya naman napatingin ako kay Jake.

"Ah oo. Sinamahan ko lang siya." Sabi ko, napansin kong tumingin siya sa mga kamay ko kaya itinago ko ang mga ito sa bulsa ko.

"Girlfriend mo?"

"A---"

"Nevermind. Sige, Chloe right? Punta kana dun magsisimula na tayo." Sabi niya atsaka umalis.

"Oh? Ba't nauutal ka diyan?" Pangaasar ni Chloe.

"Huwag mo na akong asarin. Sige na pumunata kana doon. I'll just sit up there." Tinuro ko ang bakanteng upuan sa taas. Tumakbo na si Chloe papunta sa grupo.

As usual wala akong naintindihan sa laro, kasi nga hindi ako sporty at hindi ako naglalaro ng basketball. The only thing that caught my attention are the girls at the right side of the bleachers. They keep on shouting and cheering for Jake. Wait, he's not even on th game. Nanunuod lang din siya sa gilid while wearing his basketball uniform. At isa pa, bakit ba ako naiirita sakanila? Maingay kasi hindi ako makaconcentrate sa panunuodm. Tsk.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at napansin ko ang unregistered number na nag missed call at nagtext saakin. Tinext ko ito at nagtanong ako kung sino baka kasi importante.

"Ayos na ba ang kamay mo?" Nagulat ako nang makaramdam ako ng malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko.

"Ah Jake." Inabot niya ang malamig na pink milk sa akin at umupo siya sa tabi ko.

"Salamat. Bakit ka nandito? Diba dapat nandoon ka sa baba at nanunuod sakanila?" Tanong ko.

"Ang mga kaibigan ko na ang bahala sakanila. Kaya na nila 'yon. Why? Don't you want me to sit here beside you?" Ayan na naman ang pisngi ko, bakit kasi biglang umiinit nakakahiya. Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Ah hindi naman sa ganon." Mas gusto ko na iniinis at sinusungitan niya ako kesa sa ganito. Tama nga ang hinala ko, I don't like him near me because he's not good for my system.

"Ayos na ba ang kamay mo?" Tanong niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa laro.

"Okay lang ang kamay ko baka nanibago lang ako kanina kaya nangyari 'yon." Sabi ko.

"Hindi ka naman pinagalitan ng president ng club mo dahil late kang dumating?"

"Hindi naman." Ako lang ba ang nakapansin na parang nagbago yung pakikitungo niya saakin? Na parang naging mabait siya? Pero naiinis pa rin ako sakanya.

"Malapit ng matapos ang laro." Sabi niya kaya napatingin ako sa score board. Tumayo siya at bumaba papunta sa score board. Sa pagkakaintindi ko lamang ang Team nila Chloe at syempre silang ang nanalo.

"Nakita mo ba ako kanina Kyle? Ang galing ko! Halos lahat ng tira ko pasok lahat." Actually hindi ko nakita kasi nga nabusy ako kakaupo doon.

"Oo nga. Ang galing mo." Sabi ko. Unti-unti nang nagsisilabasan ang mga tao sa court at as expected may mga babae pa na nagpa picture kay Jake.

"So kelan daw malalaman ang result kung sino ang pumasa?" Tanong ko habang iniinom ang pink milk ko.

"Bukas daw. Saan galing yang pink milk mo? Pumunta ka ba sa cafeteria kanina habang naglalaro kami?"

"Hindi no. Binigay lang." Sagot ko.

"Binigay nino? Ng secret admirer mo?"

"Haha gaga hindi 'no. Ah basta! Tara? Nagugutom na ako." Secret admirer daw? What if I tell her na it came from the person whom I hate the most in this campus? Haha syempre hindi siya maniniwala. Umalis na kami at dumiretso sa cafeteria para kumain at syempre dahil nanalo sila sa game nilibre ko siya ng lunch.


- - -


End of the seventh chapter.

a/n: Hello readers! Sorry for the super late update. Thank you for reading Dream Guy. For more stories from BlackFiffy you may visit my profile and look for stories. Don't forget to hit the follow button haha. By the way, check out my other BL novel entitled 'Nothing to Regret'. Ciao!

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon